Chapter 38: Homesick

2K 13 0
                                    





**CHAPTER THIRTY-EIGHT**




"Welcome aboard ANA Airlines, flight Number 719, please be seated, with your seats in upright position with tray table upright and locked, and with your seatbelt fastened. We will be shortly leaving the gate and takeoff for Seattle-Tacoma Airport. We will be showing an in flight video on emergency procedures after we takeoff."



Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nung flight attendant.

Sabaw at lutang 'yung isipan ko ngayon.


Sobrang dami ng iniisip ko. Sobrang daming luha ang gusto ko sanang ilabas pero naubos na kagabi nang nagpaalam ako sa mga kaibigan ko, at kay Mark.



flashback:


Last night ko na ngayon sa Pinas, bukas na ang flight namin papuntang America.


Sobrang bilis ng mga araw, di ko inakalang February na pala.


Pero sulit ang dalawang buwan na iyon, kasi halos araw-araw kaming magkasama ni Mark at wala akong naalala na nag-away kaming dalawa.

We tried so hard to keep our relationship at bliss during those two months.

Kahit alam naman nating mahirap, because it's difficult to avoid such arguments minsan.

Sus! Kami pa ni Mark! E halos araw-araw kaming mag-away niya'n dati eh.


"Huhuhu! I hate you!" sabi sa'kin ni Cristy habang hinahampas-hampas ang braso ko.

Inakbayan ko naman siya. "I hate you too. Pakabait ka dito ha? Tsaka kung paiyakin ka nung boyfriend mo, sabihin mo agad sa'kin ha. Kasi lalanguyin ko talaga ang Pacific ocean matadyakan ko lang yang Rey na 'yan." ani ko.




Inirapan naman ako ni Rey na kasama rin namin ngayon.


Nandito kami sa isang maliit na pizzeria.

Kasama ko ang ilan sa mga close friends ko, which of course include Mark, Angie, Chin, Cristy, Rey, etc.


Huling bonding na kasi namin 'to bago ako lumipad papuntang States.



"Uy Rey, narinig mo naman siguro si May di ba? Lokohin mo palagi si Cristy para araw-araw din siyang umuwi sa Pinas." pabirong sabi ni Mark kay Rey.


Nagtawanan naman ang lahat maliban kay Cristy na medyo naasar. "Kayo talaga! Ako na naman ang pinagtitripan niyo!" aniya.



Kumain lang kami ng pizza at nag-usap-usap buong araw.


Iniwasan rin namin ang magdrama sa pag-alis ko kasi nakaka-stress!


Last day ko na nga ito with them, magdadrama pa ako!


Mga alas-diyes din ng gabi kami natapos.


Kailangan ko pa kasing umuwi agad para i-check lahat ng baggages ko.



Isa-isa akong nagpaalam sa kanila. We even group hugged kahit napakadami namin.



They even said a few words to me bago ako umuwi. Gusto ko ngang umiyak eh, kaya lang pinipigilan ko. Ayokong magdrama sa harap nila.


Mas lalo kasi akong nalulungkot pag umiiyak ako, kaya mas mabuting itago ko na lang lahat ng lungkot dito sa puso ko kesa makita nila akong nahihirapan.



(A/N: Mwehehe! Echoseraaa. Drama talaga ng author.)




"Jim, pahiram naman ng motor mo. Ihahatid ko lang si May sa bahay nila." narinig ko ang pag-uusap nina Mark at Jim.


Tumango naman si Jim at ibinigay 'yung susi kay Mark tas nilapitan niya ako.


He smiled at me then ginulo niya 'yung buhok ko.


"Aish. Jim naman eh." sabi ko.


Tumawa siya ng mahina. "Ingat ka lagi ha. Facebook2x din pag may time."


Tumango naman ako. "Oo ba. Basta keep in touch kang. oki?"




"Ehem."


Pareho kaming napalingon kay Mark na kanina pang tutok na tutok sa'min ni Jim.


"Halika na." sabi niya sabay hila ng kamay ko.


Nagpaalam ako once more sa mga kaibigan ko at saka umangkas sa motor.



15 minutes...




15 minutes na lang ang natitira sa'min ni Mark.


15 minutes left before we say our goodbyes to each other.



Mahigpit akong humawak sa likod ni Mark.

No, it was more of a hug actually.



I leaned my head against his back at tahimik akong umiyak.


Di ko alam kung maramdaman niyang basa na ang likod ng t-shirt niya sa mga luha ko.


Pasensiya na talaga bheib, kanina ko pa 'to pinipigilan eh.

Ngayon ko lang kasi kayang ilabas ang mga lesheng luha na 'to.



"Bheib, ingat ka lagi dun ha." sabi niya sa'kin habang nagda-drive.



Lumunok muna ako bago magrespond. "Kaya ko sarili ko, huwag kang mag-alala. Basta ikaw, mag-ingat ka din dito ha at saka please, behave." sabi ko.





Tumawa siya ng mahina. "Tss. Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala sa'kin."


Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Bakit? Masama bang matakot ako na maagaw ka sa'kin ng iba?"



"Hindi, kasi alam kong ayaw mo'kong mawala sa buhay mo pero sana nama'y pagkatiwalaan mo'ko."
lumingon siya sandali sa'kin since stop light naman.



"Hindi kita lolokohin. Peksman. Mamatay man ako." he winked at me then he drove again.



Napa-smile naman ako sa sinabi niya.

Yeee. Nubayaaan.


Sarap pakinggan ng mga sinasabi niya.


Sana nai-record ko para mapakinggan ko boses niya sa tuwing nalulungkot ako.





Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng bahay ko.


Palapit kami ng palapit sa gate, mas lalong sumisikip dibdib ko. Ang sakit.



Tinignan ko ulit si Mark at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.


"Ma-mimiss kita. Mag-ingat ka dito ha. Lagi mo'kong ichat ha?" humiwalay ako sa yakap ko and I leaned closer to kiss him.



"I love you." bulong ko.



Niyakap niya naman ako. "I love you, May. Hihintayin kita."



Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay, tinignan ko siya for the last time at pumasok na ako sa loob.


Nang marinig kong umalis na 'yung motor na sinasakyan niya, dun na ako walang tigil sa paghikbi.


Iyak lang ako ng iyak.



Buti na lang at di narinig nina mama na nakapasok na ako sa loob.



Ilang minuto rin akong nakatayo't umiiyak dun.


Pinunasan ko 'yung mga luha ko at saka huminga ng malalim at saka pumasok sa loob ng bahay.




end of flashback





Napapikit lang ako sa mga naaalala ko.


Kailan kaya ako ulit makakabalik?



Tsk. Ano ba naman 'yan, di pa nga ako nakakatungtong sa America, pag-uwi ko na agad ang iniisip ko.



--


Buong flight hindi ako natulog.

From our 2-hour stop over in Japan hanggang sa 10 hour travel time namin papuntang Sea-Tac Airport.



'Yung tanging ginawa ko lang ay nag-isip ng tungkol kay Mark, nanuod ng movies sa eroplano at nakinig ng music.


Ni minsan, di ako nakaramdam ng antok at pagod.


Wala lang siguro akong ganang matulog lalo na't nakakaramdam na ako ng homesickness.


Huhuhu! Less than 24 hours pa nga lang ako umalis ng Pinas, nami-miss ko na agad ito.



Ilang sandali lang ay in-announce na nung flight attendant na in 5 minutes ay maglalanding na 'yung eroplano.



"Ayusin mo na 'yang bag mo." sabi sa'kin ni mama.


Sinunod ko naman siya.



---


So this is it? We're already in USA?


Pero bakit di ako makaramdam ng kahit katiting na excitement man lang?



Paglabas na paglabas namin ng airport, nanginginig ang buong katawan ko.

Eh ang lamig eh! Brr.


Di pa naman ako nakasuot ng proper attire for this weather.



Sinundo naman agad kami ni ate ko nang makarating kami ng airport.



Sa bahay nila kami pansamantalang titira habang naghahanap pa ako ng trabaho.



Maganda 'yung bahay nila.


May maliit na fireplace sa sala, syempre. Lahat ata ng bahay dito may fireplace.


E kasi naman ang lamig-lamig dito no.




After naming ayusin lahat ng gamit namin sa room. Agad naman kaming lumabas para mag-lunch.



Alas-dose ngayon dito ng hapon, sa Pinas, mga alas-tres na ng umaga.


Kaya naman pala sumasakit na ang ulo ko eh.


Jetlaaaaaaaaag!



Tulog na kaya si Mark?



Hiniram ko sandali ang laptop ni ate.

Ni-logged in ko ang facebook ko.




Offline siya. Sayang. T.T



Wala naman akong choice kaya I just left a message for him.


"Hi bheib! Nakarating na kami ng US. Ganda dito. Sobrang lamig! Mas malamig pa ata dito kesa sa freezer niyo eh. Anyway, aalis kami ngayon para mag-lunch. Antok na nga ako eh, gusto ko nang matulog kaya lang di ako makatulog. Dami ko kasing iniisip. Ingat ka diyan ha tsaka reply ka agad pag nabasa mo 'tong message ko. I love you bheib! Miss na kita agad!"



Then I hit send.




Haaaaayssss.

It's our first LDR day. I hope makaya naming dalawa ang mga susunod na araw, linggo, buwan at taon na di kami magkasama.


Kakayanin ko! Mahal ko 'yung mokong 'yun eh!



"May! Aalis na tayo!" tawag sa'kin ni ate sa baba.



"Opo! Nandiyan na!"


Sinuot ko muna 'yung coat, scarf at boots na ipinahiram sa'kin ni ate tsaka lumabas.



--



Sa isang Chinese Restaurant kami dinala nina ate.


Maliit lang 'yung place pero punong-puno.

Ang daming kumakain dito. Di ko naman sila masisi kasi ang sarap ng mga pagkain nila.



"So how was your trip?" tanong sa'min ni ate.



"Well of course, it was tiring but was all worth it anyway. We're finally here!" sabi ni papa na tumatawa.


Pati si mama nakitawa rin. Ako nama'y, nakangiti lang. 'Yung plastic na ngiti.


Ako lang ata hindi masaya na nandito na kami eh.




Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. May trabaho pa kasi si ate, pati na rin si kuya John, ang asawa niya, pinoy din.


Nang makauwi kami, agad kong binuksan ang facebook ko.



Hay. Wala pa ring message from Mark.



Ilang oras din akong naghintay na replayan niya ako pero hanggang ngayon, wala pa rin kahit 'Hi' galing sa kanya.



Natutulog pa siguro 'yun.



Hay bahala na nga.

Magrereply din 'yan pag gising na.

Tinignan ko 'yung wall clock sa kwarto, alas-cinco na ng hapon.


Hikab ako ng hikab. Humiga ako sa bed ko.



At napaisip muli.



'Yung mga barkada ko...



'Yung bahay namin sa Pinas....



Si Mark...




Muli na naman akong napaiyak sa mga pinag-iisip ko.


Eh kasi naman eh.



First day ko pa lang dito pero miss na miss ko na agad siya.



Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, at di ko namalayang nakatulog na pala ako.



Sweetdreams, May.



Sana nama'y makausap ko na si Mark bukas para naman mabawasan ng konti ang homesickness na nararamdaman ko.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon