Chapter 21: MV

4K 31 1
                                    




*
*CHAPTER TWENTY-ONE**




*Back to school*





Back to school na naman which means, back to dreadful reality na ang lahat.



"Ugh. Nandiyan na si Ma'am! Kainis naman!" sabi ni Angie habang patingin-tingin sa labas ng pintuan.





Akala ko absent na ang computer teacher namin.



E kahit computer pa yung subject namin, naboboringan pa rin kami. Paano ka ba naman ma-eexcite kung MS Word lang yung tinuturo sa inyo? E kahit gradeschooler alam nang gamitin yun eh!




Buti sana kung java, web design, animation, syntax error o kung anu-ano pang mga bagay na tungkol sa computer 'yung tinuturo sa'min. Nakakainip na 'pag puro basics. >.<




"Second year, what the hell are you doing?! Jusko naman! Grade 1 section Z ba 'tong klase na to?! Para kayong mga lintang kanina pa sumisilip sa pinto! Did you know I've been watching you from the other side of your classroom!? Naku naman!"



Biglang tumahimik ang buong klase nang sumigaw si Ma'am.


"O ano?! Tatahimik naman pala kayo eh! I was late because I have to explain some important things to our principal, at ang sinasabi kong 'important things' ay related to what you're going to do for the whole third grading."




Walang may umiimik. Lahat nakatingin lang kay Ma'am. Malamang natakot sa pagsigaw nito kanina.



"Second year?! Buhay pa ba kayo?! Ba't di kayo sumasagot?!"



Ay 'nak ng!


Syet naman eh, bigla na lang tong nanggugulat si Ma'am.


Hindi niya ba mapigilang di sumigaw pag nagsasalita? Naku naku naman!





"May? Is May Ortaleza here?!" sabi ni Ma'am.





Ako ba yung tinatawag niyang May Ortaleza?

Hindi naman siguro, baka imahinasyon ko lang 'yun. Ba't naman niya ako tatawagin di ba? Kanina pa nga ako dito tumatahimik, di naman ako nag-iingay, kaya imposible ako 'yung tinatawag ni Ma'am.





"Do I have to repeat what I said?May Ortaleza, where on earth are you?!"




Southeast Asia po, Pilipinas...



"Hoy May! Ano ba! Kanina ka pa tinatawag ni ma'am!" bulong ni Angie sa likod ko.




Neknek! Ako pala tinatawag ni Ma'am? Bopols ka talaga May, syempre ikaw.

Sino ba naman ang May Ortaleza dito sa classroom, e ikaw lang naman.


-____-




Agad kong itinaas ang kanang kamay ko at binigkas ang panatang makabayan. Jokelungs.



Tinaas ko ang kanang kamay ko at nakita naman agad ito ni Ma'am.


"Nandiyan ka lang pala! Kanina pa kita tinatawag. Are you freakin' deaf?!"



Susmee, kalma lang po ma'am. May freakin2x kapang nalalaman.




"Sorry po ma'am. Di ko po narinig. he he he" sabi ko sa kanya nang nakayuko.





"Whatever!" - aba, taray ni ma'am ah. "Second year makinig kayo utang na loob kasi di ko na uulitin ang sasabihin ko!" Sige ma'am, 'kaw na tong mataray. Kalurkey ka!




"You will have to make a music video for this grading, at ang music video ninyo ay ipapakita ko sa ibang lower years so they will have an idea kung ano ang gagawin nila pag humantong sila ng Second Year High School and May will be the one in-charged of the video for your class project. Is that clear as crystal mga bata?!"





Oo ma'am, clear na clear pa sa tubig na galing sa unpolluted and non-contaminated water sa Manila bay billions of years ago.


Sabi mo nga, magkakaroon kami ng class project, at ang project na gagawin namin ay isang music video, at ako ang in-charge na gumawa nito at...




WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!!!!!!!!!!!!!asdfghjkl!!!



ANO DAAAAW? BAKIT AKO?!




Ano bang alam ko sa video2x na 'yan, e wala nga akong sariling videocam!





Bakit ba sa tuwing may class project kami, ako na lang lagi ang ina-assign na mamuno sa klase?!

Ang hirap kaya! Kaloka!

Lalo na't napakatamad ng batch namin! Tsss.




I strongly disagree! Ayoko maging in-charged sa project na yan!


Kaya tumayo ako at dinifend ang sarili ko sa malupet na kamay ni Ma'am.



"Pero ma'am, di ko po kayang gawin iyan ng mag-isa!" sabi ko.





"E sino bang nagsabi na ikaw lang gagawa ng project NIYO? CLASS PROJECT nga di ba? C-L-A-S-S!"




Ay ma'am, di po ako bopols, marunong naman po ako magspell. -______-



"E kasi ma'am wala po talaga akong alam sa mga video2x na 'yan."





"E di pag-aralan mo!"


Kulit din ng guro na to, sabi ngang walang alam eh! Pipilitin pa. Jusko naman!




"Ma'am, I'm really sorry pero bobo po talaga ako sa mga ganyang bagay." sabi ko sa kanya.





"K fine, whatever! Second year, sino bang may alam tungkol sa video editing dito?"







"Ma'am, ako po!"
>.> Lumingon ako para makita kung sino ang nag-volunteer at nakita ko si Ralph.



Nagulat nga ako dahil present siya ngayon sa klase. Lagi kasing nambubulakbol at nagcu-cutting ang isang 'to.

Alam mo yung kabute na bigla na lang sumusulpot? Pero thankful ako ng sobra dahil nandito siya ngayon!


Sinave niya ako sa class project namin!





"Oh Ralph? Miracles do happen naman pala. Anong nakain mo at pumasok ka?" Ang mean talaga ni ma'am.



Nagtawanan ang buong klase sa huling sinabi ni ma'am, napayuko lang si Ralph at napakamot sa ulo niya.


Mukhang napahiya ata.



"Ma'am naman eh. Nag vovolunteer na nga ako, tapos ako pa tong binubuking niyo." pagdepensa ni Ralph sa sarili.



Anong pinagsasabi neto? Anong buking?


Nyak! Hahaha! Buking his mouth, alam naming hari siya ng mga absences kaya walang dapat ibuking tungkol sa kanya, obvious kaya. 'Tong mokong talaga.




"I'm just messing with you. 'Wag ka na diyang umiyak baka pagalitan pa ako ni mommy at daddy mo." nagtawanan muli ang buong klase sa sinabi ni Ma'am.



Di na nagsalita si Ralph, sa halip ay umupo na lang ito tsaka nag-crossed arms, sinyales na parang nagtatampo siya.




"Ralph ano ba, joke lang yun. Ang pikon mo talagang bata ka!" sabi ni ma'am sa kanya.





Tumayo naman si Ralph at saka tumawa sabay peace sign kay ma'am.

V(^___^)V




"Ralph! Tell us what you can do for this project." sabi ni ma'am sa kanya, back to serious business na naman tayo dito. Oh wellsss.




Sinabi sa'min ni Ralph na hobby niya daw ang gumawa ng videos. Sabagay, nakita ko naman yung ilang videos niya dati and I have to say na may potential siya!


His videos are so impressive, pang international! Daig pa ang effects ng Harry Potter movies! Pero syempre, joke lang yun.


Newbie pa lang si Ralph sa mga ganitong bagay pero may talent siya sa video editing.



Napagpasyahan ng buong klase na si Ralph na lang ang maging director at in-charged sa music video na gagawin namin.



At bilang pinakamaganda sa buong klase, este ang rank 1 pala sa klase, ako yung inatasan ni ma'am na maging assistant director ni Ralph.




Hay naku! Andami na namang poproblemahin!


Matatapos ba namin to? Ang hirap kaya gumawa ng video!




3 minutes lang yung length ng music video namin pero higit isang araw ang kinakailangan upang matapos lang tong 3-minute music video na to. Tsk!





Nung bell after recess ay tinipon-tipon kami ni Ralph sandali dahil may mahalagang announcement daw siya.


Ano kaya sasabihin niya?




May sakit ba siya?




Bading ba siya?





Ikakasal na ba siya?





Magiging astronaut ba siya at pupunta ng Pluto?






Ano kaya?




"Guys! Mamayang hapon after dismissal wag muna kayong umuwi ha? Meeting tayo dito sa classroom for our music video. Kahit sandali lang. Attendance is a must!" sabi niya sa'min.




So yun pala ang mahalagang announcement niya? 'Kala ko pa naman pupunta na siya ng Pluto.



At siya pa talaga ang may ganang magsabi na Attendance is a must ha, kung makapagsalita to parang may perfect attendance sa klase ah?



We all agreed to what he said, walang may umimik at nagreklamo kasi naman po, kanina pa kami gutom. Kaya umalis na kami after ng announcement niya tsaka kumain ng recess.






*fastforward sa dismissal*




"Ano ba naman 'yan! Ba't wala pa yung iba?!"
sabi ni Ralph na kanina pang pabalik-balik sa labas ng classroom.



20 out of 36 lang naman yung nagpaiwan sa classroom para umattend ng meeting, yung iba ay nagsiuwian na. Tsk! Mga langya talaga!



"Hayaan mo na nga sila Ralph. Umpisahan na lang natin!" - sabi ko.





"Oo nga! Baka maiwan pa ako ng sundo ko eh." - dagdag ng isa kong classmate.





"Ano bang pag-uusapan natin?" banggit ng isa ko pang kaklase.





"E di tungkol sa music video!" - sabi ni Ralph na nagta-trying hard maging sarcastic.



Uminit siguro ulo neto dahil di tumupad sa usapan ang iba naming kaklase.


Di naman talaga mainitin ang ulo ng isang to kaya lang medyo nabadtrip lang siguro.

First time na nga siya nagkaroon ng silbi, este first time na nga niyang mag-volunteer para matulungan ang buong klase, parang di pa mabibigyan ng justice ang sense of voluntariness niya. Charoooot.





"Tengene ka Ralph! Tinatanong ka ng maayos!" sabi ni Chin, naiinip na rin siguro tong isang to.



Nag-sorry naman agad si Ralph at inamin niyang bigla na lang nawala ang mood niya kasi feeling niya daw magiging palpak ang plano niya para sa project namin.




"Ano ka ba! Ang nega mo talaga! First meeting pa nga lang 'to. Sige na, umpisahan mo na!" sabi ni Cristy sa kanya.




Um-oo naman si Ralph tsaka sinimulan ang objectives ng meeting na to.


Eto ang mga isinulat niya sa board:



Objectives for today:



1.) Choose a song for the music video.

2.) Plan out about the theme of the MV.

3.) Choose possible settings for the shooting.

4.) Decide the props to be used.

5.) Select characters for the MV.



Isa-isa naming tinalakay ang mga objectives niya.



Objective #1: Choose a song for the music video.



"Anong gusto niyong kanta para sa MV natin?"
tanong ni Ralph.





"Poker face! Ganda nun!" - sagot ni Luigi. Loko talaga 'tong isa. Ba't yun pa ang naisip niya?





"Hahaha! Ngangu ka talaga tol! Ba't poker face?" natatawang sabi ni Mark na nasa tabi ko lang.




"Sa bagay, pwede na rin 'yun! Ganda kaya ni Lady Gaga, ang sek-"


PAAAAAAAK!!!!! !#!^&#%!*


Bago pa matapos ni Mark ang pangungusap niya ay binatukan ko na siya. Sira ulo! Kung anu-ano na lang ang naiisip! Hmpf!



"Aray naman! Ang sakit nun bheib ah!" sabi niya sa'kin.



"Tse! Lady Gaga mo mukha mo!"



"Eto naman, joke lang!"
v(^_^)v




"Meron pa bang ibang mas matinong suggestion bukod sa Poker Face?" tanong ni Angie sa klase.





"Thunder na lang kaya ng Boys Like Girls?" suggestion ni Chin.



Aba! Pwedeng-pwede 'yun! Fave song ko kaya yun as of the moment!

Kinakanta rin namin yun ni Mark eh, kaya game na game ako pag ganun ang kantang gagamitin.





"Corny naman nun! Worlds Apart na lang kaya ng Silverstein para astig!" suggestion ni Rey.



Screamo 'yun ah? Pero maganda rin naman yung kanta kaya lang parang ang hirap naman ata gawan ng MV yun.


Anong gagawin namin?

Maghe-headbang, magpagulong-gulong sa sahig o di kaya maglalaslas?!


Joke lang.



Pero seriously, inappropriate 'yun para sa'min.





"Magbalik na lang kaya ng Callalily!" sabi ng isa kong classmate.





"Ha? E last year pa ata nag-uso 'yun eh! Hanap na lang tayo ng modern!" sabi ko.



Okay naman ang 'Magbalik' kaya lang medyo matagal na tong kantang to, tsaka nakakasawa na pakinggan.


Hindi naman sa ayaw ko nito, actually nasa playlist ko pa nga to hanggang ngayon eh! Crush na crush ko pa nga until now ang lead vocalist nilang si Papa Kean Cipriano my one and only labs! Kaya lang syempre, we need something.... English.


Oo nga, sinabi rin ni ma'am na ang kantang pipiliin namin ay dapat in English kasi nga Computer Class siya at bibigyan din daw kami ng extra points in our English subject if tapos na 'yung MV namin.






"Guys, ok lang naman kahit luma na ang kanta, basta classic at nasalin sa Ingles." sabi ni Ralph.





"Anong classic?!! 'My Way' ni Frank Sinatra? 'Yung mga instrumental nina Beethoven at Mozart? Mga ganun SERIOUSLY!?"


Loka-lokang Via na to, kung makapagreact, OA lang.


Teka? Ano nga bang classic ang tinutukoy nitong Ralph na to?


"Sira! Hindi 'yun yung ibig kong sabihin. Yung classic e, parang mga kantang di nagiging luma sa pandinig natin. 'Yung kahit na lumipas na ang panahon, e patok pa rin sa mga tao ang mga kantang ito. Gets niyo ba? Basta ganun!"




"E ano bang classic na kanta ang pwede nating gamitin?" tanong sa kanya ni Angie.




"Sabi ngang Poker Face na lang ni Lady Gaga e, ba't ayaw niyo bang makinig sakin? Tsk." sabi ni Luigi na ikinatawa ng buong klase.


Susme, mapilit talaga 'tong si Luigi. Avid fan kasi ni Lady Gaga kaya di namin masisi, kaya ayan, medyo nahawa na sa pagkaweird ng idolo niya.



"Alam ko na! Paano kung, Iris na lang kaya? Iris by Goo Goo Dolls." sabi ni Ralph.





Ok naman yung Iris. Classic nga! Di ko nga nakakalimutan na laging i-download ang kantang 'to sa Cellphone ko at MP3.




"I'll Be na lang ni Edwin McCain!! Alam mo yung, ♪ I'll be your crying shoulders! I'll be love's suicideeee! ♪"



At talagang kinanta pa ni Via yung first part ng chorus ha. Pero di ba masyado naman atang cliche kung 'yun ang kantang gagamitin namin?

Overused na masyado ang kanta sa mga MV eh.

Nasobrahan ata sa pagka-classic ang kanta ni idol Edwin McCain kaya sa tuwing may mga romantic school plays o events, o anu pang churva na yan, 'I'll Be' lagi ang unang naiisip na maging theme song ng mga to.



"Pero masyado naman atang common ang kantang 'yan para sa MV natin." sabi ni Ralph.

Oh kitams? Sabi ko sa inyo eh. Great minds think alike talaga. Di ba Ralph? Mwehee!



Tumingin ako sa paligid at napapansin ko na seryoso sa pag-iisip ang mga kaklase ko. Hmm, nag-iisip nga ba ang mga to o nagde-daydream lang?





"Iris na lang guys. That's final!" - sabi ni Ralph sa wakas.



Bago pa kami makatutol sa pasya niya, ay agad niya na itong sinulat sa blackboard.




"Naman e! Hingi ka ng hingi ng suggestion, yung decision mo naman pala ang masusunod in the end!" naiinis na sabi ni Via.


Nagpupumigil lang ako ng tawa sa sinabi ng bespren ko. Nagtampo siguro dahil hindi 'I'll Be' ang gagamiting kanta para sa MV namin. hahaha!

Hay naku, napakamatampuhin talaga ng isang to, pero infairness, may point siya!

Bakit pa hinihingi ni Ralph ang suggestions namin kung ang gusto niya naman pala ang masusunod sa huli.

Hay nakooo!




"He he he, e Ralph, kaw na lang kaya mag-desisyon para sa lahat ng mga objectives na 'yan? 'Kaw naman ang director eh." sabi ko kay Ralph.



Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko tsaka pinagpatuloy ang iba pang objectives na natitira.




Objective #2: Plan out about the theme of the MV.


Napagpasyahan ni Raph na 'PROM' daw ang theme ng MV namin.


Eto yung plot ng story according sa magaling naming director:



May isang boy named Clark ang in love sa isang girl na may pangalang, Kate.



Niyaya ni Clark si Kate na maging date niya sa prom. Pumayag naman si Kate kaya sobrang saya daw ni Clark na halos umabot na ng ibang galaxy ang ngiti at saya na nararamdaman niya.



Nung araw daw ng prom, na-late ng dating si Clark for some reasons, siguro na LBM, nagka-dengue, nagka-SARS o kung anu pang dahilang yan.


Anyway, di naman yun importante kaya back to what I said awhile ago, na-late siya sa prom, at nagulat na lang siya nang nakita niya ang pinakamamahal niyang si Kate na may kasayaw na ibang lalaki, ang sweet-sweet daw nila habang sumasayaw!



At dahil sa nasaksihan ni Clark, na brokenhearted siya ng wagas. As in tagos sa puso daw ang sakit na nararamdaman niya.



At dahil nga brokenhearted ang artista namin sa MV, e uminom ito hanggang sa malasing siya.


Dahil sa sobrang kalasingan, di niya na alam ang ginagawa niya, kaya tumawid pa rin siya sa kalsada kahit na andaming kotse ang humaharurot dito.



Sa kasamaang palad, yun nga, nabangga siya.

Obvious naman ata mangyayari yun di ba? E, yun na lang lagi ang nakikita natin sa mga telenovela eh, maaaksidente ang isa dahil na BH, etc.



Yun nga, nabangga siya ng isang dambuhalang ten-wheeler truck!


Joke lang, isang pick-up lang yung nakabangga sa kanya.



Nang nalaman ni Kate ang tungkol sa pagkaaksidente ni Clark, agad niya itong pinuntahan.

Nakita niya ang nakahalandusay at duguan na katawan ni Clark sa kalsada.


Niyakap niya ito ng mahigpit na mahigpit at paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ni Clark para magising, pero huli na ang lahat, kasi deds na si Clark.



Namatay si Clark nang di niya man lang nalalamang mahal na mahal rin pala siya ni Kate at yung lalaking kasayaw ni Kate sa prom ay pinsan niya lang pala kaya ayun!


Hindi happy ending yung story. Napaka-tragic.



Lesson? Madaming namamatay sa maling akala! Kaya wag assuming! Magtanong muna! OK?





Ayan tuloy, masyado akong nadala sa story ng MV namin. E kasi ang daming arte nitong Clark na to eh. Naglasing agad-agad? Kaya ayan, kinuha ni Lord ng wala sa oras, wawa naman si Kate.




Simple lang yung story di ba?


Pero nakakaantig naman di ba?


Naiyak nga ako sa sobrang lungkot nang ikinuwento ni Ralph ang story na to sa'min. Charot.





Pinagpatuloy namin ang remaining 3 objectives.





Objective #3: Choose possible settings for the shooting.



Napag-desisyunan naming lahat na sa school na lang gagawin ang shooting kasi prom naman ang theme ng MV.

Ok naman gawing dance floor at venue ang lobby ng Grandville High kasi malaki naman ito.



Yun lang para sa objective #3. Tinatamad na akong pahabain ang info.

NEEEEEEXT ------------->




Objective #4: Decide the props to be used.



Motif ng MV? E di prom! Kung anong makikita niyo sa prom, 'yun yung magiging set-up namin.



Konting balloons at simpleng banner, ok na.


MV lang naman to, buti kung movie na talaga ang gagawin namin di ba? Kaya di naman kailangan gawing bonggacious ang setting.



Dress lang daw ang susuotin ng mga babae, habang long sleeves naman at black plants ang susuotin ng boys para hindi daw magastos.

OA na kasi pag gown eh, mahirap na kasi ang buhay you know. At di naman siguro lahat sa'min may gown diva?




Wala nga akong gown eh.



Objective #4: Last but absolutely not the very least kasi ito, I mean SILA ang magbibigay buhay sa MV:



tentenenen!


Select characters for the MV.




"Tatlo lang ang main characters dito sa MV, si Kate, Clark at ang pinsan ni Kate. So sino sa inyo ang gusto maging Kate?"
tanong sa'min ni Ralph.



Ni isa walang may tumaas ng kamay sa mga babae.




"Wala? Ayaw niyo ba magkaroon ng lead role, girls?" dagdag pa ni Ralph.




Sino ba naman gusto maging lead actress di ba? Ang hirap kaya mag-acting.



"Wala talaga? O sige, ako na lang pipili." aniya.




Buti pa nga Ralph, kaw na ang pumili at baka maabutan pa tayo ng siyam-siyam dito kung hihintayin lang natin na may mag-volunteer sa isa sa'min, kasi siguradong waley.




"AH! May! Ikaw na lang!"




Huh? Narinig niyo ba pangalan ko? Kasi ako, hindi eh?




"May!! Ikaw na lang si Kate, please!" pagmamakaawa sak'in ni Ralph.





"Ano?! Bakit ako?!"- Nagtataka kong tanong sa kanya.




"Marunong ka naman mag-acting eh, tsaka ang bilis mong maka-memorize ng script. Kaya ikaw na lang, sige na, please?" at nagpuppy eyes pa ang mokong to. Naku naku! Di uubra sakin yan noh!




"Ayoko nga eh! Iba na lang!" pagtatanggi ko.


Nagulat na lang ako nang lapitan ako ni Ralph at parang luluhod ito sa harap ko, pero bago pa siya makaluhod, pinigilan ko na siya.


Shoooocks! Kung upakan ko kaya tong isang to?! Ang ayaw ko sa lahat ang may lumuluhod sa harapan ko para makiusap!


Feeling ko kasi ako yung kontrabida at sobrang superior ko pag ganun. I hate feeling superior, nagmumukha akong halimaw!




"Sige na nga! Pero parang awa mo na, wag ka nang lumuhod! Ang OA lang!" sabi ko kay Ralph.



Napangisi naman siya at napatalon sa tuwa.

Abnormal to, parang yun lang eh, masaya na siya. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng isang to.



"Thank you May ha!" sabi niya.




"Sino naman sa inyo ang gusto maging Clark?" - dagdag na tanong ni Ralph.





"Tinatanong pa ba 'yan? E di si Mark!" sabi ni Cristy.



Nakita kong inirapan lang ni Mark si Cristy.



Mukhang ayaw niya ata. Bakit?




Ako naman ang magiging ka-love team niya ah?




"So, Mark, ok lang ba?" tanong ni Ralph sa tabi ko.





"H-ha?! E ba't ako?! Wag na!" mabilis na sagot ni Mark.


Ba't ayaw niya?


Ayaw niya ba akong maka-partner?


Ahh! Baka naman gusto niya yung role ng Pinsan ni Kate kasi siya lang yung kasayaw ng lead actress sa MV.



Baka nga yun ang gusto niyang role? TAMA! ^_^


"Bakit naman hindi?" tanong ni Ralph sa kanya.




"E, sa ayaw ko nga eh! Ang kulit mo naman. Iba na lang!" mukhang nairita ata si Mark.



"O sige, cool ka lang pre." ani Ralph.



"Ikaw na lang Melvin!" sabi ni Ralph habang tinuturo si Melvin sa gilid na naglalaro ng PSP niya.



"Ha? Ah ok. Kayong bahala." sabi ni Melvin kay Ralph tsaka bumalik sa paglaro ng PSP.



(>.<")



"Ha?! E bakit si Melvin?" tanong ko.



Na-curious lang. Ba't si Melvin? Hindi naman sa choosy ako, nagtataka lang naman.




"Siya kasi ang pinakawalang hiya dito sa classroom." bulong sa'kin ni Ralph na nagpupumigil tumawa.


Mukhang narinig ata to ni Melvin kaya nilapitan niya si Ralph at binatukan sa ulo.



"Hoy narinig ko yun! Tengene mo Ralph!" sabi ni Melvin kay Ralph.




"Grabe naman yang tenga mo! Hanep kung makarinig!"



Tss. Ano ba naman to? Nakakawalang gana 'pag di si Mark ang maging ka-love team ko. T_T



Okay na ang dalawang main characters, iisa na lang ang kulang.



"Oh eto, last na lang. Sino sa inyo ang gusto maging pinsan ni Kate?" tanong sa'min ni Ralph.



Hinihintay ko lang si Mark na magsalita pero mukhang wala talaga siyang balak na kunin ang role.



Nakakalungkot naman. Siya pa naman ang gusto ko maging first dance. Kahit sa shooting lang, at least makakasayaw ko siya. T_____T



Hindi na napigilan ng pagiging epal ko na tanungin si Mark.



"Bheib, ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.




"Ha?"



>.< BINGI BA TO?! UULITIN KO NA NAMAN BA ANG HULI KONG SINABI!? JUSKO NAMAN OH!


"Ayaw mo bang kunin ang role ng pinsan ni Kate para sa MV?"




"Ha? Ah, ehh, kasi tinatamad ako. Ayoko."


Araguuuuuuy! Ako nga yung makakasayaw mo tapos tinatamad ka pa?! Nakakasakit na ha!



"Uhmm, Ralph! Si Jomel na lang!" sabi ni Via.


Ano?! Ba't si Jomel?! At bakit yun yung sinuggest ni Via?

Tsaka isa pa, absent naman ngayon si Jomel sa meeting pero bakit siya ang sinuggest ni Via?! Kaloka!



"Ha? E, paano natin malalaman kung papayag siya, e wala naman siya dito?" tanong ni Ralph.



Tama ka Ralph! Good point! Pareho tayo ng iniisip! Great minds think alike nga!


Pa-ulit-ulit lang, May?



"Problema ba 'yun, e di itetext ko siya. Saglit lang!" sabi sa amin ni Via.




After a few minutes ay nakareply na si Jomel.



"Oh tingnan mo tong reps ni Jomel. Ok lang daw kaya siya na lang ang ilagay mo sa role na yan! Siya na lang yung kasayaw ni May a.k.a Kate." masiglang sabi ni Via.



Ha? Ano bang pinagsasabi neto? Bakit si Jomel ang pinili niyang i-suggest, e crush niya yun di ba?! Gusto niya bang makasayaw ko ang sarili niyang crush?! O____O



Gusto ko sanang kausapin si Via kaya lang nakita ko na parang nakasimangot si Mark.



Pake ko ba sa kanya? Dapat nga ako ang magtampo eh, kasi di niya man lang ako pinagbigyan na kunin niya ang isa sa mga roles ng lead actors. hmpft. NakakaBV talaga!




Nakompleto na ang lahat ng objectives namin.



Nagsiuwian na kaming lahat.




**


Nang makarating ako sa bahay, agad kong tinawagan si Via, di ko kasi siya nakausap kanina after ng meeting kasi sinundo na ako ni papa.



"Hello, good afternoon." sagot nung babae.



Si Ate Nina ata to? Ang katulong nina Via sa bahay nila.



"Ahh, ate Nina, 'kaw ba to? Si May po ito. Andiyan na ba si Via?"




"Ay May! Kaw pala! Ahh Oo, kararating lang niya, tawagin ko lang ha?"



"Sige po, salamat."




"Hello May? O bakit ka napatawag?"



"Kasi Vi, may gusto lang sana akong itanong?"




"Yun ba yung tungkol sa meeting kanina? Uhm, sorry ha? Nainis lang kasi ako kay Mark kaya sinabi ko kay Ralph na si Jomel na lang ang gaganap bilang cousin mo sa MV."




"Ha? E bakit ka naiinis kay Mark?"




"I didn't mean to hear your conversation kanina. Nasa likod niyo lang naman ako, kaya narinig ko ang pinag-usapan ninyo. Kainis naman kasi siya, girlfriend ka na niya, ikaw tong lead actress, tas tinatamad pa siya na tanggapin ang isa sa mga main roles para sa MV natin! Kainis!"




"Ganun?! E bakit si Jomel yung sinuggest mo? Di ba crush mo yun?!"




"Oo, crush ko nga yun. Kaya nga siya ang sinuggest ko kay Ralph eh, kasi perfect siya para pagselosin si Mark!"





"Ha? What do you mean?"





"Just look how handsome Jomel is! Habulin ng mga babae! Ang gwapo talaga! Ang hot! Soooo cute! Did I mention ang gwapo niya? Ang gwapo niya talaga grabe! Ahihi!"



Loka-lokang to, ang lantod. Haha!


Pero tama naman lahat ng sinabi niya.

Gwapo nga si Jomel, pero sa mga mata ko, si Mark pa rin ang pinakagwapong hayop sa balat ng lupa, kaya lang nagtatampo ako sa kanya ngayon, kaya ang pangit-pangit niya na! Ang pangit ni Mark!


Binabawi ko na ang sinabi ko! >.<




"O sige Vi, tama na. I get your point, siya na tong gwapo! Pero bakit natin kailangang pagselosin si Mark?" nagtataka kong tanong sa kanya.




"Para pagsisihan niya ang hindi pagtanggap sa leading roles! So he'll learn to be by your side no matter what! He should give you some moral support no, since siya ang boyfriend mo!"



Sa bagay, Via's right!

Di ko man lang nararamdaman ang pagiging supportive niya sak'in.

Palagi na lang niya kasi ni-rereject ang mga simpleng favors na hinihingi ko sa kanya, gaya nung kanina. Unfair niya talaga! T______T



"Sige, let's make him regret this! Thanks talaga Vi ha?! Bestfriends talaga tayo!"




"Sure! Anything for my BFF!"




Nang matapos kaming magtawagan ni Via, agad akong naligo at nag-ayos.



Humanda ka talagang Mark ka!


Magseselos ka sa'min ni Jomel at marerealize mo ang halaga ko! Mwaahaha!

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now