Chapter 31: Expect The Unexpected

2.7K 17 0
                                    

**CHAPTER THIRTY-ONE**


"Snowy, kamusta na kaya daddy mo no? Alam mo miss ko na siya. Kahit gustuhin ko man siyang makita ngayon, malabo naman mangyari 'yun eh. Alam mo naman ang strict ng lolo at lola mo di ba? Haaay. Ano na kaya ginagawa niya ngayon? Ano kaya kukunin niyang course? Alam mo Snowy, isang buwan na lang college na kami ni daddy mo. Alam mo ba anong ibig sabihin nun? Isa naman 'yung pagsubok na dadating sa buhay namin. Kinakabahan na nga ako eh, kasi di ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa'min. Pero excited pa rin ako Snowy, kasi may makikilala naman akong mga bagong kaibigan. Haaay! Ano kaya kukunin kong course Snowy? Ako na lang ata ang di pa nakapagdecide regarding this matter. Kasi si ninang Cristy mo magNu-Nursing, si ninang Angie mo naman mage-HRM, si ninang Via mo naman, well di niya na muna proproblemahin 'yun kasi high school pa naman siya dun sa States at si ninang Chin mo naman, magiging Chemical Engineer na. O di ba ang bongga ng mga ninang mo. Ako kaya Snowy, ano kaya kukunin ni mommy?"

*knock knock*

"May? May kinakausap ka ba diyan?" tanong sa'kin ni mama habang kumakatok sa pinto ng room ko.

Tss, masyado ata akong nabaliw. Pati stuffed toy kinakausap ko na.

Baka nagtataka kayo kung sino si Snowy. Siya lang naman ang anak namin ni Mark. Mwahahaha!


White teddy bear siya na ubod ng cute. Niregalo niya to sa'kin last week nung birthday niya.


Ang sweet niya no? Siya na nga 'tong may birthday, ako pa 'tong niregaluhan niya. Hahaha!

Last week kasi birthday niya at dumaan siya dito sa bahay para ipagpaalam ako sa parents ko kung pwede niya ba akong imbitahin sa munting birthday celebration niya sa bahay nila.

Nagdala pa nga siya ng chocolates eh, tapos nung time ding 'yun ibinigay niya sa'kin si Snowy. Sus, itong mokong ko talaga, nagpapakitang-gilas sa pamilya ko!

*knock knock*

"May, nandiyan ka pa ba?"

"H-Ha? Opo. Nandito po ako. Bakit po?"

"Kumain ka na. Handa na ang hapunan niyo."

"Ah sige po. Susunod lang po ako."

Nilagay ko si Snowy sa gitna ng dalawa kong unan at inayos-ayos ang fur nito.

"Oh Snowy, dito ka muna ha? Kakain lang si mommy."


"Ay oo nga pala ma, pa, kelan po ako magpapa-enroll? Malapit na po 'yung pasukan eh."

Sabi ko kina mama at papa habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Oh we forgot to tell you something nga pala anak."

"Ano po 'yun, Ma?"

"We've decided na hindi ka na lang muna magpapa-enroll this year."

"HA? BAKIT PO?!"

"Tone down your voice May, can't you see we're having our dinner?"

"S-Sorry po, Pa. P-Pero bakit po?Bakit hindi ako papasok ngayong year?"

"It's because of our immigration. Pwede natin makuha ang notice natin from the US embassy anytime this year."

Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. So totoo?

Talagang mapupush-through ang immigration namin papuntang US? But I thought wala na 'yun.

We've been waiting for 5 years, akala ko hindi na 'yun matutuloy.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now