Chapter 36: Notice

2.3K 19 6
                                    





**CHAPTER THIRTY-SIX**




"Ang tagal naman ni ma'am." sabi ko habang palakad-lakad sa classroom.



"Tigilan mo nga 'yan May, ako ang nahihilo sa'yo eh."
ani Anne.



Eh kasi naman kinakabahan na ako eh.

Ngayon kasi ang video presentation namin sa Filipino.


Baka di magustuhan ni ma'am ang ginawa kong video at bumagsak grades ko. Huwaaaa!



"Napakapraning mo talaga, May. Maupo ka nga."
sabi naman ni Ruru na chill na chill lang sa paglalaro ng Zuma sa laptop ni Lyn.



Umupo naman ako, napagod din ako.


Praning na kung praning, e bakit ba?

Conscious lang naman ako sa grades ko eh. College na kaya 'to. Hindi na ako High Schooler.




*bzzt bzzt* sabi ng bubuyog, este ng cellphone ko.




Sino na naman kaya 'to? Si Mark kaya?

Naku 'yung lalaking 'yun talaga. Di ba't may klase pa 'yun?


Na-miss niya na ako agad? E magkikita pa naman kami mamaya ah. Nakow naman. Kinikilig ako. (^.^)



From: Ama/Papa/Daddy/Dad/Tatay/Pudra


"Call me asap when you see this message."





Ehh? Ano kayang problema?


Hindi naman nagtetext si papa ng ganito kung walang masama o magandang nangyari.

What is it this time?




"May problema ba, May?"
napansin siguro ni Rose na nag-iba 'yung expression ko sa mukha.

Umiling ako. "Wala naman. Hehehe! Excuse lang ha."



Agad naman akong lumabas ng classroom para tawagan si papa.




"Hello, Pa?" sabi ko.



"Buti naman at napatawag ka." he said.



"Ano pong sasabihin niyo?"




"Wag ka munang derechong umuwi mamaya. Susunduin kita diyan."



"Bakit ho? Saan tayo pupunta?"
nagtataka kong tanong.




"Our notice has arrived this morning. I'm going to pick you up after school to sign up some papers at the NSO and to take some ID photos as well."




What? Our notice has arrived na? Does this mean...



"A-Alis na po tayo?" kinakabahn kong tanong kay papa.



Please say NO.




No, alam kong imposible 'yun kasi aalis din kami whether I like it or not.

Just tell me MATAGAL PA or IT WILL BE DELAYED.


I am not yet ready to move out of the country.




And a tear roll down my cheek when my dad said, "YES, FEBRUARY NEXT YEAR."



Sht. February na? Two months from now?




"May? Are you listening?" sabi ni papa sa kabilang linya.




Tumango ako.



Ay tanga lang, di niya pala ako nakikita.

Nasobrahan ako sa gulat kaya di ko alam ang mga pinanggagawa ko.



"O-Opo."
sagot ko.




"Okay then. I'll pick you up after school." then he hung up the phone.




Shemsss, paano na 'to? Nanghihina ako sa narinig ko.

Feeling ko parang may taning na ang buhay ko and in two months time, deadline ko na.



Anong sasabihin ko kay Mark?

Paano ko siya papakalmahin?


The last time I remember, hindi niya talaga matanggap na iiwan ko siya dito sa Pinas.


Eeeehhh! Ano ba kasi 'yan, pwede bang magpaiwan na lang ako dito at sila na lang dun mag-enjoy sa States?


Di ko naman talaga kailangang pumunta dun eh tsaka ni minsan di ko pinangarap makatungtong sa lugar na 'yun.

Well except lang sa disneyland sa California at disneyworld sa Florida, but besides those two places, wala na.



'Yung pangarap ko lang is to be with Mark for the rest of my life.




Cheesy na kung cheesy, e ano naman ngayon? In love ako eh. Aish.




"Pst May, pasok ka na. Nandiyan na si ma'am."
tawag sa'kin ni Anne.


Agad naman akong pumasok. Nawala bigla ang kaba ko sa presentation namin, paano ba naman eh lutang 'yung isip ko ngayon.

Di pa rin maalis sa isip ko na aalis na kami in February.


Paano ko naman gagawing masaya ang two months na 'yun? Pwede bang iextend kahit isang buwan lang?



**


Dismissal na at naghihintay ako dito kay Papa sa labas ng university. Ilang sandali lang ay dumating na siya.




"Aren't you excited that finally, we will have to go abroad?"
tanong niya, well parang di naman tanong 'yun kung babasehan lang sa tono ng boses niya.



Itong si papa talaga, excited talagang lumabas ng bansa. Tsk. Ano ba kasing meron dun at gustong gusto niya pumunta dun?


Okay naman ang life namin dito ah.

Not so rich nor not so poor. Tamang-tama lang.


Kontento na ako dito. Di ko na kailangang umalis! Ugh




"Bakit ho ba tayo titira dun?"
I asked.



"Tinatanong ba 'yan? The answer is so obvious, May." medyo nairita siya sa tanong ko.


Ang bilis mapikon. Nagtatanong lang naman eh.

Magtatanong ba ako kung di ko alam ang sagot? Tsk.


'Yan ang problema pag may strict at matalino kang parents, especially kung sa sobrang talino nila, mismong kaligayahan ng mga anak nila, di na nila napapansin kasi iba 'yung pinagtutuonan nila ng pansin.



They always assume that they know what's best for their kids but in reality, sinasakal lang nila ang mga ito.


Ganun ako eh.



Pero dahil mabait akong anak, sinusunod ko na lang ang mga gusto nila kahit most of the time, labag sa loob ko.


Like this one, hindi ko naman talaga gustong umalis ng bansa, but do I have a choice?



"Nagtatanong lang po." I said with a blank face.




Umiling naman 'yung tatay ko as a sign of frustration, pero sinagot niya rin naman tanong ko eventually.



"Yung unang rason ay para madala ka namin dun for college and secondly, tutulungan namin si ate mo magbantay ng pamangkin mo."


'Yun lang naman pala reasons nila eh.



May college naman dito ah. Sa katunayan, nag-aaral na nga ako sa Grandville University, di ba?


Tapos 'yung second reason nila, pwede namang sila na lang dalawa ni mama ang pumunta dun, di naman ako marunong mag-alaga ng baby eh.


**

Natapos na 'yung araw ko. Pumunta kami ni papa sa NSO at nagpapicture din ako.



*bzzt bzzt*



Kinuha ko 'yung phone ko.




From Bheib:


"Nasaan ka?"



Ohsht. Anong oras na ba?


Tinignan ko 'yung relo ko. Sht. Alas siyete na!


Sa pagkakaalam ko, 6:00pm 'yung dismissal niya.


Di ko pala nasabi sa kanya na di ako makakasama sa kanya pauwi. Sht.

Paano 'to? Nawala tuloy sa isipan kong magpaalam kay Mark.




"Bheib, sorry. Nakauwi na ako. May emergency kasi."




"Ganun? Bakit di ka agad nagpaalam?"





"Sorry talaga. Nawala sa isipan ko. Umuwi ka na?"



"Hinihintay kita, kaya lang nakauwi ka na pala."



"So, uuwi ka na ngayon?"




"Hindi pa. Magdodota muna ako kasama classmates ko."





Psh. Dota na naman.



"Okay. Sige, text me agad kung tapos ka na. I need to tell you something."




Galita kaya 'yun? Parang di naman...



Siguro masaya nga 'yun kasi di niya ako kailangang samahan pauwi.


Kasi pag kasama ko siya, di ko siya pinapayagang maglaro ng dota. Hmp.


Ako girlfriend niya no kaya mas dapat unahin niya ako kesa sa larong 'yun.





After 100000000000000 years, nakareply sa wakas 'yung mokong.




"Pauwi na kami. Ano ulit sasabihin mo?"text niya.




Mas mabuti sigurong tawagan ko na kang siya para mas madali para sa'kin iexplain ang gusto kong sabihin.


Tinatamad akong magtype eh.



After two rings, agad niya naman ito sinagot.



"Op?"




"Tss. Op ka diyan. 'Yan ba pangalan ko?!" mataray kong sabi.



"Tsk. Bilis mo naman magtampo. Halikan kita diyan eh."




Hahahaha! Hangkyooot talaga ng boyfriend ko. Sarap sapakin sa sobrang sweet.



"Subukan mo ngang halikan 'yang screen ng cellphone mo at baka mapagakamalan kang sira ulo."
sabi ko.



Tinawanan niya lang ako. "Ano nga pala 'yung sasabihin mo?"


Bumuntong-hininga muna ako bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko.



"Umm kasi bheib, 'yung tungkol sa immigration namin."





Bigla siyang tumahimik.



"Bheib? Nandiyan ka pa?"
sabi ko.


He cleares his throat. "Aalis ka na?" prangkang tanong niya.




Kinakabahan ako. Di ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.



"O-Oo..."
nauutal kong sagot. "February next year."





"Ahh... malapit na pala."
sabi niya.



'Yun lang? Di man lang siya nagalit o nalungkot?



"Sorry." sabi ko.




"Wala ka naman dapat ika-sorry. Matagal ko na rin pinag-isipan ang tungkol dito. Alam kong wala rin naman akong magagawa, aalis na aalis din naman kayo." narinig ko muna siyang nagbuntong-hininga bago niya pinagpatuloy ang sasabihin niya.


"Tulad ng sabi ko dati, hihintayin pa rin kita kahit gaano katagal. Ganyan kita kamahal, May."



Ewan ko ba pero nanghihina ako sa nga pinagsasabi niya. Nakaramdam ako ng luhang bumagsak sa mga mata ko.




Bakit kasi napakamaintindihin mo, Mark? Kaya ang hirap mong pakawalan eh.

Di ko na ngayon alam ang gagawin ko pag nawala ka sa'kin.


Paano na lang ako pag di kita katabi? Huuuu. Drama ko masyado pero 'yung totoo?


Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari pag magkalayo kami.



Paano kung makahanap siya ng iba dito?

Paano kung mawalan siya ng gana sa'kin?




"Masyado bang sweet ang sinabi ko at bigla kang natameme diyan?" pang-aasar sa'kin ng boyfriend ko.




"Tss. Ikaw kasi eh..." humagulgol na ako. Nubayaaan, di ko mapigilan.

"Mamimiss kita sobra."
sabi ko.




"Gusto kitang yakapin, May." sabi niya.


Mas lalo akong napaiyak. Bakit kasi ang sweet niya nayong gabi?

Hindi ba dapat magalit siya?



Ang bipolar din minsan ng isang 'to.




"O siya, baka mas lalo ka pang maiyak diyan. Text kita pag nakauwi na ako. I love you." then pinatay niya na 'yung call.



Ako naman, nandito sa room, nag-eemote.



For two months na pananatili ko dito sa Pinas, dapat lubos-lubusin ko nang kasama si Mark.



I will try my very best para maging unforgettable ang last two months ko dito.



---




Kinabukasan...





"WHAAAAAT?! Huhuhu! May naman eh! Bakit mo kami iiwan?" pag-emote ni Cristy nang sinabi ko sa kanila 'yung tungkol sa alis ko.



Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Kasama ko sina Chin, Angie at Cristy.


"Wala na nga dito si Via, pati ikaw lalayas na rin. Ano ba 'yan!"
ani Chin.



"Sa tingin niyo ba gusto kong umalis? Kung ako nga masusunod, dito ko gustong manatili eh."
sabi ko naman sa kanila.




"Pero hindi ba mas makakabuti sa future mo kung doon ka mag-aaral."
sambit ni Angie.


Tama naman ang sinabi ni Angie.



Mas magiging mabuti ang future ko pag nandun ako.

Pero aanhin ko ang magandang future kung wala rin naman sa tabi ko ang mga kaibigan ko at si Mark?



"Basta ako, ma-mimiss ko ng sobra 'tong loka-loka na 'to!" wika ni Cristy sabay batok sa ulo ko ng mahina.



Hinimas ko naman ito na kunwari'y nasaktan ako ng sobra.


Niyakap ko naman si Cristy. "Huuuwaaa! Mami-miss din kita bruha!"



Inirapan naman kami nina Chin at Angie.



"O e di kayo na lang diyan." naaasar na sabi ni Chin.




"Kayo naman oh! Selos agad! Hali nga kayo!"
at nag-group hug kaming apat. Sayang nga lang wala si Via.



Iyayakap ko na lang sila kay Via pag nagkita kami sa States.





"Ay oo nga pala!"
biglang sambit ni Cristy. "Nag-text si Krisha kanina." sabi niya.



Remember Krisha?

'Yung pinagselosan ko dahil kay Mark?


Pero ngayon di na.


We're good friends kasi may boyfriend na siya, at close friend din 'to ni Mark.

Kaya nasa safe zone na 'yung relasyon namin ng boyfriend ko. Meehehe!




"Anong tungkol sa kanya?" tanong ni Angie.




"Magkakaroon siya ng debut for the next two weeks. Invited tayong lahat." aniya.



Debut? Wow parang naalala ko bigla 'yung inorganize ni Mark na debut para sa'kin ah.


Weee. Anu ba 'yan, kinikilig naman ako.



Siguradong bongga ang debut ni Krisha. Mayaman kasi!

Tsaka first daughter and spoiled by her parents to the highest level kaya I'm sure bonggang bongga ang magiging debut niya.



"Wow! Talaga? Buti na lang at timing din sa Christmas break nating apat." ani ko.




"I know right?! Excited na ako! Rinig kong gaganapin daw sa Los Palmas resort 'yung debut niya and take note! Overnight daw tayo dun, it's all paid by the debutant herself!" sabi sa'min ni Cristy with matching hand gestures pa. Itong bruhang 'to talaga.



Sosyal talaga ng Krishang 'yun. Akalain mong overnight?!



E di ibig sabihin neto, makakasama ko rin overnight si Mark? Ahihi!


But waitsss?

"Umm, invited rin ba 'yung mga classmates nating lalaki?" I asked.



Tumango si Cristy. "Of course! Buong batch natin imbitado!"



Bigla namang nabuhay ang katawan lupa ko.

Yes! Makakasama ko rin for the first time si Mark sa gabi.



Wag kayong green, gusto ko lang talaga matulog in his arms without malice.



At least bago ako umalis ng Pinas, hindi na ako malulungkot masyado.




Excited na ako sa debut ni Krisha!

Excited na akong makasama si Mark overnight at makausap siya ng masinsinan.



Two weeks, bilisan mo na!



Ayy wait?

Medyo bagalan mo pala ng konti,


I still need more time to be with Mark.


I still need more time to cherish every moment with him.




-----

A/N:

Please don't forget to vote/comment. please po! I wanna hear from my readers, kung sakaling meron man. :P

Ingat po kayo lagi! xx

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now