Chapter 2: PDF

9.8K 100 1
                                    

**CHAPTER TWO**

Pagkalipas nga ng 8 minuto, ay nakarating na ako sa wakas!

I checked my phone kasi mukhang kanina pa 'tong vibrate ng vibrate.

Naku! 5 messages! 'Yung unang text ay galing kay mama,

"Nak, text ka agad pag nakarating ka na sa school niyo. Ingat & goodluck."

Ni-replyan ko agad si mama at baka magalit naman 'yun pag na-late ako.

"Opo madam. Kararating ko lang ng school at di po ako late. Thanks Ma! Mwah!"

Ang remaining 4 messages naman ay galing sa mga girlaloos ko.

From Via:

"May Luisa Ortaleza, saan na you? Dito na me! EXCITED to see you, Miss you! xoxo"

From Cristy:

"Hoy bruha, asan ka na? Late ka na oh!"

From Angie:

"May? Nandito na kami sa classroom, see you!"

From Chin:

"Hoy May! hahahahahaha!"

Napa-smile naman ako sa mga messages ng mga loka lokang 'to. Na-miss ko rin 'tong barkada ko.

Kamusta na kaya sila? Buhay pa kaya sila?

Sana naman di na sila tumangkad. Conscious kasi ako sa height ko eh.

Dati-rati, parang ako kasi 'yung pinakamatangkad sa aming lima, pero nang dahil hindi na ako umiinom ng Nido, nagkaroon ako ng growth gap kaya ayan, ako na ata ang pinakapandak sa amin. Huhuhu.

Nakaka-depress maging maliit.

Teka? Bakit height pinag-uusapan natin?

'Tong author na 'to talaga oh, sira ulo.

Oo nga pala, isa-isa kong ipapakilala sa inyo ang mga lukaret na ito.

(All the descriptions I'm going to provide about them will surely come in handy for the next chapters. Hehehe! (^^.)v)

Si Via, ang bunso sa'min. Ang pinakakikay at pinaka-rich sa buong barkada. Sobra kung ma-in love. Pinakamaiyakin, but the most fragile. Cute, bubbly and friendly kaya love na love ko 'to.

Si Cristy naman. Siya ang pinaka-prangka at pinakasuplada sa barkada. Love ko rin 'to kasi ang galing magbigay ng love advices. Kaya lang, di pa nagkakaroon ng boyfriend ever since. Sobrang bitter kasi pagdating sa mga lalaki. Ewan ko ba? Baka may lahing tibo? De, joke lang. ^^

Si Angie naman, ang pinakamabait sa grupo kaya love namin ang babaeng to eh. Tahimik palagi pero laging nakatawa. Siya ang pinaka-updated when it comes to new gadgets. Pwede kayong magpa-burn ng CD sa kanya for free. Siya rin lagi ang sponsor ng mga sound system ng batch pag may programs and parties. Astig!

At si Chin naman, siya ang isa sa mga pinakamatalino sa classroom, masayahin at madalas mag-joke kaya love ko 'to eh. Kung bitter si Cristy, mas bitter tong si Chin. Akala mo kaaway niya lahat ng mga lalaki. Baka maging matandang dalaga 'to pagnagkataon. Nakow! Huwag naman! Sayang lang ganda mo, girl!

Agad-agad naman akong pumunta sa classroom para makipag-kuwentuhan sa mga bruhang iyon ngunit sa sobrang excited ko ay may nakabangga ako sa lobby ng school.

Nahulog ang mga dala-dala kong libro at notebook.

Buti na lang at konti pa lang dala ko kasi first day of school pa lang.

Agad ko naman itong pinulot tsaka tumayo.

Nang tignan ko kung sino ang nakabangga sa'kin, nakita ko ang isang matangkad na lalaki na naka uniporme ng Grandville High. Moreno siya at medyo cute, opo, medyo lang.

Mukhang suplado 'tong lalaking 'to ah. Di man lang marunong ngumiti.

Bungi kaya 'to? Nakow. Sayang naman.

May inabot siya sa'kin. Ang dalawa ko pang notebook na nahulog.

"Ahh eh, t-thanks, and I'm sorry." ani ko sa kanya.

Wala man lang siyang sinabi. Tumango lang siya tsaka umalis. Tinignan ko lang siya habang naglalakad palayo nang biglang may tumawag sa pangalan ko.


"MAAAAY ORTALEEEEEZAAAAAA!"

Sino kaya iyon?

>____>

O______o

~~(♥m♥)~~


Si Jim my labs pala. ♥

Walang tigil ang ngisi ko nang lapitan niya ako.

"Jim, ikaw pala. Hehehe!" sabi ko.

"May naman eh, kanina pa kita tinatawag pero di mo naman ako pinapansin. May problema ba?" aniya.

"Ha? Sorry ha? May nabangga lang kasi ako." -

"Okay ka lang talaga? Sure ka?"

Hay Jim! Kaya kita crush na crush eh, masyado kang thoughtful and sweet! :"> Pwede ka bang ibulsa? Angkyoooot mo eh. ^^

"Okay lang sabi. Halika na! Punta na tayo sa classroom." sabi ko sabay hila sa kanya papunta sa classroom namin.

Pero kahit anong hila ko, di ako makaalis sa pwesto ko. Grabe, bigat ni Jim! Ano kaya kinain nito nung almusal?

"Jim! Halika na!" sabi ko ulit sa kanya.

He smiled at me and said, "Na-miss kita sobra!"

Nakow! Huwag kang ganyan, Jim! Parang matutunaw na ako dito oh.

"Ako rin naman. Miss din kita." kinikilig kong sabi sa kanya.

Ginulo niya 'yung buhok ko at hinawakan kamay ko.

"O-Oy! Jim!" sabi ko. "Bawal PDA!"

Tinawanan niya ako pero hindi pa rin siya bumibitaw.

"First day of school naman eh. Hayaan mo na. Tsaka hindi PDA tawag dito." sabi niya sabay kindat.

"Ha? E ano?"

"PDF." sagot niya.

PDF? Anong PDF?

"Portable Document Format?!" sigaw ko.

Does that even make sense?

Muli siyang tumawa sa sinabi ko.

Bakit ba? Di ba iyon naman ang meaning ng PDF?

Nang makarating na kami sa harap ng classroom, binitawan niya na 'yung kamay ko.

Humarap siya sa'kin nang nakangiti pa rin.


Sht. Gwapo mo talaga.


"PDF means Public Display of Friendship. Hindi pa naman tayo di ba? Kaya hindi sila pwedeng umangal kung hawakan ko man kamay mo o hindi." sabi niya.

Agad naman siyang pumasok sa loob ng classroom habang ako, naiwan dung nakatunganga.

Public Display of Friendship! Ano 'yun?

Shemsss! Kinikilig ako! Pwede na akong mamatay!

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWo Geschichten leben. Entdecke jetzt