Chapter 25: Walkout

3.3K 18 0
                                    




**CHAPTER TWENTY-FIVE**




Back to school na at first day of being a Junior High namin ngayon.



"Hoy May!" tawag sa'kin ni Via na kararating lang ng school.





"VIA!" Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit!




Na-miss ko rin tong bruha na 'to kahit na halos araw-araw kami nag-tetelebabad nung summer.



"Grabe! So kayo lang?!" Lumingon kami sa babaeng nagsalita at nakita namin si Cristy na katabi lang si Angie.




"Tsk! Di naman ata tayo na-miss ng dalawang 'to eh. Pasok na nga tayo Cris!" Ani Angie na kunwari'y nagtatampo.




Tumawa naman ako ng malakas tsaka kami nag-group hug.




"H-Hoy? Paano naman ako!?" nangingiyak na sabi ni Chin habang may dala-dalang tatlong malalaking bag at tambak-tambak na folders and envelopes.





Di naman ata masyadong excited tong si Chin para sa first day of classes. Andaming dala eh!




"Saang bansa ka pupunta Chin?" tanong ko kay Chin.




"Uy Chin, magcacamping ka ba? Saan? Mt.Apo? sa Mayon ba??" pabirong sabi ni Cristy.





"Hahaha! Baka naman sa Chocolate Hills?" dagdag pa ni Via na mas lalong kinainis ni Chin.




"Tse! E nakakainis kasi 'tong si mama eh! Ako pa ang inutusang kunin ang mga bag ng mga kapatid ko sa office nya. Dalhin ko daw to sa mga classrooms nila." naiinis na sabi ni Chin habang pumapadyak ng mga paa.




Teacher pala dito sa Grandville High ang mama ni Chin. Sa katunayan, naging guro namin ang mama niya nung elementary pa kami.



Sa school din nagtatrabaho ang papa ni Chin bilang registrar ng school.



Dito rin nag-aaral ang dalawa niyang nakababatang kapatid na lalaki.


Tumawa lang kaming apat sa huling sinabi ni Chin.

'Yan talaga pag totoong kaibigan, instead na tulungan ka, 'kaw pa tong pinagtatawanan namin at pinagtitripan.


Nakakatawa naman kasi reaction ni Chin eh, parang batang naagawan ng lollipop!



"Ganun? Tatawanan niyo na lang ako? Sige, kayo na diyang may pa-group hug na nalalaman! Tabi nga!"



Di namin siya pinadaan, sa halip ay hinarangan siya namin at pinalibutan tsaka niyakap ng mahigpit na mahigpit hanggang sa di na siya makahinga.





"Mga abnormal talaga kayo! Pwede niyo na ak-kong b-bitawan! D-Di na'ko m-maka h-hingaaa! O-Oxygen!" nahihingal na sabi ni Chin.



Binitawan namin siya at saka tumawa na parang walang bukas hanggang sa ma-deds na kami.




"Hay, ewan ko sa inyo! Sana mabilaukan kayo sa sobrang tawa! Tse!" ani Chin.









"Para ka talagang magcacamping! Hahaha!" pang-iinis ko sa kanya.



"Walangya talaga kayo! Ba't ko pa kasi kayo naging kaibigan?!" aniya.




"Ito naman oh. Peace yo!" Ani Angie.





"Ewan ko sa inyo! O siya, babalik lang ako. Ibibigay ko pa ang mga 'to sa mga kapatid." ani Chin sabay alis.


**


Pumasok naman kami sa classroom since malapit na mag-bell.


Umupo ako sa napili kong desk nang biglang may tumawag sa pangalan ko.



"Hi May!"



Nagulat ako nang nilapitan ako ni Jim sa seat ko.




"Kamusta naman summer mo?" tanong niya sa'kin habang nakangiti.




Err? Eto na naman ang awkwardness!

Hay, kelan ba mawawala ang guilty-feeling na nararamdaman ko?

It's been a year already, but di ko pa rin maalis sa isipan ko na sobrang laki ng kasalanan ko kay Jim.

T______T




"H-Ha?Ah eh, hehe. O-Ok naman, Ikaw? K-Kamusta summer mo?" - nauutal kong tanong sa kanya.




Nakakaba, nubayaaan.



