Chapter 43: Five Words

2.1K 28 2
                                    




**CHAPTER FORTY-THREE**



It's 10:00pm of December 24.



Two more hours to go, pasko na dito. And here I am, bored to death sa katatrabaho.


Pambihira naman kasi, kahit holiday, bukas pa rin 'tong resto.




I wonder what Mark is doing right now? Online na kaya siya?


Excited na akong kausapin siya. Miss na miss ko na kasi 'yun.



E si Jim kaya?

Kamusta kaya pasko nun?


Pumunta kaya siya sa Space Needle kasama ni mama niya?



Sabi niya kasi sa'kin, kahit di ko raw siya samahan, pupunta at pupunta pa rin daw siya dun.



Naunahan niya pa ako ah.




"Hey, May." tawag sa'kin nung manager.




"Yes sir?"




"Looks like it's gonna be a slow evening tonight. Why don't you just go home and enjoy your first Christmas here in Seattle?" sabi niya.



Lumaki ang mata ko sa sobrang saya. "T-Talaga po? I mean, R-Really sir?!"




He nodded. "I'm gonna close the restaurant for now since nobody's coming in anyway."





Agad ko namang niligpit mga gamit ko at umuwi.



Bait ngayon ng manager ko ah. Mehehehe!





Nagulat sina mama kasi maaga ako umuwi. Andaming handa sa hapagkainan.



Weee, right timing, gutom na rin ako.





Time chek: 11:00pm. One hour to go!



Ni-log in ko muna facebook ko para makahagilap ng news sa Pinas.




Oh? May message ako galing kay Mark.





"Bheib, I'm out with my college friends. May party kasi ang isa sa mga kaklase ko at invited kaming lahat. Don't worry, I brought my laptop with me, kaya di mapapako pangako ko."




Madalas na ata ang pag-party ni Mark ah.

Kasama pa ang college friends niya, andun din kaya si Jessica?



Err. Erase! Erase!


Huwag mo na kasing isipin ang babaeng 'yun, nakakabad-vibes lang.


Magtiwala ka na lang kay Mark para walang problema.




At exactly 12am, nag-online si Mark. Grand entrance ang peg?




"Bheib! Merry Christmas diyan!" chat niya.




"Belated Merry Christmas. :)"




Then all of a sudden, biglang tumunog 'yung skype.



Mark wants to have a video chat with me. E di syempre, sinagot ko.




Ang tagal mag-load! Bwisit! Ang hina talaga ng internet sa Pinas.



Nang bumalik sa normal ang Skype, hindi ko makita si Mark.



'Yung mismong bed lang nakita ko. Teka? Bakit may kama? Nasaan si Mark?



Akala ko ba nasa party siya?





Di nagtagal ay nakita ko na si Mark, humiga siya sa kama.



Hello Mark? Tinawagan mo kaya ako? It's not the right time to sleep.




Umupo siya sa pagkakahiga at bigla namang...


Sht. WTF?



Anong ginagawa ng babaeng 'yun dun sa room kasama ni Mark?



O_________O




Hinubaran siya ng t-shirt nung babae at hinalikan naman siya ni Mark.




Sht Sht.





I can't believe this is happening. Ayoko nang makita ang susunod na mangyayari kaya in-end ko na 'yung video chat.



Napaupo ako sa sahig at walang tigil na humikbi.




Mga hayop. Mga walang hiya.





Leche ka Mark! Bwisit ka! Sarap mong ihagis sa dagat at ipakain sa mga pating!



May pa-promise2x ka pa, 'yun pala iba nang tinutuka mo!



Akala ko ba ako lang? Akala ko ba dapat kitang pagkatiwalaan? Pero bakit bigla na lang nagbago ang lahat?



Bakit mo'ko ginawang tanga, gago ka.



Gusto ko ngayong languyin ang Pacific Ocean papunta sa Pinas para lang pagbanggain ko 'yung mga ulo ng wala hiya na mga 'to.



Sht. Ang sakit.




Hindi ako makahinga. Iyak lang ako ng iyak. Nanginginig ako sa sobrang galit.



But I still managed to get my phone and dialed a number.



"Napatawag ka?"




"Jim... *sniff* Huhuhu."





"May? Umiiyak ka ba? Ayos ka lang?




"Jim...*iyak* I... need you... now. *hikbi*"



----



"May!" tawag sa'kin ni Jim.



Nang sinabi ko sa kanyang kailangan ko siya, agad niya akong pinuntahan sa bahay without any second thoughts.



"J-Jim...." nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. "J-Jim..huhuhu!"




"Ano bang nangyari?"






"S-Si Mark... niloko niya a-ako."



I told Jim everything.




"Gagong Mark na iyon ah! Di ko maisip na magagawa niya 'yun sa'yo!"




Kahit ako ganun din Jim.

Pero hindi pala totoo ang lahat ng nakikita mo.


Minsan, di mo alam, puro kasinungalingan lang pala ang ipinapakita ng ibang tao pag kaharap mo sila.



Ang sakit sobra kasi pinagkakatiwalaan ko talaga si Mark.

I gave him all my trust, gave him all my love, but he betrayed me in return.



Bakit niya pa ako kailangang lokohin?


If he's not happy, then he should've left, pero bakit kailangan niya pang ipakita sa'kin ang lahat ng kasinungalingan niya?



Why did he have to break my heart in fcking little pieces?



"Jim, ang sakit."



Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya.



"Tahan na. Wag ka ng umiyak, di mo dapat iniiyakan ang mga gagong katulad ni Mark." bulong niya.



Lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko.



"You're right." I cleared my throat. "He's not worth my tears but...." at humagulgol ulit ako sa pag-iyak.


"Ang sakit talaga eh. Bwisit. Ang sakit-sakit."




Hinawakan ni Jim ang batok ko at hinila papunta sa kanya. Nakasubsob ngayon ang mukha ko sa dibdib niya.



"Okay, binabawi ko na ang sinabi ko. Cry as long as you want, if that'll make you feel better."




"J-Jim, baka mabasa t-shirt mo." ani ko.



Rinig kong tumawa siya ng mahina. "Ang laki ng problema mo, pero inaalala mo pa rin t-shirt ko? Wala akong pakealam kung mabasa man t-shirt ko o hindi, ayoko lang makita kang umiiyak, May. Kaya ilabas mo na ang lahat ng mga luhang iyan ngayon."



Tumahimik muna kami ng ilang minuto.


Ganun pa rin ang position naming dalawa.



Iyak lang ako ng iyak at basang-basa na ang t-shirt ni Jim.



Nang naramdaman kong ubos na lahat ng luha ko, humiwalay na ako kay Jim.



"Tapos ka na ba?" tanong niya.



Tumango lang ako.




"Hmm, 30 minutes, not bad."



Hinampas ko naman siya ng mahina. "Anong 30 minutes! Over mo naman, ganun ba talaga katagal iniyak ko?!"




He gave me a wide smile then ginulo niya buhok ko.



Ano bang meron sa buhok ko at lagi niya na lang 'to ginugulo?



"Huwag ka ng umiyak ha?" sabi niya. "Ampanget mo kasing umiyak. Lumalaki butas ng ilong mo tsaka tumutulo sipon mo. Kadiri."




Inirapan ko siya. "Sobra ka na ha! Akala ko ba nandito ka para icomfort ako?! E ba't parang inaaway mo'ko?"




Tumawa siya. "Sinong nagsabing nandito ako para icomfort ka?"





"Ha?"





He leaned closer to me at binulungan ako. "I'm here to steal you from him."



Umatras ako ng konti. Lumaki 'yung mata ko sa sinabi niya.




"A-Ano?!"





Nag-peace sign siya sa'kin. "Just kiddin'." then sumeryoso ulit mukha niya.



"I don't steal other guys' girlfriends. But I'm willing to wait for the right time where I can be free to steal your heart without any competition."




I just looked at him with confused eyes.




Nginitian niya ako. "You don't have to comprehend everything I'm saying." sabi niya.




"Ha? Eh, Ano ka naman Jim, wag ka ngang mag-ingles, napakalalim mo eh!" wika ko.



Tinawanan niya lang ako. "Okay, e di huwag."




"Ano bang dapat kong gawin?" I changed the topic.





"I don't know. I'm not you, so paano ko malalaman ang dapat mong gawin?"





"What if you're in my situation? Will you still stay or leave?"




Ilang sandali pa ang nakalipas bago siya ulit nagsalita. "It depends." sabi niya.





"Pag mahal na mahal ko 'yung tao higit pa sa sarili ko, I'll probably stay kahit alam kong niloko niya na ako."




"That doesn't make any sense? Bakit ka pa magste-stay eh niloko ka na?"




"Alam mo naman pala ang sagot sa tanong mo eh, bakit kailangan mo pa akong tanungin?"





Napakamot naman ako sa ulo ko.


"Eh paano kung totoo 'yung sinabi mo, paano kung sobrang mahal na mahal ko 'yung tao higit pa sa sarili ko, will I be able to move on if I break up with that person? Will I ever recover and love myself more than anyone else again?"




Pinitik niya yung ulo ko. "Oo naman! Kung gugustuhin mo, bakit hindi?"




"Talaga?"





"Yun nga lang, di mo alam kung matatagalan ba o hindi."




Natahimik ako sa sinabi ni Jim. Ano bang dapat kong gawin?



Nasaktan ako ng husto sa ginawa ni Mark, gusto ko siyang hiwalayan, I admit.



But nasasayangan ako sa mga oras na magkasama kami. Sayang ang memories.



Pero ano?


Magpapakatanga na lang ba ako?


Paano kung mas higit pang panloloko ang maranasan ko sa kanya?




I don't want to feel pain anymore.

Ayoko nang saktan niya ako.


Tama na.



Yes May, tama na.




Once is enough. If ever I've decided to stay, hindi rin naman ako sasaya sa relasyon namin kasi doubts are continuously building up behind my mind.



I don't want to be in a relationship na puro lang pagdududa. Ayoko ng ganito.




Pagod na ako.





"I've decided." sabi ko kay Jim. Tinignan ko siya eye to eye. "I'm done."




---



Nag-usap lang kami sandali ni Jim at inihatid niya naman ako agad sa'min.





"Thank you sa time mo, Jim. Savior talaga kita."



Yes, savior talaga kita.


I mean it. Lagi kang nandiyan pag kailangan ko ng makakausap at makakaramay.

You're always there with open arms.



Alam kong ilang beses na kitang tinaboy at pinaasa pero di mo pa rin ako iniiwan sa ere. Thank you, Jim.




"Hanggang savior lang naman tingin mo sa'kin eh." mahina niyang sinabi sa'kin.


"H-Ha? Anong sabi mo? Sorry, di kita narinig."



Umiling siya. "Wala. Sabi ko, Merry Christmas."




I smiled at him. "Merry Christmas."

At sa laking gulat ko, he leaned closer and kissed me on the cheek.




Ako nama'y namula. Leshe Jim, brokenhearted ako ngayon oh, di ba obvious?

Pero bakit pinagtitripan mo pa rin ako?! Amfufu.


"Sorry, wala akong gift sa'yo ngayong pasko, kaya kiss na lang."



Hinampas ko siya ng malakas sa balikat. Napa-ow naman siya sa sakit.





"Brutal mo talaga!" aniya. "Oo nga pala, bukas na flight ko." sabi niya.



Ohnoes, nakalimutan ko.


Hanggang 26 lang pala dito si Jim. Ang bilis ng two weeks! Parang kelan lang 'yun ah.




Napapout ako. "Aalis ka na, wala na akong kaibigan dito. Wala na akong karamay."



"Tss. I'm just one text/call/chat away. You can talk to me whenever you want."





"Pero iba talaga pag nakikita kita at nakakausap face to face!" reklamo ko.




"Oh? May magagawa ba ako? Huwag kang mag-alala, I may not be with you physically, but in my heart and in my mind, nandiyan ka palagi."



Sht Jim. Bakit ba ang lalim ng mga pinagsasabi mo ngayon?

Tumatayo tuloy balahibo ko sa katawan, I can even feel butterflies in my stomach.




"Asus! Sweet naman ng bestfriend ko." sabi ko sabay siko sa kanya. "Mamimiss kita!" sabi ko.




"Mamimiss din kita." sabi niya.




"Huwag mo'kong kalimutan pag-uwi mo ha."





"Malabong mangyari 'yun. Baka ikaw ata ang makalimot eh."





Umiling ako. "Di no. After what you did for me, hinding-hindi kita makakalimutan ever. Promise."




Napangiti naman siya. "O siya, mauna na ako. Hinihintay pa ako nina tita eh."





"Okay. Ingat ka sa biyahe bukas ha."

Di ko na kasi siya mahahatid bukas sa airport kasi 4am flight niya, eh tulog pa ako during that time tsaka ayoko ng abalahin sina ate na ihatid ako sa airport ng ganun kaaga.




Niyakap ko siya for the last time. "Thank you ulit."




"Wala 'yun, basta ikaw. Mahal kita eh."




O_O



Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. "A-Anong sabi mo?"




"Wala." 'tas ginulo niya ulit buhok ko. Aish. "Alis na ako. Ingat ka lagi. Bye." at tumalikod na siya.



"Bye Jim. Ingat ka." sabi ko naman. Di ko alam kung narinig niya ba 'yun o wala.




Mamimiss ko rin ang isang 'yun. Two weeks kang siya nandito pero andami nang nangyari.




Pumasok ako sa loob ng bahay at agad ni-log in 'yung facebook ko.




Pinag-isipan ko na 'to ng mabuti kanina.



I think this is the right thing to do.


I typed these words:





"I'm breaking up with you."



After ilang ulit kong basahin ang deadly 5 words na 'to, I hit send.



I don't want to hear from him again so I blocked him on facebook,



No...



Actually blocking him doesn't solve the problem.



I deleted my facebook as well as my Skype account.



I deleted his number, torn our photos that I have brought with me.



Niligpit ko rin si 'Snowy', ang stuffed
toy na niregalo niya sa'kin.


I kept it in my sister's basement where I can't see it.


Okay, it's official. We're over. I'm single.


I need to move on with my life.


RIP August 14,2008 - December 25,2013




----

A/N:

Please vote/like/comment. Thank you very very very very much! xx



Opposites Attract (COMPLETED) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon