Chapter 15: A Trip to the Past

4.4K 47 2
                                    


**CHAPTER FIFTEEN**


Nagising ako na may suot-suot na matatamis na ngiti sa'king labi.

First day-sary kasi namin ngayon. :">

Ano kaya ang mangyayari 'pag magkakasalubong kami mamaya?

Eeeeeh! Ang awkward sobra! Pero yung tipong awkward na sweet?


Basta! 'Yun na yun. :">


Bahala na si Batman mamaya, basta ngayon, ang alam ko lang, excited na ako for today! :">

Unang hakbang ko pa lang papasok ng classroom, ay nakasalubong ko na si Mark ng face to face.


Nagkatitigan lang kami for a few seconds tsaka ko siya nginitian.


"Morning." bati niya sa'kin sabay expose ng dimples niya.

Does he really have to do that all the time?

Well, I don't mind. Ayoko lang namang natataranta sa harap niya, ang cute niya kasi eh. Sarap gawing stuffed toy. Ahihi!

"Morning din." - nakangiti kong sagot sa kanya.


Pagkatapos naming magbatian, e pumasok na agad ako ng classroom. Baka makahalata kasi 'yung iba naming kaklase.


Di ba secret nga tong relasyon namin?

Ito ata prinoproblema ko eh. Kung papaano namin ililihim yung tungkol sa relasyon namin.


Apat lang ata may alam na kami na ni Mark.

Siyempre ako at si Mark...

Tsaka sina Via at Joe, sila kasi yung pinakaclose namin dito sa school, when I say pinaka, meaning super duper ultra mega sa sobrang close, at sigurado kami na mapagkakatiwalaan talaga 'tong dalawang 'to.

Hay naku! Bahala na, bahala na talaga si Batman. Basta ngayon, ini-enjoy na lang muna namin yung pagiging newly-wed, este new couple namin.


----


Ilang araw din yung lumipas at patuloy namang umuusbong ang pagtitinginan namin ni Mark.

Alam mo yung kahit na kayo na, kilig na kilig ka pa rin sa tuwing nakaka-eye contact mo siya. Shemsss!


Napansin ko ngang mas umi-effort pa siya ngayong kami na kesa nung mga panahong nililigawan niya pa lang ako.

O diva? Asenso ang mokong?


Halos araw-araw nga akong sinusulatan ng mga love letters nito eh.

Ang sweet di ba? Lumang style na pero patok pa rin! Patok na patok pa rin sa puso ko. Ayeee!

Ok, corny.

Hinahatid niya rin ako sa'min araw-araw at di na siya ngayon lumiliban sa klase, unlike before na kung umabsent, wagas!

Sabi niya, di niya pwedeng isayang ang mga oras na kasama niya ako, kaya kahit alam kong atat na atat siyang mag-cutting classes, he's trying his best to avoid it.

Ang sarap talaga ng buhay di ba?


'Yung lagi kang inspired na gumising araw-araw kasi nga alam mong may naghihintay sa'yo?

'Yung feeling na....


Basta!

I am all out of adjectives to describe what I'm feeling right now. Basta ang alam ko, masaya ako.

Okay na sana ang buhay, wala na sanang problema hanggang isang araw, may nangyaring kinagulat ko.

Talagang di kanais-nais.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogOnde as histórias ganham vida. Descobre agora