Leshe. Pinagtawanan niya pa ako. Bakit kasi kinakausap pa ako ng isang 'to? Huu!



"Ok din naman. Nga pala, May?"




"Bakit?"





"May nakaupo na ba dito sa likuran mo?"
tanong niya.




"Ah wa-" Di na ako nakatapos sa sinasabi ko kasi bigla itong pinutol ni Mark.




Si Mark? Nandito na siya?




"Meron. AKO." sabi niya kay Jim sabay hagis ng backpack niya sa empty desk sa likod ko.




Nagulat naman si Jim nang makita niya si Mark.


"Uy pre, k-kamusta?" bati sa kanya ni Jim pero dinedma lang siya ni Mark.




"Tabi." sabi niya kay Jim sabay upo sa upuang nasa likod ko.




"Ah s-sige, dun muna ako kina Jacob." sabi ni Jim sabay alis.



Tsk. Kahit kelan talaga ang sungit ni Mark.


Nag-uusap lang naman kami ng maayos ni Jim ah.

May masama ba dun? Susme. >,<





"Ba't ang aga-aga, yung kumag na 'yun ang kausap mo?!" tanong ni Mark.




"Eh kasi classmate natin siya? Psh." I said in a sarcastic tone.



Inirapan niya lang ako tsaka yumuko sa desk niya at natulog.



Pambihira! Sarap batukan ng isang 'to! Tinulugan ba naman ako. Aish. >.<




Di rin nagtagal nang dumating na 'yung adviser namin this school year.




Panibagong chapter na naman 'to sa buhay namin.




Third year na kami at isang taon na lang, magpapaalam na kami sa Grandville High.





Lord, pwede bang i-slowmo niyo po muna ang panahon ngayon? Parang ayaw ko pa kasing tumanda at umalis ng high school. Huu!





**FASTFORWARD**





Ilang days din ang nagdaan at back to normal na ang lahat. Binabawi ko na pala yung sinabi ko na i-slowmo yung panahon, pwedeng fastforward na lang para makagraduate na ako agad?



Kapagod talaga! Tambak ang schoolworks na binibigay sa'min ng mga guro at halos araw-araw kami nag-quiquiz!




Ano ba to?!



High school o Military school?? HAY NAKO!








"Handa na ang pagkain sa mesa. Kumain ka na." sabi sa'kin ni mama.





"Mamaya na po, Ma. Tatapusin ko lang assignments ko."





"O sige, labas ka na lang sa kwarto mo pag tapos ka na diyan."




"Sige po. Salamat."





Hay buhay, parang life! Naman oh!

Bakit ang dami ko pa kasing dapat tapusin! Ugh!


Siguro kalahati lang sa klase ang gagawa ng mga assignments na 'to para bukas, at nasisigurado ko rin na magkakaroon kami ng kopyahan session bukas sa classroom.


Grrr purya naman. Sumasakit na ang ulo ko sa lahat ng schoolworks na 'to!



I need a break! Huwaa!




Bzzt...Bzzt...



Nag-vibrate cellphone ko. Sino naman kaya 'tong nag-text?




Mwehe! Lord, sana naman po si Mark! Kailangan ko pa naman ngayon ng inspiration.



Oo nga pala, silent cellphone ko 'pag may klase. Nilalagyan ko lang 'to ng ringtone at message alert tone during weekends at bakasyon. Hehe! Wala lang.

Shini-share ko lang. Baka naman kasi maguluhan kayo kung bakit dati may sound tapos ngayon, wala. Kaya 'yun.



K, May, K.





Saan na ba tayo?





Ahh! Nasa part na tayo kung saan kukunin ko na 'yung cellphone ko no?


Tapos makikita ko ang pangalan ni Mark sa screen ng phone ko tapos kikiligin na naman ako? Tama?




Pero hindi eh...




Nang tinignan ko ang message na na-receive ko, walang pangalan.




Unknown number na naman?


Sino na naman ba 'to?




"Hello May! Kamusta ka na? :)" text ni unkown number.




"Uhh hi? Sino ba to?" reply ko sa kanya, kung sino man siya. -_-





"Ouch. Di mo na ako kilala? :("





Ha? Loko pala 'to eh.Tatanungin ko ba kung alam ko? Tss.




"Sino ka nga sabi?!?!?!?!?!"



Ayan! Malagyan nga ng sandamakmak na exclamation points para kunwari'y fierce ang lola niyo.




"Hehehe! Cool ka lang May. Si Jim 'to. :)"




Ay ngek. Si Jim pala. Akala ko naman kung sino nang weirdo.





"Uy Jim! Nag-change number ka pala." text ko sa kanya.



"Ha? Same number pa rin to gaya ng dati." text niya.


E bakit walang pangalan ang number mo dito?


Tinignan ko ang contacts ko para malaman kung totoo ang pinagsasabi ni Jim.




Oh?! Ba't wala dito ang old number ni Jim sa phonebook ko?


Di naman ako nagpalit ng cellphone ah? At lalong di ako nagpalit ng number?




Mukhang may nangealam ng phonebook ko.

Sino naman kayang baliw ang nag-erase ng number ni Jim dito?

Tss, mga tao talaga oh!



Di bale na nga lang.


Kahit ilang beses ko pang isipin kung sino ang nag-delete ng number niya sa phonebook ko, wala pa rin naman akong maisip na suspect sa krimeng ito.

'Yun nga, wala akong maisip na gumawa neto since ang daming nanghihiram ng cellphone ko.

Di ko na maalala kung sino ang huling humiram nito. O maaaring na delete ko lang accidentally ang number niya kaya ganon. Ah ewan!



Nagpatuloy na lang ako sa pagtext kay Jim since nakakahiya naman pag dinedma ko lang siya.


Actually, friends naman kami kaya I don't see anything wrong if I talk to him, di ba?


At isa pa, this is one of the most effective ways para mawala ang awkwardness between us two.





Mga kung anu-ano na lang yung naging topic ni Jim.

Anything under the sun, pero di rin naman nagtagal ang chikahan namin kasi nagpaalam din naman siya agad.


Wala na raw load eh. Oh wishing wells, mas mabuti na rin 'yun, at least makakapag-focus ako ng mabuti sa mga schoolworks ko. Hay nako! >.<




Maiba nga muna tayo ng usapan.




Ano na kaya nangyari dun kay Mark?


Di niya man lang ako tinext ngayon.


Di niya rin ako masyadong kinausap kanina.


Pft. Lakas din ng trip ng isang 'yun ah!




Hay nako! Huwag mo na nga siyang isipin, May! Pampagulo lang 'yun sa ginagawa mo eh.


Sakit lang 'yun sa ulo! Itetext ka rin nun o di kaya tatawagan pag feel ka niyang kausap.


Kaya mas mabuting 'wag mo na siyang isipin!










"MAY! KUMAIN KA NA NGA PARA MALIGPIT KO NA 'TONG NASA HAPAGKAINAN!"

"Ay 'nak ng syokoy!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni mama.

Aish, ang lakas-lakas naman ng boses ni mama.


Agad naman akong lumabas ng kwarto at dumerecho sa dining room para kumain.

**




"Hey bheib!" sabi sa'kin ni Mark na kapapasok pa lang ng classroom.





Wow naman! 30 minutes late?!

Kelan ba aasenso sa attendance ang isang to?


Ilang latenesses na lang, disciplinary probation na siya!



Napaka-iresponsable talaga neto! >m< Kainis!



Pero ang mas nakakainis pa diyan, ako ang class secretary which means I'm in charged of taking down the absences and latenesses of my classmates!.



Sino ba namang di maiinis kung araw-araw mo na lang nililista ang pangalan ng boyfriend mo sa class list di ba?


Mausap ko nga 'to mamayang recess, di na to tama eh!


Against my human rights na to.

**



Nagbell na rin for recess.


Sa wakas! Makakausap ko na tong kumag na 'to ng masinsinan!





"Mark!" tawag ko sa kanya.




Naman oh! Late na nga siya kanina, nagawa niya pang matulog sa klase.



Naiimbyerna na talaga ako sa lalaking to.

Ba't ko pa kasi naging boyfriend to eh.

Buti na lang mahal ko 'tong Mark tamad na to, kung hindi, malamang matagal ko na tong... Nevermind. I don't want to say the word. It might get jinxed.



"MARK!" sigaw ko sa kanya sabay alog ng desk niya.


Aba! Di pa rin siya tumitingin ha. Tulo laway talaga to.




"Pag di ka pa diyan gigising, babatukan na talaga kita!"


Ah ganon? Wala talaga?

Ni lingon wala? Humanda kang mokong ka. Ginagalit mo na ako! Babatukan na talaga kita!




Hayaaaaa!



PAAAAAAAAAK!!^#$!(*#^)!




"WHAT THE!? ARAY!" biglang napatalon si Mark sa pagkakabatok ko sa kanya.



HA! Buti nga sa kanya!



"ANO BA!?" sigaw niya sa'kin.



Nagsitinginan na ang mga classmates namin.

Nakakahiya! Nakakabad-vibes kasi ang isang to eh! Di ko naman sana siya babatukan kung nagising lang siya agad. Nagbibingi-bingihan pa kasi. 'Yan tuloy napala niya! (-.-)




"Hoy! Ba't ka ba sumisigaw?" Mahinahon kong tanong sa kanya pero sa totoo lang, gusto ko na talaga siyang sigawan sa sobrang inis!



"Nakikita mo namang natutulog pa ang tao, tapos babatukan mo na lang?! May naman eh! Mag-isip ka naman paminsan-minsan!"


Aba!? Akala mo kung sino 'to ah!


Classroom to FYI at hindi kwarto na pwedeng tulugan!

'Kaw kaya try mag-isip, baka sakaling matauhan ka at madagdagan naman yang mga brain cells mo na unti-unti nang namamatay dahil tulog ka ng tulog instead of paying attention during the class.


"Di mo naman kasi kwarto to di ba?" sarcastic kong sagot sa kanya.


"Bakit?! Classroom NATIN to, meaning, classroom KO rin to kaya matutulog ako kung kelan ko gusto."




Naku, Lord! Ano bang ginawa niyo sa nilalang na ito? Ba't ipinanganak niyo itong daig pa ang subject na Philosophy sa sobrang pilosopo!?



"Ah kasi naman po? SCHOOL ito at HINDI BAHAY. NAG-AARAL ang mga tao dito, hindi NATUTULOG. Gets mo ba yun o kelangan ko pang ulitin?" sabi ko sa kanya flashing a smile full of sarcasm.


Inirapan niya lang ako at yumuko sa desk at saka natulog ulit.



"H-Hoy! Ano ba!? Kinakausap ka pa nga!"




"Ano na naman ba kailangan mo!?"



"May itatanong lang ako!"



"ANO!?"





Suplado. Tsk.





"Ba't ka laging late?" tanong ko.




"YUN LANG!? Gigisingin mo'ko para tanungin lang yan!? Pambihira naman May oh!"



Oh? Ano bang problema ng isang to? Inaatake na naman ba ng pagiging bipolar niya?!




"Sagutin mo na lang kaya tanong ko? Andami mo pa diyang sinasabi eh!"




"Insomniac ako! Kaya pwede ba!? Matutulog pa ako!"



Ugh! Nakakinis ka na Mark Manalo ka! Di talaga ako magdadalawang-isip na batukan ko ulit ang isang 'to pag di pa siya tumigil sa pagsusungit niya. >.<




"Aish! Bahala ka na nga diyan!" sabi ko sa kanya sabay labas ng classroom.



**



Grrr. Tuwing maalala ko ang encounter namin ni Mark kanina, mas lalo akong nababadtrip. Take note ha! Hanggang ngayon nasa likod ko pa rin siya natutulog, di pa 'yan nagigising.




Kanina na rin 'yang pinapagalitan ng mga guro namin pero tulog-mantika talaga eh.





"Miss May Ortaleza?" tawag sa'kin ni Sir Montano.



"Yes s-sir?"





"Tell us, ano ang alam mo tungkol kay Confucius?" tanong ni sir.





Ha? Confucius? E ang alam ko nakaka-confusing lang ng pangalan niya eh.




Hep! Ano ba?

Ano bang sasabihin ko?

Nabablanko na isipan ko.


Kasalanan mo kasi to Mark eh! Aish.




Araling Panlipunan pala subject namin ngayon, tungkol sa World History ang pinag-uusapan namin.


Ewan ko ba pero amboring talaga ng subject na 'to. Ano bang alam ko sa mga taong taga ibang bansa?




"May, basahin mo na lang assignment mo." bulong sa'kin ni Chin na nasa right side ko lang.




Assignment?





Whehehe! Ay oo nga pala, may assignment kami sa AP ngayon, at oo nga naman, tungkol nga to kay Confucius!


Buti na lang ginawa ko na to kahapon.



Agad ko namang kinuha ang assignment ko na nakaipit lang sa'king binder.



Lumunok muna ako nago magsalita para di ako mautal. "Si Confucius ay ang pinakatanyag na pilosopo sa Tsina." Aba, parang si Mark lang ah? Mark the pilosopo. "Itinuro niya sa mga kababayan niya ang kagandahang asal, karunungan at katapatan. Itinuro rin niya ang kasabihang "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo."




"Very good Miss Ortaleza. You may now take your seat."
sabi naman ni Sir.




Nagpatuloy lang si Sir Montano sa pag-discuss ukol kay Mark, este sa pilosopong si Confucius.

Di ako masyadong nakinig sa discussion kanina kasi palaging sumisingit si Mark sa isipan ko. >.>



Ilang minuto rin ay nagbell na for lunch.



"Chin, sabay na lang ako sa inyo maglunch." sabi ko kay Chin habang inaayos ang mga notebooks ko sa bag.





"Ha? E, hindi ba kayo sabay maglunch nitong si Mark?" sabi niya naman sa'kin sabay tingin kay Mark.



Tinignan ko lang si Mark na nakatayo lang pala sa likod ko. Pero agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Inis na inis pa rin ako. >.<




"Ah, hindi. Next time na lang siya sasama sa inyo Chin. May pupuntahan pa kami. Di ba bheib?"




Anong nakain ng isang to at mukhang good mood na siya?


Okay lang ba talaga to?


May malaking pinagdadaanan siguro tong mokong na 'to. Siguro kailangan niya nang magpakonsulta sa isang psychiatrist. Malala na talaga sayad neto eh. -_____-




"Ha? Ano?" naguguluhan kong tanong kay Mark.



"Sus, may lakad naman pala kayo eh. Sige May, Mark, mauna na ako sa inyo. Hinihintay na ako nina Via sa labas. Have fun!" sabi ni Chin sabay kaway palabas ng classroom.



Nang makaalis na siya.....




POOOK! !%*!^#)(!&



Binatukan ko ng mahina si Mark.



"Aray! Para saan naman yun!?"




"Ang OA mo, di nga yun masakit eh! Umaaray-aray ka pa diyan."




"E bakit mo nga ako binatukan!?"
ayan na naman, tumataas na naman boses niya.





"Sinong may sabing sabay tayo maglulunch ngayon? At saan naman tayo pupunta? Ha!?"




"Alam mo, ang sarap talaga takpan ng packing tape 'yang bibig mo eh!"




"Aba! Ano bang gusto mo ha?! Suntukan na lang!"
pang-aasar ko sa kanya.



Ako na tong malakas ang loob na hamunin siya sa suntukan, alam ko naman kasing di ako papatulan neto eh.




"Tsk. Puro ka naman salita eh." aniya.





"E ano na kasi!? Sabay tayo maglulunch!? Bakit?!! Hindi ba magkaaway tayo ngayon!? Sinusungitan mo nga ako kanina eh! Hello! Memory gap!? May amnesia ka!? Susme!"




Sa halip na sumagot siya sa tanong ko, tinawanan niya lang ako.


Tigas din ng ulo ng unggoy na to. Nabwibwiset na talaga ako, promise!



"Ang OA mo naman kung makapagreact, bheib. Ano namang masama kung sabay tayo maglulunch? E lagi naman tayong sabay kumain di ba?"



"E di ba nga magkaaway tayo kanina? Eeeh! Paulit-ulit ka naman eh! Alis na nga ako, 'wag kang susunod! Galit pa ako sa'yo!"



Agad naman akong umalis papunta ng backdoor ng classroom pero pinigilan ako ni Mark. Kinuha niya yung kamay ko. He pulled me closer instead.





Ako -> O_____O







Mark -> ^_______^





"H-Hoy! Ano ba! Bitawan mo'ko!"


Naku po! Sana po bitawan ako ng isang to! Ayoko pong mag-PDA dito sa school! Ang panget tignan tsaka baka ma-detention kami. Huu!



"Sira! Ano bang akala mo sa'kin?Rapist?"





"Bakit? i-rirape mo ba ako? My goodness Mark! Di pa ako ready!! TULOOO---#|^#$@& Umm!"



Di ko na natapos ang sentence ko kasi tinakpan niya bigla bibig ko.



"Pag di ka tumigil diyan, hahalikan talaga kita! Makinig ka muna kasi!"



Napatigil ako nang sinabi niya ito.

Eeeh! Alam kong matatamis ang mga halik mo Mark, pero wag dito.


Bawal dito, mamaya na lang after class, ok?



Joke lang. v(^.^)v





"Titigil ka naman pala eh." sabi niya.




"Ano na kasi iyon? Sabihin mo na nga."




"Umm, s-sorry."




O________O




Huwaaaaw! Magpapaparty ako! Nag-sorry din siya for the first time!




"H-Ha? Sorry saan?" tanong ko sa kanya na kunwari'y nagmamanhid-manhidan.




"Kasi nga sinungitan na naman kita kanina. Inaantok lang ako kanina bheib kaya mabilis akong napikon. Sorry na ha?"




"E ba't kasi lagi kang late."





"Insomniac nga ako."




O sige, kaw na 'tong insomniac!




"E di sanayin mo 'yung sarili mo na maaga matulog."




"Hindi naman 'yun madali bheib eh. Aish. 'Wag na nga natin pag-usapan yan. Halika na, sa Kasachi tayo maglunch."





"Na naman?!"
E nakakasawa naman dun eh.

Dun na lang kami laging kumakain araw-araw. T.T




"Sige na bheib, alam mo namang paborito ko yung chicken skin nila di ba? Please?" ugh, nag-puppy eyes pa siya ah.




"K! Sige na nga." um-Oo na lang ako, baka kasi mapunta na naman to sa argumentasyon eh, mahirap na!


Bipolar pa naman ang mokong to. Tss.




"Yes! Thank you bheib!" Di niya na ako hinintay na makapagsalita muli, hinigit niya na ako palabas papuntang Kasachi.



**



Pagkatapos naming kumain ng lunch, bumalik na kami ni Mark sa classroom.






"Boring naman. Mag-cuting kaya muna ako?" sabi niya.




Inirapan ko lang siya at magtatangka na sana akong sipain siya nang bigla siyang lumayo sa'kin.




"He he he, joke lang bheib!"





"Joke-jokin mo mukha mo!"




"Taray naman neto. E, ang boring kasi eh."




"E di mag-aral ka."
suggest ko sa kanya.

O di ba? Good influence talaga ako dito sa boyfriend ko. Mwehehe! Pero oo nga naman, sino ba gustong mag-aral during breaks?





"Bheib naman eh. Peram na nga lang ng cellphone mo, maglalaro na lang ako ng games."



Binigay ko naman sa kanya yung cellphone ko, para manahimik na siya.

Kanina pa tong nag-iingay na kesyo boring daw, kesyo nakakatamad daw pumasok. Nakakairita na sa ears!




Ilang sandali lang ay binigay niya na sa'kin ang cellphone ko.




"Oh tapos ka na-" di ko natapos ang sinasabi ko kasi bigla na lang siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumabas ng classroom dala-dala ang backpack niya, ni wala man lang siyang may sinabi sa'kin.



Susundan ko pa sana siya sa labas pero hinarangan naman ako ni Luigi.




"Lui, pwede ba? Kailangan ko pang makausap si Mark." sabi ko sa kanya.





"Nakaalis na siya May, pinasasabi niyang masama daw ang pakiramdam niya kaya uuwi na lang muna siya."




HAAAA?


E ba't di niya man lang ako sinabihan?

May sakit siya? Pero kani-kanina lang, okay naman siya ah. Ang sigla niya pa nga eh.

Pero bakit bigla na lang siyang umalis? Liliban siya sa klase?



Why?




Mark, ano bang problema? :(



Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now