Chapter 29: Unstoppable/Inevitable

3.1K 22 0
                                    

**CHAPTER TWENTY-NINE**



"Okay beautiful girls and handsome boys, ready na ba ang mga bagahe niyo para sa general practice natin mamaya?"
Tanong sa'min ng folkdance trainor naming si Kuya Roy.

Bagahe? Exagge naman 'tong si Momsy namin. Akala mo kung saan bansa kami aalis.


Momsy din minsan ang tawag namin kay Kuya Roy. Bakit? Di ko rin alam eh. Hehehe!

Maya-maya lang, aalis kaming mga kapwa ko folkdancer at pati na rin si Momsy papunta ng Grandville University Coliseum para sa general practice at blockings ng sayaw namin.

Bukas na ang contest! At excited na kaming lahat! Pero nangingibabaw pa rin syempre ang kaba.

Napi-pressure kasi kaming lahat dahil kami 'yung naging champion sa provincial meet last year, kaya I'm sure malaki ang expectations ng mga tao sa'min.


Pinaghandaan talaga namin ang contest na ito.

Sa costumes pa lang namin, sigurado akong talbog ang ibang contestants! Sa make-up pa lang namin, nganga na sila! Mwehehe!

Pero syempre, ang mas priority namin ay yung sayaw namin.

Aanhin mo ba naman ang magagarang costumes at mala-Ricky Reyes na make-over kung panget naman 'yung sayaw di ba?


"Guys, our service will arrive in 10 minutes, kaya prepare yourselves na."
sabi naman ni Sir Montano sa'min.


Sasama rin si Sir Montano sa'min sa general practice since siya ang representative ng Grandville High for the provincial meet.


Remember Sir Montano? Siya ang guro namin sa Araling Panlipunan.

Wala lang. Baka kasi nakalimutan niyo eh.


Napagpasyahan kong dumaan muna sa classroom para makapagpaalam ako sa barkada ko at syempre pati na rin kay Mark. 10 minutes pa naman di ba?

Pagdating ko sa tapat ng classroom namin, saktong gumagawa sila ng seatwork at walang teacher sa loob kaya pumasok muna ako.

"Oh May? Akala ko ba umalis na kayo?"



"Maya-maya aalis na kami, dumaan lang ako dito para magpaalam."


"Hahaha! Ano ba 'yan. Kailangan pa bang magpaalam ka? Di ka naman siguro mamamatay di ba?"


Inirapan ko lang siya tsaka binelatan. Loka-lokang to. Psh



"Ewan ko sa'yo Cris! E di wag na lang. O siya, bye! Pakisabi na lang kina Via na umalis na ako."

Nasa likod kasi nakaupo si Cristy, habang sina Via, Chin at Angie naman nasa harapan. Ayoko nang dumaan pa sa desks nila, mukhang seryoso ang mga to sa seatwork na sinasagutan nila eh.

"Hehe! Joke lang! Sige, bye ingat ka!"


Lalabas na sana ako nang naalala ko na di pa pala ako nagpapaalam kay Mark.

Tss. 'Nu ba yan, sarili kong boyfriend nakakalimutan ko. Ang sama. Itong si Cristy kasi eh, ang aga-aga nambabadtrip! Nagpapaalam na nga ako ng maayos, ako pa 'tong pinipilolosopo. Hay na ko.

Tinignan ko ang desk ni Mark, pero wala siya dun. Nag-cr siguro? Matanong ko nga lang si Cristy.

Nilapitan ko uli si Cristy, "Uy Cris, alam mo ba kung nasan si Mark?"


"Oh? Nandito ka pa pala?"


Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon