Chapter 33: Still In Love

3.1K 24 0
                                    

A/N: Guys, I would like to apologize for my bipolar updates. Minsan napakahaba, minsan napakaikli. Minsan mabilis, minsan nama'y matagal. Sorry po talaga. It's my first time to write a story, at hindi ko inaasahan na aabot na ako ng chapter 33. Sana po patuloy niyo pang tangkilikin itong Opposites Attract. ^^ Thank you po. xo

-------


**CHAPTER THIRTY-THREE**

Palakad ako ngayon palabas ng university. Lunch time na which means kakain na kami, ay tange lang. Syempre kakain naman talaga kami pero what I mean is, time na para malaman kung ano 'yung gustong pag-usapan namin ni Mark.

Di nga ako nakaconcentrate sa mga klase ko kanina kasi pilit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni Mark.

Wala naman akong maisip na pwedeng dahilan para pag-usapan namin ng masinsinan.

Pagkalabas ko ng gate, nakita ko agad si Mark na nakasandal sa pader ng convenient store na nasa harapan lang ng University, and you know what sucks? Humihithit na naman siya ng sigarilyo.

Tengene, ilang beses ko na bang pinagsabihan ang mokong na 'yan na tigilan niya na ang paninigarilyo.

Bukod sa nakakamatay 'yan, eh may asthma pa siya. Ang tigas talaga ng ulo ng isang 'yun! Sarap martilyuhin ang ulo eh!

Naglakad ako papunta sa kanya tsaka hinablot ang sigarilyo sa bibig niya at itinapon ko ito sa basurahang nasa tabi niya.

"A-Ano ba!"

I gave him a very furious look, at yumuko naman siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tigilan mo na 'yang bisyo mo! Ang tigas talaga ng ulo mo!"

"Hindi pwede bheib eh."

"Ano?! Anong hindi pwede?!"

"Nasanay na ako, tsaka pag agad kong tinigil ang paninigarilyo, siguradong manghihina ako."

"Pinagloloko mo ba ako?! E si papa nga eh! Nakaya niyang itigil ang bisyo niya para kay mama ng biglaan, e okay naman siya ngayon ah!"

Di ko na mapigilang di sumigaw. Nakakairita na kasi.

Bigla na lang ako nababad-vibes everytime makita ko siyang naninigarilyo.


Simula pa lang naiinis na ako sa mga taong naninigarilyo. At ewan ko nga ba kung bakit isang smoker pa ang minahal ko. Kainis 'tong puso ko.

"Sinusubukan ko namang itigil ang bisyo ko bheib eh."

"O talaga lang ha? May improvements ba naman?!"

"Oo naman, noon nauubos ko ang isang pack ng sigarilyo, ngayon mga 20 sticks na lang ang nauubos ko sa isang araw."

PAAAAAAK!*@^$@*(^

"Aray ko po! May naman eh!"

"Nagbibiro ka ba?! E hindi ba ang laman ng isang pack ng sigarilyo ay 20 sticks?! Nakakayamot ka na!"

"H-Hindi no! 25 kaya, Marlboro kasi gamit ko."

Babatukan ko na sana siya kaya lang nakaiwas siya.

"Ayan ka na naman sa pambabatok mo eh! Wag ka nang magalit bheib, please?"

"Paanong hindi ako magagalit? Nung second year pa lang tayo, sinabihan na kitang itigil mo 'yang bisyo mo, pero hanggang ngayon ganun pa rin."

"Sorry na. Pinipilit ko namang baguhin ang sarili ko para sa'yo eh. Hayaan mo, simula ngayong araw, 19 sticks na lang. Okay?"

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now