Chapter 34: Useless

2.2K 14 0
                                    



**CHAPTER THIRTY-FOUR**



*May's POV*



"Mas nauna kaya 'yung itlog!"



"Hindi kaya, manok kaya 'yung nauna!"



"Sabing egg eh!"



"Manok nga!"



"Itlog!"



"Chicken!"





"Sssh! You two! Lower down your voices! Can't you see the sign at your back?!"
sabi nung librarian sabay turo ng sign board na 'Observe Silence' sa likuran namin.



"Malamang hindi, nasa likod nga namin di ba?" bulong sa'kin ni Jim habang nagpupumigil tumawa.



"Sira! Baka marinig ka pa mamaya ni miss librarian, sa Discipline Office pa ang bagsak mo!" bulong ko rin sa kanya.



"Excuse me? Narinig niyo ba ang sinabi ko?"

Napatingin kaming pareho sa librarian at sabay nagsabi ng sorry.




Nandito kami ngayon ni Jim sa library, nagre-review for our exams.

Ako 'yung nauna dito pero lagi na lang bumubulaga ang mukha nitong si Jim.



At ngayon nama'y nag-aargue pa kami kung ano ang mas nauna, manok ba o itlog. Hay! Mga ewan lang talaga kami no?



Mga isang linggo rin ako ini-istalk nitong si Jim.



Hehehe! Assumera lang?





Pero 'yung totoo, parang ganun eh.

Lagi na lang akong sinusundan kung saan man ako pumunta. Lagi na lang nakabuntot sa likuran ko. Lagi niya rin akong sinasabayan pauwi.

Tinatanong ko siya kung bakit niya 'yun ginagawa pero lagi niya na lang sinasabing trip niya lang daw sundan ako.



Weirdo talaga ng isang 'to.




Ilang beses ko na rin siya sinabihang 'wag akong lapitan o kausapin pero ang kulit pa rin! Kaya ayan, wala na rin naman akong magagawa, pumayag na lang akong sumabay siya sa'kin pag may free time ako.

Friends naman kami hindi ba? Tsaka kailangan ko rin minsan ng karamay sa mga problema ko lalo na ngayong unti-unti nang lumalabo ang relasyon namin ni Mark.



Kamusta naman kaya ang mokong na iyon?


2 weeks na kaming hindi nag-uusap. Di niya pa rin ako tinitext.


Wala talaga ni isang 'Hi' o 'Kamusta' man lang.



"Halika, kain tayo." biglang bulong niya sa'kin na ikinatalon ko naman sa upuan ko.

Iyon 'yung bulong na konting kilos ko na lang ay mahahalikan niya na ako sa pisngi. (>m<)



"Tokwa naman Jim oh! Parang kung makabulong ka wagas ah!" bulong ko din sa kanya sabay irap.



"He he he, s-sorry."



"Sorry your face. Mag-aral ka na nga lang diyan."



"Sus, ito naman. Sige na, sorry na nga sabi."
sabi niya sa'kin sabay pisil sa pisngi ko.

Tinapik ko naman 'yung kamay niya tsaka tumayo at umalis.

Di ko nga ba maintindihan kung bakit nagwalk-out na lang ako ng bigla-bigla.


Hindi naman ako ganun kababaw, siguro dahil may naalala lang ako sa ginawa ni Jim.



'Yung pabulong effect niyang tsansing, style 'yun ni Mark eh. At saka 'yung pagpipisil sa pisngi ko sa tuwing nagtatampo ako, ginagawa rin 'yun sa'kin ni Mark.



Psh, whatever. Generic din naman siguro ang mga actions na iyon di ba? Masyado lang siguro ako napapraning dahil namimiss ko na ang presence ni Mark.

Pati tampo ko kay Mark nasalin ko na kay Jim.





Nang makalabas na ako ng library, dumirecho ako malapit sa likod ng Science Department. May mga upuan kasi doon na pwede kong pagtambayan pansamantala habang hinihintay ko pang mag-bell para sa next subject ko.



Since 30 minutes pa naman before mag-bell, napag-isipan kong magbasa na lang ng notes to kill time. O diba? Ang sipag ko lang? 'Yan iyong mga taong dapat tularan! Mwehe!







*bzzt bzzt* *bzzt bzzt* *bzzt bzzt*




Ay leshe naman! Minsan nga lang ako naging masipag sa pag-aral, dun pa naantala! Tss.

Sino naman kaya 'tong tao 'to?



Kinuha ko iyong cellphone ko sa bulsa ko tapos tinignan ko kung sino iyong tumawag.







Now calling...

Mark Manalo Natalo





Si Mark tumatawag?


Wow naman, may himala palang nangyayari sa ganitong panahon?



Ay kung tinatanong niyo 'yung tungkol sa pangalan niya, wag niyo na lang itanong kasi di naman importante.


Ganyan lang talaga ginagawa ko pag nagkakatampuhan kami o nag-aaway, iniiba ko pangalan niya sa phonebook ko.





In-end ko yung call niya at bumalik na lang sa pagbasa ng notes.

Istorbo kasi eh, top priority ko kaya yung studies ko tapos bigla na lang siyang eepal ng ganun? Ha!





*bzzt bzzt* *bzzt bzzt* *bzzt bzzt*



Tumatawag na naman? Di niya ba gets na ayaw ko siyang makausap?





In-end ko ulit yung call niya.







Ilang segundo lang ay...

*bzzt bzzt* *bzzt bzzt* *bzzt bzzt*







"Ay 'nak ng toknene naman oh! Sabing ayaw ko ngang makipag-usap di ba. Argh!" sabi ko sa sarili ko habang dinidiin ang press sa end call.



Nakakayamot lang kasi.





Ewan ko ba, kanina lang namimiss ko siya tapos ngayon namang siya na mismo tumatawag, dun naman ako nagpapakipot.

Hormonal imbalance na ata 'to eh?



*bzzt bzzt*



Papatayin ko na sana cellphone ko kaso instead na call ang makita ko sa cellphone screen, ito 'yung nakita ko:



From Mark Manalo Natalo:

"Isa pang cancel, di na talaga ako magpaparamdam. Seriously."





*bzzt bzzt* *bzzt bzzt* *bzzt bzzt*



Hindi na ako nagdalawang-isip na sagutin ang tawag ni Mark.



Sabagay, this will be the only way to settle things between us.


Ayoko na rin patagalin ang away namin. After all, miss ko na siya.



"Hello."



"Sasagutin mo naman pala eh. Patatagalin pa. Psh."



"Ba't ka napatawag?"



"Ano bang problema May? May nagawa ba ako? Ba't di ka na nagpaparamdam?"



"Ako dapat ang magtanong ng mga bagay na iyan."



"Gusto ko magkaayos tayo. Pwede ka bang pumunta dito mamaya?"



"Ako na naman pupunta diyan?"



"May, alam mo namang wala akong pera ngayon. Ni pamasahe wala. Kaya kung gusto mo rin magkaayos tayo, pumunta ka na lang dito mamaya."



"Ok."



"Sige, see you."



"Bye..."





Wala pa rin siyang pinagbago. Ganun pa rin. Ako na naman ang papupuntahin niya dun.



Pero okay na rin 'to, at least mas nauna siyang tumawag.


At least alam kong gusto niya rin akong makausap.







"HI!"



"Ano ba naman Jim! Ba't ka na naman nandito?!"



"Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang naman pala eh. Ba't moko iniwan kanina?"
sabi niya sa'kin sabay pout.





Hay, lagi na lang nagpapa-cute ang isang 'to.



"Wala. Sige mauna na ako."



"Uy t-teka. Galit ka ba?"



"Galit? H-Hindi ah."



"E bakit mo ako iniiwasan?"



"May pasok pa ako, kaya pwede, alis na ako."



"E may 15 minutes pa naman eh. Tsaka ang lapit lang ng classroom mo dito. Usap muna tayo."
sabi niya sa'kin sabay ngiti. Ayan na naman yung killer smile niya eh.



"Ano bang pag-uusapan natin?"



"Umupo ka muna."



"Usog konti."



"Salamat!"
di pa rin umaalis ang ngiti sa mukha niya.



"Salamat saan? At bakit nakangiti ka? May nakakatawa ba?"



"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga! Salamat kasi pumayag kang manatili muna dito at wala namang nakakatawa, masaya lang ako."




Minamasdan ko siya habang nagsasalita, mukhang masaya nga siya.


Parang walang problema ang taong 'to. Masaya siguro pag ganitong tao ang palagi mong kasama. Nakakawala ng stress. Sana kasing saya din ako ni Jim.







"E bakit ka masaya?"



"Hindi mo alam?"



"Ay? Alam ko, alam na alam. Kaya ko nga tinatanong di ba. Psh."



"Tsk, ang sungit mo naman."



"Kung ayaw mo kasing sagutin ang tanong ko, sabihin mo na lang. Andami mo pang side comments eh."



"Psh, ang sungit nga."



"Wala ka na bang ibang sasabihin? Kasi pag wala na, aalis na ako. Sige bye!"
aalis na sana ako kaya lang pinigilan ako ni Jim.



Hawak-hawak niya ngayon ang kamay ko habang ako nama'y nakatalikod.



"Masaya ako dahil kasama kita, May."



"B-Bakit?"



"Tinatanong pa ba 'yun? Hehe, di ba obvious?"



"Anong ibig mong sabihin?"



"May, I love you."

Nagulat ako sa sinabi niya. Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at hinarap ko siya.



"Jim..."



"Wag kang mag-alala, I'm not expecting a reply from you. Just let me show you how much I love you."



"Jim, di ba napag-usapan na natin 'to?"




"Pero di ko talaga kaya. Di ko kayang kalimutan na lang basta-basta ang nararamdaman ko para sa'yo."



"Kayanin mo kasi..."



"Kasi?"



"Kasi...nakapag-desisyun na ako n-na makipag-ayos kay Mark mamaya. S-Sige mauna na ako."





I'm sorry Jim. I'm really sorry.


Ayokong saktan ka, but at the same time, ayoko rin masira friendship natin.



Posible pa 'yun?



Bakit kasi ako pa napili mo Jim. Huwaaa.



Dadating din 'yung babaeng para sa'yo Jim, pero hindi mo siya mapapansin kung ako na lang lagi ang tinitignan mo.







*Jim's POV*



"Kasi...nakapag-desisyun na ako n-na makipag-ayos kay Mark mamaya. S-sige mauna na ako."



Wow, sabing tama na eh.



Ba't kasi ang kulit mo Jim? Ikaw na nga ang pinagtatabuyan ng taong mahal mo di ba?


Bakit di mo na lang kasi tanggapin na hindi pwede maging kayo?





Huwag kang mag-alala, May.



Hahayaan na kita.







Alam kong useless ang paghihintay ko kasi si Mark pa rin naman ang pipiliin mo sa huli.

Sino ba naman ako para sa'yo?



Isang hamak na kaibigan lang ako sa paningin mo. At hindi na iyon hihigit pa dun.





Tama na Jim, wag ka nang magpakatanga.






Simula ngayon, kakalimutan ko na ang lahat.

Mukha mo na lang at pangalan ang maaalala ko sa'yo May.





Pinapangako ko sa'yo, kakalimutan ko na ang lahat ng nararamdaman ko para sa'yo. Kakalimutan na kita, kahit masakit.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now