Chapter 39: Gulat Here, Gulat There

2K 17 0
                                    







**CHAPTER THIRTY-NINE**




1



2




3




4





5





6





7






8





9




10...



10 monthsaries have passed.


It has been 10 months since I last saw Mark, since that last time I hugged and kissed him.



I miss him so much, I wanna die.



Our first few months away from each other have been real tough.



I've cried myself at night all the time.

Ever since I came to America, ang daming nagbago.


It seems like I started everything from scratch. Feels like I was born again which was really difficult for my part.


I came here without knowing anyone besides my family. I didn't have any friends.


Napakahirap kasi ang lungkot-lungkot ko all the time.




But going here has a lot of advantages as well.


After two months of staying in the States, nakahanap din ako ng trabaho in a fast food restaurant. I know it wasn't my dream job pero worth it naman 'yung pagtatrabaho ko dun.


Maliit nga lang ang sahod, pero compared to the Dollar-Peso currency, okay na okay na.


Iniisip ko na lang na I'm earning in pesos. Mwehehhe!


I even met a few acquaintances at work, but I don't really consider them as my close friends kasi ang tahimik ko sa trabaho.


Ako na ata ang pinakatahimik sa workplace namin.


E ano ba naman magagawa ko? Hindi ko mabuka-buka ang bibig ko kasi laging dumudugo ilong ko sa kai-Ingles. Jusko naman. Kayo kaya, try niyo.


Anyway, masaya ako kasi may trabaho ako, pero di pa rin ako kontento dahil di pa ako nakakapag-aral dito.

Di pa kasi ako pwedeng mag-aral this year.


Tuition for non-residents are tripled compared to those of resident students, so I've decided to enroll next year para maging resident muna ako dito.


Ang mahal kaya ng tuition no!



Back to reality na nga tayo.


Bakit kaya ang tagal-tagal mag online nung lalaking 'yun?



It's almost midnight na dito sa'min, so mga alas-tres na ng hapon sa Pinas.



What's taking him so long?


Napag-usapan kasi naming mag-Skype. It's our monthsary, and we were pretty busy recently kaya halos two weeks ko nang di siya nakakausap at nakikita sa monitor.


Miss ko na sobra ang mokong 'yun.




By the way, he was doing great in school.


Ang laking pagbago niya nung umalis ako.


He became serious with his studies and got involved in a lot of school activities.


I'm so proud of him!



Syempre, ako inspiration niya eh. Mwahahaha. Kupal.


E ano naman ngayon? Ako kaya girlfriend!







Tss. Kainip naman. Di pa rin nag-oonline si Mark.


Ano kaya magandang gawin habang naghihintay sa kanya?



Mag-swimming kaya muna ako? O di kaya mountain climbing? Pwede ring bungee jumping. Bored ako eh.




Alam ko na...




Ni-log in ko na lang facebook ni Mark.


Alam ko kasi password niya.



Kasi nga, girlfriend ako di ba? Di uso privacy sa'min. Meehehehe!




Boring naman ng newsfeed niya, puro babae naka-bikini.



Hehehe! Joke lang. De, puro game requests lahat. Aish.



Matignan nga profile niya.



Walang pinagbago since the last time I logged in his account.


Activity log...





O_O




What the?







Mark Manalo and Jessica Dy are now friends on facebook.





What the? What the?!




Bakit magkaibigan sila dito sa facebook?



(Remember Jessica? First love ni Mark dati? Remember?)





Sht naman Mark oh. Bakit sa dinami-daming pwede i-add bakit 'yung Jessica na 'yun pa?



Kabadtrip.




Bilisan mo na kasi mag-online Mark! Excited na akong awayin ka!





-_______-


Ughhh It's almost 2am, wala pa rin siya. Antok na ako.


Gusto ko ng matulog. Nubayaaan Mark. Leshe.



Papatayin ko na sana 'yung laptop, nang biglang.



*ding*




Pag minalas naman oh. Dun pa naisipang magparamdam ng mokong kung kelan naaantok na ako.



Tuluyan ko na sanang i-off ang laptop kaya lang...



Aish.



Matitiis ko ba ang isang 'to?





Tinignan ko 'yung chat niya.



'Hi bheib! Happy monthsary! Sorry po kung natagalan, may group project lang kasi sa school. Miss you.'




Tss. O di okay na lang. Tutal, group project naman daw eh. Aangal pa ba ako eh edukasyon na niya ang pinag-uusapan dito.



Ni-replyan ko siya. 'K lang.'



Kasi nga di ako galit. Swerte siya nakareply pa ako ng two words after niya akong pahintayin.




'Huwag ka ng magalit bheib. Please? Skype tayo? :)'



At ako nama'y pumayag din. Minsan lang mangyari 'to no.

Malay niyo, next month pa 'yung next time na pwede kaming mag-skype ulit, e sa sobra ba namang hectic ng sched ko sa work, isama niyo pa ang schedule niya sa school, hindi na kami nagkakaabutan.


Pag tulog ako, gising siya. Kung siya naman tulog, dun ako gising.


Hay, ang labo.


Parang 'Magkabilang Mundo' by Jireh Lim ang theme song naming dalawa.





After 5 minutes na conversation na halos puro 'Can you hear me?' ang pinag-uusapan namin, tumino rin sa wakas ang Skype.



"Hay! Sa wakas, naririnig na kita!" sabi niya sabay ngisi sa screen.


Miss ko na ang mukha ng hinayupak na 'to. Sarap lang kurutin eh.



"Oo nga eh." walang ganang sabi ko.



"Oh? Galit ka ba bheib?" tanong niya sabay pout.



Eh nagtatampo pa ako eh, and speaking of tampo...



"Bakit pala friends kayo nung first love mo sa facebook?" derechong tanong ko.




Sumimangot naman mukha niya sa tanong ko at napakamot ng ulo.

"Friends naman talaga tayo sa facebook di ba?" sabiniya.


Tinarayan ko lang siya. Tss. Bumabanat ba 'to? Corny ha.



"I'm serious, Mark." I said.



Napa-smile naman siya. Baliw.


"Ano?" tanong ko.




"Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi mo bheib, promise. Sino bang first love ha? E ikaw lang naman first love ko eh, and also my one and only love. You'll be my last love May." sabi niya sabay wink.



Tsk. Pa-cute! Bwisit!


'Wag kang magpadala sa da-moves niya'n, May.


Gumagawa lang 'yan ng paraan para maiwasan ang tanong mo.




"Upakan kita diyan eh." sabi ko.



"Oh? Sige nga? Abot mo ba?" pang-asar niya.




I just rolled my eyes.



"Taray naman ng girlfriend ko." aniya "Ano ba talaga ibig mong sabihin bheib?"



Huminga muna ako ng malalim. May tendency kasi akong mautal pag nagtatampo ako.



"Si Jessica." sabi ko. "Bakit kayo friends ni Jessica Dy sa FB?" tanong ko.




Natahimik naman siya ng ilang sandali sa sinabi ko.



"Ahhh. Si Jessica pala." sabi niya.



"Oo, why are you friends with her?"


Sa relasyon kasi namin, bawal makipagcontact sa mga exes, whether it's a past love or whatever, basta BAWAL!



Mapa-facebook man 'yan, twitter, tumblr, instagram, etc.



"Siya naman 'yung nag-add sa'kin bheib eh."




"In-accept mo naman? Psh."





"E kailangan eh. Classmates kasi kami."




Classmates kasi kami...


Classmates....


Kami...




Okay? So kelan lang naging magkaklase sina Jessica at Mark?


At bakit ngayon ko lang 'to nalaman eh matagal ng may pasok?



"Why didn't you tell me?"




"Last week ko lang nalamang nag-shift siya from Business Management to IT. Malay ko bang sa mismong section ko rin siya inassign?"




Ah ganon. So magkaklase talaga ang dalawang 'to?



Bili na kaya ako ng ticket?


Uwi na ako ng Pinas, now na! This can't be! Bakit sa dinami-daming course, IT pa!



"So muling ibalik ang tamis ng pag-ibig' ang peg niyong dalawa ngayon?" naiinis kong tanong.


Natawa naman siya sa sinabi ko. Sarap sapakin.



"Nagseselos ka ba bheib?" tanong niya nang nakangisi pa rin.



"Ba't naman ako magseselos? Duh?"




"Aba kung maka-duh. Nakatungtong ka lang sa America, natuto ka ng mag-duh ha."




"Pwede ba, wag mong ibahin ang usapan!"



Nag-peace sign naman siya. "Huwag ka na magselos, okay? Classmates lang kami at kahit anong mangyari, we'll never be more than that."



Never more than that daw.


Eh halos maging sila na nga dati eh.


Wait, di ko lang alam, baka naging sila talaga before, ayaw niya lang aminin! Amfufu.




"Oy nakikinig ka ba? Kanina ka pa diyang nakatulala't nakasimangot."




"Ah basta, bahala ka na diyan." sabi ko.



Umiling naman siya. "Huwag ka na sabing magselos. Just trust me when I say that you're the only one I love and no one will ever replace you here." sabi niya sabay turo sa dibdib niya.



Napahalf-smile ako dun. Buti na lang di niya nakita.


Kinikilig ako, oo. Pero nabwisit pa rin ako sa thought na mag-classmates sila ni Jessica.



May tiwala ako kay Mark. 'Yung sa babaeng 'yun, wala!




"Tss. Sabi mo eh." ani ko.




"Tama na nga 'yan bheib, wala ka rin naman mapapala sa kakaselos mo eh."




"Sabing di ako nagseselos eh!" sigaw ko.




Tumawa ulit siya. "O di hindi. Sabi mo eh."




Inirapan ko lang siya at nag-cross arms.



"Huwag ka ngang magtaray bheib, mas lalo akong naiinlove sa'yo eh." seryosong sabi niya.


Titig na titig talaga siya sa'kin. Namula tuloy ako.


Feeling ko kasi kahit ilang libong milya ang layo namin, parang kaharap ko lang siya.


Sobrang seryoso kasi ng mga tingin niya.



"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" mataray kong tanong.




"Ganda talaga ng girlfriend ko, pa-kiss nga."



Pinakita ko lang sa kanya yung kamao ko na naka-clenched. "Suntok gusto mo?"




"Tsk. Taray talaga." sabi niya ng nakangiti.


Di ko siya pinansin.



"Uy? Wag ka na ngang magalit. Wala naman akong may ginagawang masama ah?"



Anong wala? In-accept niya kaya 'yung Jessica na 'yun!


Big deal na 'yun para sa'kin!




"Ewan ko sa'yo."




"Ang labo mo namang kausap, bheib. Kung may kasalanan man ako, sorry na. Huwag na tayong mag-away. Minsan na nga lang tayo nag-uusap, mag-aaway pa tayo."



Natahimik ako sa sinabi niya.


Tama nga naman siya. We've been so busy with our own lives lately, at minsan na lang kami nagkakausap ng ganito katagal, 'tas mag-aaway pa kami ng dahil lang sa babaeng 'yun?



She isn't worth our time, so why the heck am I so bothered by her existence?




Huminga ako ng malalim. "K, fine." sabi ko. "Basta huwag na huwag mong sirain ang tiwala ko sa'yo."




"Syempre naman." sabi niya.




Mga halos tatlong oras din kami nag-usap. Kung anu-ano lang pinag-usapan naming dalawa. Everything under the sun kumbaga.



Na-miss ko rin ang mokong 'yun, parang ayoko ngang mag-offline eh kaso mapilit 'yun eh.


Ayaw niya daw akong nakikitang naaantok at napapagod. Asus.



--



Kinabukasan, back to normal na ulit ang lahat.


No more kilig moments kasi busy na ulit si Mark sa school at ako nama'y straight 5 days ang work.



Hay kapagod.




Ilang oras pa ba bago uwian?



Huuuuu. 2 hours pa. Bwisit.


Ang boring.


Napaka-slow ngayong araw na 'to. Monday kasi eh.



Narinig kong bumukas 'yung pinto.


Yes! May customer ding dumating.






"Good morning, welcome to McDollibee what can I get for- - - JIM?!"



Teka? Anong ginagawa ni Jim dito?! Paano niya nalamang nandito ako?!




"Uy! May! Long time no see, kamusta ka na? Anyare sa keep in touch mo ha?" lumapit siya sa front counter. "Ba't di mo'ko chinat simula nung nakarating ka dito? Ha? Ha?"



Si Jim nga ba talaga to? Bakit siya nandito?




"Ganun? Dinedma ako?" aniya.



I shook my head.


Baka nananaginip lang ako, pero kahit ilang beses ko pang i-wave back and forth, right to left ang ulo ko, nasa tapat ko pa rin si Jim.




"Para kang baliw." sabi niya sabay tawa.



"J-Jim? Ba't ka nandito?"




Iniistalk ba ako ng isang 'to? Di pa rin ba siya maka move-on?


Chos lang.



Pero 'yung totoo? Anong ginagawa ng isang to dito?!


Heeeeellooooo? Philippines- America?!



"Anong oras ka matatapos dito?"
tanong niya.




"H-Ha?"



"Tsk. Nakalimutan kong nasa-States pala tayo. Let me rephrase my question, when are you off?" sabi niya sabay wink.



Leshe. Landi pa rin ng isang 'to. Mwahaha!




"Ahh, hehehe, in 2 hours pa eh."





"Ganun ba? Okay, I'll wait for you then."




"Teka? Di mo pa sinasagot tanong ko! Anong ginagawa mo dito?!"




"Mamaya na natin pag-usapan 'yan. Take my order first, mukhang galit kasi 'yung manager mo eh."



"G-Galit?"



Tumango siya tsaka pinoint ang nguso niya sa direction ng store manager namin.



Nakatingin lang si Sir sa'min ni Jim, with matching kunot ng noo. Ohnoes.




Napilitan naman akong mag-smile. "He he he, ba't ngayon mo lang sinabing kanina pa siyang nakatingin?" bulong ko kay Jim.




"Oh ano? Will you take my order or not?"



Tumango ako. "What can I get for you...s-sir?"





Pilit namang pinigilan ni Jim ang tawa niya. Walangya talaga.



"Isa ngang, I mean, can you give me two cheeseburgers, one large fries and a regular Dr. Pepper." order niya.




After kong i-punch lahat ng order niya sa computer, "Alright, that brings your total to $6.45."



He swiped his credit card.

Wow sumusunod na rin sa uso ang lokong 'to. May credit card! Bongga!




I gave him his receipt. "We'll have your order ready in just a moment" At kinuha ko na 'yung mga inorder niya at inilagay sa paper bag.



"Everything's ready. Thank you, please come again." sabi ko.



Tinawanan niya naman ako. "Wow ha, scripted?"



Babatukan ko na sana siya kaya lang nakalimutan kong nasa trabaho ako at nasa America ako!

Baka kasuhan niya pa ako nito.



Kaasar kasi 'tong si Jim eh. Parang mushroom! Biglang sumusulpot!




"Sumakay ka na lang kasi sa trip ko." sabi ko. "Maghanap ka na dun ng upuan. Shoo!"



Tumango naman siya. "Okay. Basta after work, usap tayo ha?" at tuluyan na siyang naghanap ng mauupuan.



Talagang mag-uusap tayo Jim Alonzo!


Madami akong gustong itanong sa'yo!



2 hours...


Please hurry the freaking up!



------


A/N:

Thank you for reading! Please keep on supporting OA. Don't forget to vote/comment. Please?



Lovelots,

-Marielle aka hislastfirstkiss

Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now