Chapter 32: Girlfriend Dillemas

2.7K 14 0
                                    




**CHAPTER THIRTY-TWO**



(A/N: Starting this chapter, I will add some twists na and some imaginary characters. ^^)






*Kriiiiiing!*



Hay sa wakas! Tapos na rin ang Zoology class namin. Phew, two and a half hours din ang tinagal ng discussion, sumasakit na nga pwet ko.



One month na rin pala ang nakalipas.

At sa one month na 'yun, sobrang naging busy ako.


At sa one month rin na 'yun, nakakilala ako ng great people, which of course include my section, the BS in Psychology 1A or also known as BSPS1A, oh di ba?

Akalain niyo, nakapasok pa ako sa 1A section! Mwehe!



Nagkaroon din ako ng mga close friends. Actually tawag namin sa grupo namin, mga "BITSes."

Ang sagwa bang pakinggan? Hahaha! Galing 'yan sa joke ni Vice ganda na sinabi niyang "You're such a bits."



Wala lang, feel lang namin na 'yun ang gawing tawagan namin para unique.

Ampanget nga lang kasi sabi ng iba nagsisymbolize daw 'yung name ng grupo/circle of friends sa mismong members nito.



Hindi kaya! Hindi ibig sabihin na bits ang tawagan namin, e totoong bitses (bitches) na kami. Ang cute lang kasi pakinggan eh, parang kenkoy yung 'bits' mwahahaha! Tulad namin, parang kenkoy din.






"Uy guys, di muna ako sasabay sa inyo ha?"





"Aww. Bakit?"





"Tinatanong pa ba 'yan Anne? Syempre may date na naman yan."





Si Anne - ang girl next door ng barkada. Andaming nagkakandarapa sa babaeng ito. Paano ba naman, ang ganda kasi eh, mala-tumblr famous ang mukha niya, matalino rin siya at saka mabait. Kaya lang believe it or not, NBSB ang isang 'to. Medyo child at heart pa kasi, at wala masyadong hilig sa mga love2x na 'yan, nasobrahan ata sa kababasa ng mga fantasy and science fiction na mga libro.





"Ruru naman. Anong date? Tss. Di na uso 'yan sa'min. Walang wawart."

(wawart - pera)




Itong si Ruru naman ang pinakawalangya sa buong barkada. De joke lang, 'yung ibig kong sabihin, siya ang pinaka-energetic sa amin, at siya rin ang pinakamadaldal. Maganda rin siya, morena beauty. Hindi to nagpapatalo sa mga kalaban, in short palaban 'to at mataray pag inaway mo siya. Pero mabait naman si Ruru, very optimistic and friendly.





"Asus, walang wawart daw."







"He! Tumigil ka nga Rose, isa ka pa diyan eh."







Si Rose naman ang pinakakikay sa grupo, pero kahit ganun siya, wala siyang arte sa katawan. Napakahinhin ng isang 'to pero kung makabanat, wagas! Siya na ata ang miss banatera ng grupo, as well as ang pinakatahimik sa'ming lahat. Maganda siya, pang-beauty queen ang height niya at maputi. Hindi mo nga lang makikita ang mata niya pag tumatawa siya, e paano ba naman, sobrang singkit.






"Hahaha! Hay naku, napipikon na ata si May sa inyo eh."







"Hindi ako pikon no, tsaka ba't ka pa nandito, Lyn? Hindi ba may next class ka pa?"





Si Lyn - Siya ang irregular classmate namin, which means hindi lahat ng subjects namin ay nagiging classmate namin siya. Mabait ang isang 'to, simple at maganda. Mahilig manlibre at higit sa lahat, anime fanatic! Hay naku, idol na idol nito si Naruto. Lahat nga ng photos niya sa cellphone at laptop, puro anime.






"Ay hala! Oo nga pala. Sige guys, kitakits na lang mamaya ha!" agad namang kumaripas ng takbo si Lyn para sa next class niya.



Ang hirap talaga pag wala ka sa block section, nagiging irregular tuloy ang sched nitong si Lyn.





"Makakalimutin talaga 'yang si Lyn no?"







"Sinabi mo pa."
wika naman ni Elise na nasa tabi ko lang.



Si Elise naman ang pinakatamad at pinakamatalino sa'min. Oo, tamad siyang mag-aral at gumawa ng assignments, pero sobrang laki ng stored knowledge niya'n sa utak. Napakatalino ng babaeng ito. Saan ka ba makakakita ng taong hindi nag-aral sa quiz pero kayang i-perfect ito? Si Elise lang ang makagagawa niya'n!





"Uy ano ba, hindi pa ba tayo kakain? Kanina pa ako nagugutom eh!" reklamo naman ni Ate Kay.





Si Ate Kay ang ate ng grupo. Siya ang pinakamatanda sa'min, actually 21 na siya, samantalang 16-17 lang kami. Second course na kasi niya 'tong BS in Psych. BS in Information Technology o BSIT ang first course niya pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin kaya napagpasyahan niyang mag-aral ng Psychology. Bilib din ako sa isang 'to, mag-aaral ulit for 4 years.







"Naku! Ayan! Nagugutom na tuloy si Ate Kay, kumain na kayo. Sige guys ha, mauna na ako. See you na lang mamaya. Sige, babay!"





"May, wait lang!"





"Ha? Bakit Gale?"





Si Gale, ang pinakafriendly sa amin. Siya kasi ang unang nag-approach sa'kin at nag-introduce sa ibang BITSes. Mabait siya, minsan seryoso, minsan hindi, minsan blooming, minsan problemado. In short, bipolar si Gale. De joke lang.





"Pakopya naman ng homework sa Chem oh, please?" sabay puppy eyes.







"Ha? Hindi ba kayo gumawa?"




At sa laking gulat ko, anim silang umiling, si Lyn kasi di namin classmate sa Chem, at umalis na rin siya, kaya anim lang sila. Walo kasi kami sa grupo, minus me and Lyn which means 8-2=6 kaya, anim lang sila umiling.



Hay leshe naman oh. Ang tatamad talaga, college na ba ang mga 'to?




Wala naman akong magawa, kaya kinuha ko na lang ang assignment ko sa bag at iniabot sa kanila, after nun, lumabas na ako ng university para makipagkita kay Mark.






One month na rin akong hatid-sundo ni Mark. Wala naman daw siyang magawa sa bahay nila kasi di naman siya pinag-aral ni mama niya ngayong year, kaya sinasamahan niya na lang ako. Sabay kami maglunch, at kung may klase naman ako, nasa tapat lang siya ng school tumatambay at minsan nagdodota sa malapit na online gaming shop. Hay naku.



Minsan ako na lang 'yung nanlilibre ng oras niya sa shop, at ako rin minsan bumibili ng lunch at snacks niya kasi wala naman daw siyang pera. Ayaw daw siyang bigyan ni mama niya. Kaya laging butas bulsa ko. Joke lang.


Hindi naman lagi, kasi daily naman akong binibigyan ni mama ng baon, kaya lang syempre, ng dahil sa sitwasyon namin ngayon, di na ako nakakapag-save, di ko na rin mabilhan ang sarili ko ng damit o kung ano pa.



Ang hirap magkaroon ng girlfriend no? Este boyfriend pala. Parang ako kasi ang lalaki sa relasyon na 'to eh, dapat nga siya ang magtreat sa'kin kasi ako ang babae.



Pero okay na rin 'to. Di naman ako nagrereklamo, actually thankful ako kasi lagi siyang nandiyan in times na kailangan ko siya.


Lagi niya rin akong sinasamahan, kaya feeling ko safe ako all the time.

Di bale ng butas ang bulsa ko, ang mahalaga eh ang magkasama kami.




Nung pinuntahan ko siya, nadatnan kong nagdodota na naman. Err, kainis talaga. 'Yung 50 pesos na binigay ko sa kanya, pinandodota niya lang.


Tinapik ko ang balikat niya at nilingon niya naman ako.



"Uy bheib, andiyan ka na pala. Saglit lang ha." at saka siya humarap ulit sa monitor para ipagpatuloy ang nilalaro niya.





"Matagal ka pa? Kasi kung matagal ka pa, sasama na lang ako sa mga kaibigan kong maglunch. Ge." sabay labas ko ng computer shop.





Sinundan niya naman ako, tsaka hinila niya wrist ko.



"Masyado ka namang nagmamadali eh. Saglit nga lang di ba?"





"Kanina ka pa dito, Mark. At hindi kita binigyan ng pera para ipangdota mo lang! Pangmeryenda mo 'yun eh! Hindi pangdota!"
straight kasi yung classes ko mamaya, kaya hindi ako makakalabas para samahan siyang magmeryenda, kaya binigyan ko na lang siya ng pera. Wala kasi to ni piso eh.

Ewan ko ba, hindi ata marunong magsave ang isang 'to. Lugi ako sa huli pag pinagpatuloy niya pa ang ugali niyang 'to. Psh.





"Tss, ang boring kasi dito bheib eh. Wala naman akong magawa kaya naglaro na lang ako. Wag kang mag-alala, di naman ako madaling magutom eh."





"Bahala ka."





"Oh? Galit ka ata eh? Sorry na."





"Hindi ako galit."





"Anong hindi? 'Yang noo mo nakakunot tapos sasabihin mong hindi ka galit?"





"Sabing hindi eh! Halika na nga! Mag-lunch na lang tayo!"







Pagkatapos namin maglunch, pumasok naman ako para sa next subject kong English. Nakakabadtrip talaga ang mokong iyon.


Hindi ko binigay ang pera sa kanya para lang sa lintek na dota na 'yan.


Ano bang meron sa dota at mas inuuna niya pa 'to kesa sa sarili niyang meryenda?

Let me rephrase my question...



Ano bang meron sa dota at mas importante pa 'to kesa sa nararamdaman ko?!



Hindi niya ba naisip na masasaktan ako pag binalewala niya lang yung binigay ko sa kanya?



Pangmeryenda niya 'yun eh. Binigay ko sa kanya 'yun para pambili ng pagkain, para mabusog siya, para hindi siya magkasakit, para mabuhay siya.



Pero ano lang yung ginawa niya!? Inuna niya pa ang dota na 'yan!


asdfghjkl;'! Amfufu.Nakakaimbyerna!


Sino ba 'yang nagpauso ng laro na 'yan para masapak ko na! Joke.


Kainis naman kasi eh. Dota na lang lagi ang dillema ng lahat ng mga girlfriends dito sa mundo.



Sa sobrang inis ko, di ko na tinitignan ang dinadaanan ko kaya bigla na lang akong may nakabangga. Nahulog ang mga notebooks na dala-dala ko.



Pinulot ko ang mga ito, tsaka tumayo.

Tinulungan naman ako ng nakabangga ko na pulutin 'yung iba kong notebooks.




"S-Sorry po. Di ko po sinasad-" napatigil ako nung makita ko kung sino ang nasa harapan ko. "-ya... J-JIM?!"



Tumawa naman ng pagkalakas-lakas si Jim at saka nagsalita, "Hahaha! Parang nakakita ka ng multo ah? Hahaha!"




"Ayi! 'Kaw kasi eh, long time no see!"
sabay hampas ko ng mahina sa braso niya.





"Oo nga, long time no see."






"Hehehe, ba't ka pala nandito?"
Ba't nga ba siya nandito? Ang pagkakaalam ko, ibang university ang pinapasukan niya eh.

Tas' nakasuot pa siya ng Grandville University uniform. Anong meron?





"Ah, ano kasi, nag-transfer na ako dito."





"Ha?! Talaga! Wow! Bakit ka naman nagtransfer at ano naman 'yung kinuha mong course?"





"Mas malapit kasi 'tong Grandville University sa bahay. Computer Science ang kinuha ko."





"Ah okay. Good for you. hehe."





"Hmm, May parang... "







"Ha? Parang ano?"







"Parang tumataba ka ata?"






"Ows? Pick-up line ba 'yan? Tumabataba ako? Unti-unting bumibilog at nagiging mundo mo? Asus! Laos na iyan no."





"Hahahaha! Grabe! Akala mo babanat ako? Hahaha! Di ka pa rin nagbabago May, nakakatuwa ka pa rin. Pero totoo, tumaba ka lalo. Walang halong biro."




Bigla namang nagbago ang expression ng mukha ko. From (^m^) to (^_^) to (O_O) to \(>m<)/





"Kainis ka talaga! Akala ko pa naman pick-up line 'yun! Kainis!"





"Uy, nagalit agad? Sorry na. Wala namang kaso kung tumaba ka eh, maganda ka pa rin kahit anong mangyari."
tapos nginitian niya ako.





Haaaaay. Ang cute pa rin ni Jim hanggang ngayon. Ba't di ko nga ba siya sinagot noon? Ba't si Mark pa pinili ko? Hehehe! Joke (^.^)v Mahal ko si Mark, at walang iba ang makakapalit sa mokong na iyon dito sa ♥ ko.


Kahit na mas mahal niya pa 'yung pesteng Dotang 'yun! Grr!


"Pinapatawad na kita dahil sinabihan mo akong maganda."





"Ang kulit mo pa rin!"
sabay gulo sa buhok ko.





Tinapik ko naman ang kamay niya tsaka siya inirapan.

"Ayi! Jim naman eh, kasusuklay ko lang eh." tapos nag peace sign siya sa'kin.





Nakita kong nakarelo siya kaya bigla na lang pumasok sa isip ko kung anong oras na ba.

Hinablot ko kamay niya tsaka tinignan ang oras.





"Hala! 1:33 na pala! Syet! Late na ako ng 3 minutes! Sige Jim ha? Nice seeing you, alis na ako. Bye!"





"P-Pero... teka lang."





"Ha? Ano?"





"A-Ano... anong number mo?"





"Ganun pa rin."





"Ah s-sige, text kita. Magreply ka ha! Kung hindi..."





"Kung hindi ano?"





"Kung h-hindi.... male-late ka na! Bilis!"





"Ay tengene! Oo nga pala! Sige! Bye!"
at agad naman akong tumakbo ng pagkabilis-bilis papunta ng classroom ko.



**





Kinabukasan...





"Psh. Antagal naman ng isang iyon. Male-late na ako eh. Kaasar." paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang tinitignan ang relo ko.



Hinihintay ko ngayon si Mark, dito sa waiting shed malapit sa bahay. Sabay kami pupunta ng school ko.



Pambihira naman ang isang iyon, ako nga 'tong nag-aaral, tapos siya pa 'tong late sa usapan.


I cannot just risk my attendance dahil lang sa sarili niyang katamaran. Argh.



Minsan pala nakakapikon din pag hinahatid niya ako. Lagi na lang niya akong pinaghihintay, tapos wala pa siyang dalang pamasahe. Haaaay!

Ganito na lang ba kami buong taon?



Hindi naman sa tinutomboy ko siya, bukal sa loob ko namang bigyan siya ng mga pangangailangan niya habang sinasamahan niya ako dun sa university, pero may hangganan din 'tong pasensiya ko. Kung tutuusin, dapat ako na lang naging lalaki sa aming dalawa. -__-




"Bheib!"

Hay salamat, dumating na rin ang mokong after 123456789 years.



Di ako nagsalita, tinignan ko lang siya tsaka sumakay sa jeep, sumunod naman siya sa'kin.





"Bheib, sorry ha. Kinausap ko pa kasi si mama para bigyan niya ako ng baon."





"Ah, e di mabuti."





"Hindi eh, di niya ako binigyan. 'Yung perang dala ko dito sakto lang para sa pamasahe natin back and forth."





"Sa'yo na lang iyan. Ako na lang bahala sa pamasahe mo."
sabi ko sa kanya sabay kuha ng wallet ko sa bag ko. Kumuha ako dun ng ilang coins at iniabot sa driver. Nasa front seat kasi kami nakaupo.





"T-Teka, wag na. Ako na lang." kinuha niya naman ang coins na nasa kamay ko at binalik niya sa'kin, at binigay sa mamang driver yung 20 peso bill niya.





"Bayad po manong, dalawang estudyante." sabi niya dito.




Wala naman akong magagawa, kaya binalik ko na lang 'yung coins ko sa wallet ko, at tumahimik.





"Bheib?"

Di ako nagsalita, tinignan ko lang siya with a poker face.





"Galit ka ba? Sorry na. Hindi ka pa naman male-late eh, aabot tayo nito on time."





"Ah, okay lang."
tapos direcho na lang akong tumingin sa harapan.

Malapit kasi siya sa window, kaya sa harapan na lang ako tumingin para hindi ko siya matignan. Nayayamot kasi ako, kaasar eh. Ke aga-aga, binabadtrip niya ako.



Buong biyahe, tahimik lang kami. Walang imikan.





Nang makarating na kami sa tapat ng university, nagsalita na ako.

"Sige, pasok na ako. Magkita na lang tayo mamayang lunch."




Tapos tatalikod na sana ako ng may nakalimutan ako.





Kinuha ko yung pera ko sa bulsa at binigay ko sa kanya.

"Ay eto pala, pangmeryenda mo." Tinignan ko siya ng seryosong seryoso sabay sabing, "O pangdota mo. Bahala ka na kung ano ang gawin mo diyan."

Instead na kunin niya 'yung pera, binaba niya 'yung kamay ko.





"Huwag na. Ayos lang. Masyadong malaki na ang nagastos mo para sa'kin."



"Ha? E ano ang gagawin mo mamaya? Wag mong sabihin maghihintay ka diyan sa tapat ng limang oras?"



"Wala 'yun, wag mo na akong alalahanin."

Nag-nod na lang ako sa kanya, tsaka binalik ang pera ko sa bulsa.





"Sige bheib, pasok ka na. Baka ma-late ka."





"Okay. Sige, bye ingat ka."
tatalikod na sana ako nang biglang...





"W-Wait!" Grrr. Ano ba 'tong mokong na 'to.





"Ano?"





"We have to talk later."





"E magkikita naman tayo mamaya eh. Sige na. Bye."
At bago pa siyang makapagsalita ulit, tinalikuran ko na siya at naglakad papasok ng University.



Ano naman kaya ang sasabihin nun?

Mukhang importante ata ah? Seryoso kasi mukha niya nung sinabi niyang mag-usap kami mamaya. Ang weird niya talaga.



Kinakabahan na tuloy ako sa gusto niyang sabihin.





Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now