Chapter 35: Debut

2.2K 18 1
                                    





**CHAPTER THIRTY-FIVE**






"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!"

Kanta ng mga College friends ko sa'kin na may dala-dalang 18 cupcakes with matching pink candles.



"Oh my goodness! Thank you so much sa inyong lahat!"




"You're very welcome May! Ikaw pa!" wika naman ni Ruru.



Ang saya-saya ko. Akala ko pa naman walang may nakakaalam ng birthday ko, iyon pala may sorpresa sila para sa'kin.



Simula kasi nung paggising ko ng umaga, wala man lang akong may nakitang nag-greet sa'kin sa text o ni sa personal.



Kahit ang mga high school friends ko di rin nagparamdam. Ba't kaya ganun?


Imposibleng makakalimutan nila birthday ko, every birthday ko kaya lagi nila akong grini-greet kaya nakakapanibago lang.



Kahit si Mark, di rin ako grineet. Lagi niya na lang sinasabing busy siya.



Nakaka-disappoint na, promise!



Di man lang magawang magtext ng simpleng happy birthday.



Bakit? Takot ba siya na hihingi ako ng regalo? Psh, asa. Kuripot niya ah!


--

Nang oras na ng uwian, tinext ako ni Mark na makipagkita sa kanya sa lobby ng university namin.



Pagdating ko dun, nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok kasama ang dalawa pa naming former High School classmates.


Nakatutok silang tatlo sa laptop ng dala ng isa naming classmate.




"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila sabay silip sa laptop.

Agad naman sinara ni Mark ang window sa laptop.




"Ahh w-wala, project lang namin."




"Ah ganon ba?"



Grabe ha, nakakaduda na ha.


Ano ba kasing meron sa laptop na 'yun at parang panay ang tago niya neto sa'kin.



Nang matapos na ang so-called 'project' nila, umuwi naman kami.



Pagkababa ko ng jeep, sinabihan niya lang ako ng simpleng Happy Birthday at hinalikan niya ako sa pisngi.




Grabe ganun lang?


Parang di ko lang birthday ah?


Sana binigyan niya naman ako kahit lollipop man lang o kahit love letter na nakasulat sa scratch paper.



Pero as in wala?!



Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero syempre nasanay na ako na everytime birthday ko, binibigyan niya ako ng love letter o kahit flowers man lang, pero ngayong birthday kong ito, parang wala lang sa kanya.



18th birthday ko pa naman ngayon, pero heto, ang lungkot-lungkot ko.




Wala man lang bumati ni isa sa mga High School classmates ko.



Si Mark naman, ayun! Parang walang pake sa araw na 'to.



-------



*knock knock*




Napagising ako ng di oras sa katok ni mama.

Tinignan ko ang time sa phone ko at laking gulat ko na 8pm na.



Ohnooooo, grabe! Nakatulog pala ako ng ilang oras pagdating ko sa bahay.



"May! May gustong kumausap sa'yo sa telepono. Si Cristy daw." sabi ni mama.





Agad naman akong bumangon at kinausap si Cristy.



"Hello?" sabi ko.




"Hi May! Galit ka ba?" tanong niya sa'kin.



Nagtaka naman ako sa tanong niya.




"Galit? Galit saan?"





"Sorry kung hindi ako nakapagreet ha? Busy kasi sa school eh."





"Ah ganon ba? Wala 'yun no. Next year ka na lang ulit mag-greet."




"Ikaw talaga! Basta sorry ha?"


Ang kulit din ng isang 'to, sabing ayos lang eh.




"Oo nga. Hindi ako galit. Okay?"
pagpapaliwanag ko sa kanya.




"Yay! Thank you naman at di ka galit."



"Ba't naman ako magagalit? Anyway, 'yan lang ba reason mo kung bakit ka tumawag?
" tanong ko.




"Hmm, actually hindi. I need to inform you about something." sabi niya.




"Ano 'yun?"

Ano na naman kayang chismis ang nahagilap ng isang 'to. Mukhang seryoso 'yung information na ibibigay niya sa'kin eh.



"Actually, last minute lang talaga pinaalam sa'kin eh."



"Ano ba 'yun? Direchohin mo na kasi."



"E kasi debut na bukas ni Leila."

By the way, classmate din namin si Leila nung high school, at magkasing-birthday kami.



"Ganun? Di ko alam na magdedebut pala siya?"


Buti pa siya...


E ako hindi man lang makakaranas ng debut. Huhuhu! Kahit simpleng handaan lang, wala talaga!

Nakakalungkot naman at nakakabagot ang teenage life ko.



"Ngayong gabi ko lang din naman nalaman ang tungkol dito eh. Anyway, I called to infrom you na inimbitahan niya tayo sa debut niya bukas."




"Oh talaga? That's great! But wait..."


May major major problem ako!




"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Cristy.



"Wala akong may maisusuot eh." sabi ko.



"Yun lang naman pala eh! I have an extra dress here. What about let's meet up tomorrow at the mall para maipahiram ko na sa'yo 'tong dress ko at para na rin sabay tayong pumunta sa venue ng debut ni Leila?" she suggested.



Pumayag naman ako.


And after a few talks, binaba ko na ang telepono.



Biglaan ata ang invitation ni Leila? Ang weird naman.



---



Patingin-tingin ako sa watch ko. Malapit nang isang oras akong naghihintay dito, wala pa rin si Cristy.


Miss call ako ng miss call sa kanya pero puro na lang missed! Ano ba 'yan!

Nasaan ba 'yung bruhang 'yun?


Tinext ko rin si Mark pero di siya nagrereply.



I also asked him kung pupunta siya sa debut ni Leila pero sabi niya hindi raw.




Haaaay! Kapagod talaga maghintay.

Nakalimang libot na ako sa buong mall.




Ilang sandali lang ay dumating na rin finally si Cristy, dala-dala ang isang malaking paper bag.


Hinihingal siya. "May! S-Sorry I'm late. Traffic kasi!" sabi niya.



"Ayos lang." inalalayan ko siyang umupo sa bench at kinuha ang paper bag sa kanya.


Mukhang tumakbo ng marathon 'tong isang 'to sa sobrang pagkakahingal ah.



"Gusto mo ba munang uminom ng tubig or any drink?" anyaya ko.


Tumango naman siya. "That'll be great!"



At habang nag-iisip kami ng pwedeng bilhing inumin, "Maaga pa naman eh. What if magmeryenda muna tayo?" sabi niya.



Pumayag naman ako.

Napagpasyahan naming magpizza.

Tagal ko na ring di kumakain ng pizza kaya 'nung dumating na 'yung order namin, hindi na ako nagdalawang-isip na bangawin ang pagkain sa table.


E ang sarap eh! Mweeehe!


"Uy may, dahan-dahan lang at baka mabulunan ka!" wika ni Cristy.



"A-Ano ka ba, may tubig naman eh! Chaka ang charap eh. Mehehe!" sabi ko habang nginunguya pa ang pizza sa bibig ko.


Nawala lahat ng manners ko 'pag gutom!



Pansin ko rin na di masyadong kumakain si Cristy, at panay ang tingin niya sa cellphone niya.


"Psst! Sino 'yang katext mo?" tanong ko.



"Ah w-wala naman, si ano... si..."



"Hmm, si Rey no?" hula ko.



Tumango naman siya. "Yup! Si Rey nga." sabi niya sabay tawa.



Weird talaga ng isang 'to ngayon.




Pagkatapos naming kumain ay niyaya muna ako ni Cristy na maglibot sa mall.


"Sure ka? Baka ma-late pa tayo sa debut ni Leila." sabi ko.


"Sus! E di late kung late!" sabi niya.


Binatukan ko siya ng mahina. "Seryoso ako, baka ma-late tayo."




"Chill ka lang May, the party won't start 'til we walk in."
sabi niya sabay tawa.



I just rolled my eyes then tumawa na rin.



At wala rin naman akong magagawa kung hindi ay sundin 'tong si Cristy. Siya lang kasi nakakaalam kung saan ang venue ng debut ni Leila, kaya di rin naman ako makakapunta dun nang wala siya.




Ilang sandali lang ay nagpasya na rin siya sa wakas na umalis.



Nag-taxi kami papunta sa venue para iwas late.



At kahit sa taxi, di pa rin siya mahiwalay sa cellphone niya. Lagi niya pa rin 'tong tinitignan.



Di ko ma-gets pero parang concentrated siya the whole day sa ka-text niya.



"Ano bang pinag-uusapan niyo ni Rey at parang di mo ata mabitawan 'yang phone mo?" biglang tanong ko.



Di niya narinig ang tanong ko kaya inulit ko ito.



"H-Ha? Ah w-wala naman! Hehehe!"


Hmm, ano kayang problema ng isang 'to? Parang wala siya sa sarili niya ngayon ah.


May tinatgo ba ang babaeng ito? Bakit parang kinakabahan siya or something.



Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa venue ng party ni Leila.




"Anong ginaawa natin dito?" nagtataka kong tanong kay Cristy.



Sa isang resto gaganapin ang venue?

Pero bakit? Di ba usually sa hotels ginaganap ang mga special occasions gaya ng debut?



"Nasaan na 'yung iba nating kaklase?" tanong ko.



"May, maiwan muna kita dito. Magbabanyo lang ako." s
abi ni Cristy.



Tumango naman ako at naghintay.



"May..." napalingon ako sa tumawag sa'kin.




"Mark?!" tumayo ako at nilapitan siya. "Nandito ka rin ba para umattend ng debut ni Leila?"



"H-Ha? Ah o-oo..."


Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon at parang lagi na lang silang nauutal kung magsalita? Weird.



"E bakit di mo man lang sinabi sa'kin? Alam mo bang kanina pa akong text ng text , di mo man lang ako magawang replyan?!" galit kong sabi sa kanya.


Kainis lang kasi. Bakit di man lang siya nagpaalam sa'kin?


E di sana nagkasabay na lang kaming pumunta dito. Ugh.




"Basta, hirap i-explain." sabi niya. "Sumama ka na lang sa'kin."


Hinawakan niya kamay ko at dinala sa isang malaking dining hall.

Nasa labas pa rin ako ng dining hall.


"Anong gagawin natin sa loob?"
nagtataka kong tanong. "Nasa loob ba ang venue ng debut ni Leila?"



Di niya sinagot tanong ko. "Halika, mauna ka nang pumasok."


Nang makapasok ako wala akong makita! Ang dilim eh!




Hala! Baka kung anong gawin ni Mark sa'kin?! Naku juskopo! 'Wag naman po sana!



And then suddenly biglang nagkaroon ng ilaw.




"HAPPY BIRTHDAY MAY! SUUUUUURPRIIIIIIISE!!!"

Napa-teary eye ako sa nakita ko.



Lahat ng close friends ko nandun, at sa laking gulat ko, nandun din parents ko pati pamilya ni Mark.


Anong nangyayari?




"Ladies and gentlemen, let's welcome our debutant by giving her a round of applause!"
sabi nung emcee which happens to be one of our high school classmates.


Pinalakpakan naman nila ako.



Nilapitan ako ni Tita Janice, ang mama ni Mark at binigyan ako ng flower wristlet.


"Happy birthday iha!" sabi niya sabay kiss sa cheeks ko.



Agad ko namang hinanap si Mark. Nang mahagilap na siya ng mata ko, nginitian ko siya.



Alam kong siya ang may pakana neto. Sino pa nga ba?



Nagkaroon lang ng ilang short programs at kainan.


18 candles which includes 'yung video ni Via from California, 18 treasures at syempre 18 roses.



Si papa ang 1st rose ko, syempre tatay ko eh!



At sa laking gulat ko, nandun din si Jim.


Siya pa ang ginawa nilang 17th rose ko.


"Happy birthday, May."
sabi niya sabay abot ng rose.

At saka kami sumayaw.



"Thank you." sabi ko naman.


Ang awkward lang talaga.



"You made the right choice."
out of the blue na sinabi niya.


Tinignan ko lang siya with a what-are-you-talking-about-face.



"Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ka talaga ka special kay Mark. Now I don't have to worry about you anymore kasi alam kong hindi ka kailanman sasaktan ni Mark." sabi niya.



Di ko alam ang sasabihin ko.

Dapat ba akong maguilty at ni reject ko siya?



Tumawa siya ng mahina. "Alam kong nahihiya ka sa'kin at nag-aalala kung galit ba ako sa'yo o hindi." sabi niya. "Don't worry, di ako galit, at kailanman, di ko kayang magalit sa'yo."



"Jim..."
ang tanging lumabas sa bibig ko.




"Friends?" sabi niya sabay abot ng kamay niya para makipag-shake hands.


Nginitian ko naman siya at saka inabot kamay ko. "Bestfriends"


Timing din at tapos na ang kanta.


Nang mahawakan niya kamay ko, hinalikan niya ito then inabot niya 'to kay Mark.



I'm finally dancing with my 18th rose, my soulmate, my one true love. Ahihi! :">



"Happy birthday." sabi niya sabay abot ng rose.




NP: A Thousand Years by Christina Perri feat. Steve Kazee



The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart...


Hindi ko mapigilang di maiyak sa sobrang saya. "Thank you." I mouthed the words to Mark.


... beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?


But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow...





Nginitian niya naman ako. "Alam mo namang gagawin ko lahat para sa'yo. Sana napasaya kita."


One step closer...



"Higit pa sa happiness ang nararamdaman ko ngayon."
sabi ko.




I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you...



For a thousand years,
I'll love you for a thousand more...





"I love you."



Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this...



"I love you, Mark."




One step closer...



Hindi ko masukat ang nararamdaman kong saya ngayong gabi.


It's like a dream come true.



I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you,


For a thousand years
I'll love you for a thousand more...





I'm having a debut organized by Mark.



And all along I believed I would find you,


Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more...





And I'm having this slow dance with him tonight.



I'll love you for a thousand more...



I know there's no such thing as a perfect moment, but tonight was far by the perfect birthday ever.



One step closer...



I have everything I want here tonight.



I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you,


For a thousand years
I'll love you for a thousand more...




A debut, which was once just a dream.

My true friends who are always there for me, my family and soon-to-be family who are always there to support me.


A peaceful closure between me and Jim.




And all along I believed I would find you,


Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more...




And right in front of me, the man I love the most, the one who made this moment in my life possible.



My happiness.




My life. ^^



I'm so lucky to have him as my boyfriend.


**


Pagkatapos naming mag-slow dance di ko na napigilang di maiyak.

Niyakap niya lang ako. "Tahan na! Dapat nga tumawa ka diyan eh." sabi niya.


Pinunasan ko naman 'yung luha ko tsaka binatukan siya ng mahina. "Sinong nagsabing umiiyak ako?! Di kaya!"


"Itong si bheib oh, kinikilig!" pabiro niyang sabi.



"Che! Ikaw kasi eh! Bakit kasi kailangan mo pa akong paiyakin?"
Well of course, I meant it in a good way.



"E kasi nga mahal na mahal na mahal na mahal kita." sabi niya. "Gagawin ko lahat para lang maging masaya ka at matupad lahat ng pangarap mo, kasama na 'tong debut."



Niyakap ko siya ulit then I whispered, "Thank you, Mark. Di mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong gabi. Hindi ko kailanman makakalimutan ang gabing ito. I love you."



Then nagtilian ang mga tao sa loob ng dining hall.


Tinignan ko naman sina mama at papa, naka-poker face lang sila.



Bahala sila! Tonight is my night kaya choice ko kung yakapin ko man si Mark o hindi! Mwehehehe!


Bahala na kung paluin man nila ako ng tsinelas mamaya.


Anong magagawa nila eh mahal na mahal ko ang asungot na 'to.


After ng 18 roses, nagkaroon ako ng maikling speech.


I thanked everyone in the room and inexpress ko din kung gaano ako kasaya ngayong gabi.



--

Malapit na mag alas-4 ng umaga.


Nasa room ako ngayon, ilang oras din ang tinagal at di pa rin ako makaget-over sa surprise ni Mark sa'kin.



I messaged him.


"Alam kong nabibingi ka na sa ilang ulit kong 'thank you.' Pero uulitin ko ulit ito, THANK YOU FOR MAKING THIS NIGHT SPECIAL. THANK YOU FOR THROWING THE BEST BIRTHDAY EVER, I LOVE YOU, ALWAYS AND FOREVER. <3."


Then a smile formed my lips as I fell asleep.


Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon