Timeless I: SYNOPSIS

7.4K 211 13
                                    

SYNOPSIS

Si Kit Perez ay isa lang ordinaryong lalaki na palangiti. Nakuha ang atensiyon niya ng isang lalaki na sobrang tahimik at kinatatakutan ng mga estudyante, ang anak ng mafia, si Rui Teru.

Nagsimula ang lahat sa paglilinis ng classroom, napapansin ni Kit na hindi naman ganoon kasama si Rui.

Sa mga araw na kinukulit niya ito para maging kaibigan ay biglang sumulpot ang dati niyang kasintahan na para bumalik ang lahat ng mga ala-alang nais na niyang kalimutan at dito na nagsimula ang pagkakaibigan nina Kit at Rui.

Sa pagdaan ng mga araw ay naging malapit sila, nahulog si Kit pero pinigilan niya dahil mali ’yon, maling-mali ang mahulog sa isang kaibigan lalong-lalo na’t hanggang kaibigan na lang talaga.

Sa hindi inaakalang pangyayari ay nagtapat si Rui sa kaniya ng hindi niya inaasahan. Isang pagtatapat na hindi niya alam na sa kalungkutan pala patungo.

Mga hamon na darating, magkasamang haharapin ng hindi sigurado. Sa mundong may hindi sang-ayon, sa mundong hindi pa kayang ipaglaban, ang katatagan at ang pagmamahalan ang susubukin ngunit…

… isa sa kanilang dalawa ang bumitiw at hindi alam ng isa ang rason kung bakit.

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now