Chapter 7: Pagong Kung Dumiskarte

5.1K 52 1
                                    

**CHAPTER SEVEN**

Mukhang late na naman ako. Nakakainis! Di man lang ako ginising ng maaga ni mama. 

Sinisi ba naman si mama sa sarili kong katamaran?

Buti na lang di ako late! Thank you po Lord!

"May..."  tinawag ako ni Joe nang nakapasok na ako sa loob ng classroom.

Ano naman kaya kailangan ng lokong to? Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming assignments or projects na pwede niyang kopyahin?

"Ano yun?"  sagot ko sa kanya

"May itatanong ako." aniya.

"Paulit-ulit lang Joe? Ano nga yun sabi ko?"  naiinip kong sagot.

"Kayo na ba ni Jim?"

"Huh? Hindi, bakit ba?"

"Wala lang. Sige, punta na ako sa desk ko!" sabi niya habang nagpupumigil tumawa.

Ano naman kaya nangyari dun?

"Okay class, don't forget to answer pages 50-54 of your textbooks. This activity is already due tomorrow. Have a nice day. Thank you and goodbye." - sabi ni ma'am Garci nang matapos na ang first period namin sa Algebra.

Nang makaalis na si ma'am Garci, nag-umpisang mag-ingay ang buong klase. As usual, ganito naman palagi ang setting ng classroom pag walang teacher na nakabantay di ba?

Naka-relate lang? ^_^

Nakita ko sina Via, Cristy at Chin na nakikipag-kuwentuhan malapit sa backdoor ng classroom. Si Angie naman ay mukhang nakatulog sa desk niya habang naka-earphones.

Tinatamad ako ngayong makipagkuwentuhan kaya nagpasya akong umupo na lang at magde-daydreaming.

Yan na ata favorite hobby ko pag bored ako.

Mukhang absent ata si ma'am Polido ah? 10 minutes late na kasi siya. Si Ma'am Shelly Polido pala, Biology teacher namin at isa sa pinakamabait at pinakapaborito kong guro sa paaralan.

Sa sobrang boring ay naisipan ko na lang matulog, pero indirectly akong binulabog ng ingay ni Joe. Asar.

Paano ba naman e, ang lakas lakas ng boses niya.

"Jim, ang bagal mo naman! Matagal mo ng nililigawan si May pero hanggang ngayon di ka pa rin sinasagot!" sabi ni Joe kay Jim.

"Pre naman, kaya ko namang maghintay."  sagot ni Jim  na halatang namumula at mukhang napahiya.

"Ows? Baka di ka lang siguro marunong dumiskarte?"  pang-iinis na tanong ni Joe.

Di na nakasagot si Jim sa huling sinabi ni Joe, sa halip ay tinawanan niya na lang ito.

Kawawa naman si Jim. Lagi na lang binu-bully ng mga hinayupak na mga kaklase kong 'to.

Eh ano naman ngayon kung hindi ko pa siya sinasagot? At least, marunong siyang maghintay! Bihira na sa mga lalaki ngayon ang may mahabang pasensiya.

Ibahin niyo si Jim my labs!

"Ewan ko ba sa'yo Jim. Bilis-bilisan mo na diyan at baka maunahan ka pa ng iba." natatawang sabi ni Joe sabay hampas sa balikat ni Mark.

Aba. Nakikipag-bonding na pala ang supladong to sa mga kaklase namin?

Nakakagulat lang kasi mukhang loner siya at parang halos lahat ng problema dito sa mundo ay pasan-pasan niya.

Natigil na lang ako sa pagmumunimuni nang maalala ko ang sinabi ni Joe na:

"Ewan ko ba sa'yo Jim. Bilis-bilisan mo na yan at baka maunahan ka pa ng iba." 

Mahina ba talagang dumiskarte si Jim?

Medyo....

Di ko alam.

Di niya naman ako kinakausap when it comes sa progress ng panliligaw niya eh. Tapos minsan, di niya man lang ako mahatid sa'min, mas nauuna pa nga siya umuwi sa'kin minsan.

Thoughful nga siya at sweet pero wala man lang ka-sense of being a gentleman tong si Jim. Kaya siguro nagdadalawang-isip pa akong sagutin siya.

Medyo isip-bata kasi to minsan.

Hala? Ano ba tong iniisip ko?

Tigilan mo na ngang mag-isip ng masama tungkol kay Jim, May!

Gusto mo siya bilang siya at di na yun mababago. Mabibigay ko rin ang matamis kong "OO" when the right time comes.

"Tama!" - sabi ko sa sarili ko.

"May, is there a problem?" nagulat ata si ma'am Polido sa bigla kong pagsigaw.

Ooopps! Napalakas ata yung boses ko.

"Wala po ma'am, sorry." sani ko sabay peace sign kay ma'am Polido.

Ganun ba talaga katagal ang pagmumunimuni ko at di ko man lang namalayang nandoon na pala sa room si ma'am Polido?

Eeeeehh! Malas! Kainis! Napahiya na naman ako. Huuuuwaaa!

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now