Chapter 57

431 32 8
                                    

BENJIE'S POV








"Sir!!!" sigaw ko nung makita ko siya sa bathtub nila!









Agad akong tumakbo papunta doon. Nakahiga siya at nakalubog ang ulo niya sa tub!






"Sir! Sir!!" banggit ko at agad siyang iniangat sa tub na iyon. Wala siyang malay at mukhang ilang minuto na siyang nakalubog sa bathtub na yon! Namumutla na rin siya dahil malamang sa pagkakababad sa tubog doon.









Agad kong kinuha ang robe niya at ibinalot iyon sa kaniya bago siya ipinasan sa likod ko.












Nalilito ko kung anong gagawin ko dahil hindi ko alam kung ilang minuto na siyang nakababad doon. Hindi ko alam kung anong uunahin kong gawin dahil natataranta ko sa nangyari! Inayos ko siya sa likod ko bago mabilis na lumabas ng kwarto nila.










"Daddy!!" malakas na tawag nila Apollo at lalapit sana sakin buti at napigilan agad sila nung mga maids. "Daddy!!!" sigaw niya uli pero ni hindi siya malingon ni sir dahil wala pa rin siyang malay.









Kita rin ang pag-aalala sa mukha ng mga maids na nakasalubong ko. Agad silang gumilid para bigyan ako daan.











Mabilis akong bumaba sa hagdan nung marating ko iyon. Halos madapa pa ko dahil sa pagmamadali ko.







"Gina! Gina!!" tawag ko.







Agad naman siyang lumabas sa kusina at nagulat na nasa likod ko si sir.









"Benjie, anong nangyari?" gulat na tanong niya.








"Hindi ko rin alam. Mamaya na ko magpapaliwanag. Tulungan mo ko sa kotse! Kailangan nating dalhin si sir sa hospital!" banggit ko at agad na muling naglakad.





Agad naman siyang umaksyon at naunang maglakad sa akin para buksan ang pinto.











"Hindi ba natin tatawagan muna si Dr. Aquino?" tanong niya habang binabagtas namin ang daan papunta sa kotse ko.







"Ang alam ko, out of the country ngayon si Dr. Aquino, may Conference siyang pinuntahan." banggit ko.








"Ma, Pa, ano pong nangyari kay sir?" nag-aalalang tanong ni Jasper na nakasalubong namin. Nakapantulog na siya at mukhang susunduin lang niya kami kaya siya lumabas ng bahay.










"Jasper, ikaw na munang bahala kila Miss. Huwag mo silang iiwan. Tatawagan kita mamaya pagdating namin sa hospital." mariin kong utos sa kaniya.








"Sige po, papa." banggit niya dahilan para mapangiti ako kahit papaano at patakbo nang tinahak ang daan sa kotse ko.









Buti na lang talaga at maaasahan na rin si Jasper sa edad niyang 'yan. Alam kong kahit iwan namin sila buong magdamag ay babantayan niyang maigi ang magkapatid.








Nang maipasok namin si sir sa kotse ay agad ko na rin iyong pinaandar at mabilis na nagmaneho para makarating agad sa hospital.









Agad din naman siyang inasikaso nung makarating kami doon. Dinala siya sa ER at doon tinignan ng doctor ang lagay niya.











My Detrimental Lover 2: The Lost AngelWhere stories live. Discover now