Chapter 1: Buhay Estudyante

15.5K 138 0
                                    

**CHAPTER ONE**

Hay! katatapos lang ng bakasyon, at heto na naman ako, nag-aayos ng mga gamit ko for school.

Parang kelan lang nag-eenjoy pa ako sa bahay! Kain dito, kain doon, facebook dito, twitter doon, selfie dito, wattpad doon, at ngayo'y naghahanda na naman ako para sa pasukan.

Hi! Ako nga pala si May Ortaleza, incoming Sophomore sa Grandville High.

Hindi ko naman talaga hate ang paaralan kaya lang syempre, mas gugustuhin ko pang makulong sa bahay at humarap sa computer buong araw kesa libro 'yung kaharap ko, pero kahit ganito ako, di ko pa rin naman pinapabayaan ang pag-aaral ko.

Sa katunayan, nasa honorees pa nga ako at kung susuwertehin, nagiging rank 1 ako sa klase.

Aish. Ang bait ko talaga. ^^

Anyways, back to reality na tayo.

Kahit sabihin nating nakakabagot pumasok sa school, there will always be a reason why we want to go.

Una sa lahat, dahil gusto natin makasama mga kwela nating barkada...

At syempre naman, alam niyo na siguro kung ano ang panghuli, di ba?

Para lang makita si Crush! <3

Speaking of crush, maaga niya pala ako tinext kanina, sabi niya:

"Hi May! Good AM, first day of school ngayon, kitakits! :)"

HAAAY! Kinilig ako dun ah! Sagad sa buto ang kilig ko. Bwisit. Kulang na lang maihi ako dito habang pagulong-gulong sa kama ko.

Para lang akong may topak. Ayeeee!

Jim pala pangalan ng crush ko. Magkaklase kami since we were in our Freshmen year. Para ko na rin siyang guy bestfriend. Makulit siya to the nth level, sweet at thoughtful, 'Yan yung mga nagustuhan ko sa kanya.

Pero wait a minute, kapeng mainit!

Sa tingin niyo one-sided lang 'yung crush ko sa kanya?

Well nagkakamali kayo dahil crush din ako ni Jim. :">

Hindi ako nagbibiro. Crush niya talaga ako. Ahihi! ^^

Halos isang taon niya na nga akong nililigawan, pero kahit na crush ko siya, di ko pa rin siya magawang sagutin.

Bakit? T^T

Una sa lahat, bata pa ako at siguradong patay ako sa magulang ko pag nalaman nilang nagbo-boyfriend na ako!

Pangalawa, dahil masaya na ako sa kung anong meron kami ngayon.

Baka kasi may magbago kapag naging kami. Mahirap na at baka masira pa friendship namin, kaya mas gugustuhin kong maging bestfriend muna siya.

Buti na lang at napakamaintindihin ni Jim sa lahat ng mga decisions ko kaya heto kami, ini-enjoy ang mutual feelings namin sa isa't isa. :">

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang narinig kong sumigaw si mama sa labas.

"May! Pag di ka pa lumabas diyan, lagot ka na talaga sakin! 7:20am na!"

Sht! 7:20am?! Ohmygulay!

Patay! 10 minutes na lang, time na! First day of school pa naman ngayon! Hindi ako pwedeng ma-late!

Kaya nagdali-dali akong umalis ng bahay at sumakay ng tricycle.

Buti na lang mga 8 minutes lang ang biyahe mula sa bahay papuntang school, hindi ako.male-late niyan, tiwala lang! Mwahaha!

Hindi ako pwedeng ma-late. Kailangan makahanap ako ng magandang upuan sa classroom. At sana bakante pa 'yung upuan sa tabi ni Jim. Mwahahaha!

-----------------------------------

a/n: Sadyang short lang talaga ang chapter na to 'cause when I made this, isang hamak na baguhang writer pa lang ako.

Brace yourself for super long chapters starting at the middle part of this story! ^^

Vote and comments are highly recommended, este greatly appreciated pala. Salamat! Salamat! xx

Anyway, I made another Opposites Attract trailer on the right. Please watch. Thank you! :)

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon