Chapter 11: Jelly?

4.5K 54 0
                                    




**CHAPTER ELEVEN**



Nakauwi na rin ako ng bahay.

Katatapos lang naming mag-practice ng Interpretative Dance para sa Linggo ng Lahi.

Napag-isipan kong maligo muna bago gawin ang mga assignments ko kasi amoy pawis na ako.




Pagkatapos kong maligo at magbihis, agad akong gumawa ng mga assignments, kaya hinanap ko 'yung cellphone ko.


Nandun kasi lahat ng notes ko at list ng assignments na naka-save sa drafts ng notes ko.




"Nasaan na ba 'yung cellphone ko?" Naiinis kong tanong sa sarili ko.


Hinalughog ko ang buong kwarto para lang mahanap ang cellphone ko, di ko naman pwedeng tawagan 'yun dahil naka-silent lagi, e di useless lang.



Kahit kelan, makakalimutin talaga ako!

Buti na lang at naalala ko na nasa bag ko lang pala 'yun the whole time at di ko man lang ginalaw ni once ngayong araw.



Binuksan ko 'yung cellphone ko at nakitang may dalawang unread messages ako.





Galing lahat kay Mark.







First message:

"May, sorry kung bigla akong nawala kanina sa school. May emergency lang kasi, yung 'lil sis ko kailangan ang tulong ko. Di ko naman matanggihan, kaya pinuntahan ko siya."



Second message:

"May? Galit ka ba?"







Ewan ko ba kung bakit wala ako sa mood makipagtext ngayon kay Mark, kaya hindi ko na lang pinansin mga messages niya.

Instead, ginawa ko na lang mga assignments ko.

Yung "spark" namin, bigla na lang naglaho. Bakit kasi masyado akong assumera?

Sana di na lang ako naniwala sa mga pinagsasabi niya nung isang gabi.


Nag-expect pa naman ako more from him, akala ko nga mas hihigitan niya pa yung effort na pinapakita ni Jim.

But I guess, I was wrong. Hanggang salita lang naman siya.



Kaya bukas na bukas, tatapatin ko na siya. Babawiin ko na yung sinabi ko sa kanya, hindi na ako magpapaligaw.

Hirap na kasing umasa. 'Yan tuloy, nagmumukha akong assuming at tanga. Ugh!


Ang bilis mo talagang magpaloko May! Hay nakow.



Napag-isipan ko na lang na huwag na lang muna tapusin mga assignments ko, weekend naman bukas, kaya marami pa akong time na gawin ang lahat ng 'to.



Di rin naman ako makakapag-concentrate ng mabuti dahil laging sumusulpot sa isipan ko ang mga araw na hindi pumapasok ng paaralan si Mark.

Sa ngayon, gusto ko lang talaga matulog.






Kinabukasan, pumunta ako sa school dahil may practice kami ng sayaw.

Kasama ko rin sa sayaw sina Via at Cristy. Sina Angie naman at Chin, di sumali kasi di naman sila mahilig sa mga ganitong activities, medyo may pagka-boyish kasi 'yung dalawang yun.



Habang hinihintay namin ang iba pa naming kasama sa sayaw, nagulat ako nang nakita kong nandito si Mark.



"Vi, anong ginagawa ng Mark na yan dito?" tanong ko kay Via na parang may halong pagkairita.



"Kanina pa siya nandito. Di mo ba siya nakita sa Kasachi kanina?" sagot ni Via





Kasachi pala yung pangalan ng lugar kung saan laging tumatambay ang buong tropa namin.

When I say, buong tropa, I meant buong batch ng Second Year.


Masarap kasi ang pagkain dun kaya lagi naming binabalik-balikan, hanggang napag-isipan namin na 'yun na lang ang gawin naming tambayan.



"Hindi eh. Dumiretso na ako dito sa gym, di na ako dumaan dun." sagot ko sa huling tanong ni Via



"Ah ok. Madaming tao dun. Nandun nga si Jomel eh!" kinikilig na sinabi niya. "Nandun din si Jim mo! Uyyyy!" dagdag pa niya.



"Ewan ko sa'yo!"





Tumingin uli ako sa direksiyon ni Mark at bigla namang napakunot ang noo ko.




"Anong ginagawa ng babaeng yun!? At tumatawa pa ha! Ang arteee. Grabeee!" bulong ko sa sarili ko.



Kahit kelan talaga, sobrang pa-close 'tong si Krisha sa mga boys.

Nakakairita silang tignan! Sarap sapakin eh!


"PDA ng PDA, di naman bagay. Pwe! Sumbong ko sila sa principal niya'n eh." dagdag ko pa.



"Hoy! Anong binubulong-bulong mo diyan?!" biglang tanong ni Via sabay batok ng mahina sa ulo ko.



"WALA!!!" sagot ko.



"Ang suplada neto! Nagtatanong lang eh, tara na nga, practice na daw tayo."





Tatlong oras din ang tinagal ng practice namin at inaamin kong di ako makapag-concentrate dahil si Krisha ang nagtuturo ng dance steps namin and at the same time, pinapanuod kami ni Mark.

Sobrang nakaka-bad vibes talaga 'tong dalawa!


Ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko.


Wala naman akong karapatang magalit o magselos pero....



Hoy May! Hindi ka nagseselos no!

Talagang naiinis ka lang sa mga babaeng malalantod at lalo na sa lalaking nangangako sa'yo, tapos napapako lang!



UGH!





"Uy! Ano nangyayari sa'yo ngayon May? Ok ka lang?!" tanong ni Cristy habang inaayos mga gamit niya sa bag.



"Nagseselos lang 'yan..." bigla namang nadulas dun si Via, pero bago pa makahalata si Cristy, binawi ni Via yung sinabi niya. "Este, nagseselos siya sa'tin kasi naman ano, k-kasi di siya masyadong makasayaw kanina dahil..."



Pero bago pa makatapos si Via, nagsalita na ako. "PMS lang 'to. Wrong timing nga eh."



Natawa naman si Cristy at tinignan lang ako ni Via na parang may halong 'muntik-na-tayo-dun-look'.





Pagkatapos naming mag-ayos ng gamit, niyaya ako nina Via at Cristy na kumain muna sa Kasachi.



Nakita ko namang sumusunod si Mark sa likod namin kasama pa 'yung iba naming classmates na kasali rin sa sayaw.



At siyempre, katabi niya na naman si Krisha sa paglakad.




Nakarating na kami sa Kasachi.


Medyo marami ngang tao at nakita ko rin dun si Jim, kasama sina Dan at Jacob, mga kaklase ko rin.


Buti pa 'tong si Jim, kahit di niya ako laging sinasamahan, at least di nakikipaglandian sa ibang babae.



Aish. Ano ba 'yan, May! Erase erase na nga muna lahat ng chuvaness na 'yan sa isipan mo.


Mag-concentrate ka na lang muna kay Jim, kasi siya yung seryoso sa'yo, di tulad nung Mark na 'yun.




Pa-simple akong lumingon sa likod upang makita ko kung nandun pa si Mark, pero wala na.


Nasaan naman kaya 'yun?

At di na nakakagulat na pati si Krisha di ko na makita.


Nawala silang dalawa.

Ba't di kasi ako mapakali? Nakakainis!




Napansin siguro ni Via na parang may hinahanap ako kaya binulungan niya ako, "May, nasa labas lang si Mark kasama sina Joe, Jomel at iba pa nating classmates."



"Hindi ko naman siya hinahanap eh."
Bulong ko rin sa kanya.



Tinignan lang ako ni Via na puno ng pagdududa at may halong 'weh-di-nga-look'.



"Vi, nakita mo ba si Krisha?" tanong ko sa kanya.



"Nakauwi na."





Nakauwi na pala si Krisha. Malamang.

Malapit lang kasi bahay nila sa school, tsaka lagi naman 'yung tinatamad tumambay dito eh.



Lumingon muli ako sa direksiyon kung saan nakaupo sina Jim.

Kanina pa pala siya nakatingin sa'kin.

Nginitian ko lang siya at umupo sa bakanteng upuang katabi niya.


Opposites Attract (COMPLETED) TagalogWhere stories live. Discover now