Chapter 51: Locked in Love

2.4K 21 1
                                    

**CHAPTER FIFTY-ONE**

Ba't biglang nag-black ang screen ng phone ko?

Oh sht. Oh sht! Dead battery na'ko!!!

Paano ba iyan? Wala na ring battery ang laptop ko, pati cellphone ko naubos na rin 'yung battery.

Naiwan ko rin sa bahay ang mga chargers ko. Bwisit.

Peste talaga 'tong finals na 'to. Ang daming dapat tapusing projects and requirements before exams! E pwede namang after exams na lang ang deadlines di ba?

Tuso talaga ever ang mga professors dito sa G.U. Huuuuwaaaa!

Anong oras na ba?

Tinignan ko 'yung wrist watch kong antique. Bigay pa 'to nina mama nung High School graduation ko.

7:00pm

Amfufu. Dalawang oras na lang bago sumara 'yung University Library.

Nagmadali naman akong pumunta ng library.

Buti pa 'tong mga libro sa library walang battery.

Kaso mas madali nga lang mag-research sa net.

Nakakatamad talagang bumasa at mag-scan ng mga libro. Huuuu. Sana matapos ko lahat ng dapat kong tapusin in two hours.

After one billion years...

"Yes!!! I'm finally done!"

Nag-unat unat muna ako at niligpit lahat ng gamit ko.

I looked at my watch to check the time.

It's 10:00pm.

Okay, buti naman.

Wait.

O_o

o_O

O_____O

TEEEENNNNN??!!

Ohnoes! Lampas na ng closing time nitong library!

I checked around me kung may iba pang mga estudyante.

Wala!

I lost track of time while doing all my research papers! Sa sobrang dami ba naman!

Sht. Agad naman akong tumakbo papunta sa main door ng Lib.

Punyemas! Locked!

Napapadyak ako ng paa at ginulo-gulo ko ang buhok ko.

Ilang beses ko ring kinatok-katok ang pinto, hoping that someone would open the door from the outside. Pero sino ba namang matinong estudyante ang pakalat-kalat sa labas ng Library sa ganitong oras?!

Huuuu. Deds na ako. I'm trapped!

"Tumayo ka diyan."

Huuu?

Biglang lumundag 'yung puso ko nang makarinig ako ng boses.

Hay salamat! May sumaklolo rin sa'kin. Pero paano niya nalamang nakaupo ako sa sahig, eh nasa labas siya?

Kinatok ko 'yung pinto. "H-Hey, tulungan mo naman ako. Please?" sabi ko sa tao.

"Paano kita matutulungan kung pati ako na-lock din dito."

Ha? Ano daw?

Nilibot ko paningin ko sa buong library, at nung makalingon na ako, laking gulat ko sa nakita ko.

"M-m-maaaark?!"

Napatakip siya ng tenga sa pagkakasigaw ko.

Bwisit! Pag minamalas nga naman oh! Na-lock na nga ako dito, kasama ko pa ang kumag na 'to.

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now