Warning:38

1.3K 45 0
                                    

Chapter 38

This happened after their encounter at the bar.

Zanchi’s POV


Hindi ko na nagawang makauwi sa sarili kong bahay dahil sa tuwing tatangkain ko ay siya namang pag-aabang ni Lucien sa may labasan ng bahay. 

Daig pa ang bodyguard ah?

Don’t tell me mag a-apply ka rin?



Hanggang sa dumating ang isang araw na hinarap niya ako nang tuluyan. Good timing dahil umalis sina mama at papa for business matter.



“Subukan mong iwan ako! Lilipad talaga ako paalis dito at mags-stay sa Canada for good!” I glared at Aliyah pero naiiling lang siya.


“As if you can leave your love ones here?” She just turned and faced the door.

“Aliyah! Grabe ka sa 'kin!”



“Busy ako ngayon. I’ll go to the authorities. Hindi ko inaalis sa isip ko 'yang babaeng gumugulo sa kaibigan ko. Mahuhuli rin natin siya. Huwag kang mag-alala.”



Bumaba ako para kumuha ng makakain. Dahil sa gutom ako ay nawala sa isip ko ang isang bagay—ay tao pala.



“Late ka ba nagising para ngayon lang kumain?” Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa narinig ko. Nilingon ko siya habang nakakunot ang noo ko. Nakatayo siya sa malapit sa refrigerator, ilang metro lang ang layo niya sa akin. Kahit kailan talaga pasulpot-sulpot ang isang ito. Ang bilis kumilos. “Hanggang kailan mo kaya kayang panindigan ang pag-iwas mo sa akin?” muling pagbato niya ng tanong sa akin.



Wala naman itong pakiramdam. Nakita nang hindi na maawat ang mga internal organs ko sa paglilikot dahil sa kaba! Huwag mo lang subukang lumapit at baka makalimutan kong kailangan kitang iwasan at layuan.



“You keep on forcing me to let you go and run to other girls. Sa tingin mo gagawin ko ang ginawa mo? Ang sabihing may mahal kang iba? Gusto mo rin bang makita na may kasama akong ibang babae at sabihin hindi na kita mahal dahil may iba na ako?”


Huminga ako nang malalim para mapakalma ang sarili ko. Kailangan kong tatagan ang loob ko, baka mapaluhod ako dahil sa panghihina. Tila mga putok ng bala ang tumama sa aking katawan at tumagos ito hanggang sa aking likuran.



Hinarap ko siya. Natulala na naman ako sa taglay niyang katangian. Kahit na bagong gupit siya ay lalong nakadagdag sa pagiging manly niya. Mas maganda siguro kung walang benda ang kaliwang mata. 



Sana gumaling na ang sugat niya.



“Tama na, Lucien. Kung ayaw mo akong mahirapan, sundin mo na lang kung ano ang dapat na gawin.”


“Bakit? Tama ba na ang paglayo natin sa isa't isa ang tanging paraan?” Napapikit ako upang pigilan ang namumuong mga butil ng luha sa aking mata na nakahanda nang bumagsak at basain ang nanunuyo kong pisngi at labi. “Zanchi, hindi ako aalis kahit ipagtabuyan mo ako. Kung pagod ka na, ako naman ang lalaban. Paulit-ulit akong babangon at lalaban para sa relasyon na ito.”



“Naiintindihan kita, marahil naalog lang 'yang ulo mo at mawala ang pag-unawa mo sa mga bagay na dapat ay iniintindi mo dahil iyon ang tama.”



“Hindi kailanman magiging tama ang paglayo ko sa 'yo, Zanchi! Bakit mo ba ginagawa ito sa akin!?” Hindi man siya nakasigaw kung magsalita, ngunit ramdam ko na naiinis siya sa ikinikilos at ang pakikitungo ko sa kaniya.



Akmang lalapitan niya ako pero kaagad akong umatras at aalis na sana, ngunit naramdaman ko ang pagluhod niya sa sahig. Nang tingnan ko siya ay nakahawak siya sa kaliwang mata niyang may benda. Lumapat ang aking palad sa pisngi niya at hinarap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa buong sistema ko.



“Bakit..ang init mo? May lagnat ka ba?” sunod-sunod kong tanong, pero nanatiling siyang nakayuko. “Kinakausap kita! Nakain mo ba 'yang dila mo para hindi mo ako sagutin?”



Naramdaman ko ang marahang pagbalot ng kamay niya sa aking katawan. Inilapit niya ang ulo niya sa akin at ipinatong sa aking balikat, tila ipinahinga niya ito roon.


“Huwag mo na akong itulak palayo, Zanchi. Ang sakit na.”



“Lucien—” Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang tuluyan siyang bumagsak at nawalan ng malay.



--



Naka-cross arms pa si Aliyah na nakasandal sa pader habang tinitingnan ang ginagawa ko sa lalaking natutulog sa aking kama rito sa kuwarto. Kauuwi niya lang galing pulisya, at sa iba niyang pinagkakaabalahan. Ang sabi ko ay tulungan niya akong asikasuhin si Lucien na may lagnat, pero nakatingin lang siya sa amin. Ang galing mo r’yan, friend!

“Alam mo kung nandito lang sina Niall, Ruce, at Frank, naku! Sinasabi ko sa 'yo!”



“Ewan ko sa 'yo, tulungan mo nga akong palitan ito ng damit....”



“Tumulong na ako! Duh! Ako ang bumili ng mga gamot kanina sa pharmacy. Kaya mo na 'yan.”


Aba! talagang sinusubukan ako nito. Hindi bale, mukhang maayos lang naman kung hindi na magpalit ng damit si Lucien ngayong gabi. Magiging maayos din siya bukas ng umaga.



“Paano kung malaman mong... hindi na nakakakita si Lucien? Sabi ng doctor niya, may mga komplikasyon itong nakita. Nangangamba man, naniniwala kami na maayos ang operasyon, pero may parte na hindi tayo sigurado.”


“Ano’ng ibig mong sabihin?”



“Sinasabi ko lang iyon para aware ka. Patuloy mo pa rin bang siyang iiwasan? Kahit alam natin na sa tuwing maglalapit kayo ay siyang pag-aalab ng apoy sa dilim; apoy na tutupok sa inyong dalawa at tuluyang mawala. Hindi natin nakikita si Raelle. Hindi natin alam kung ano’ng gagawin nitong hakbang para lang mapaghiwalay kayo.”



“Hindi ba’t maganda na iyon upang hindi na niya makita ang pagkawala ko? Aliyah, alam mo kung gaano kalaki ang galit sa akin ng kasintahan ni Lucien noon. Ngayon pa na may kakaibang kapangyarihan ito.”



“Lumalaban si Lucien para sa 'yo, at sana nakikita mo iyon,” seryosong sabi ni Aliyah sa akin. Napatingin ako sa maamong mukha ni Lucien na natutulog ngayon. Napansin ko ang kaliwang kamay ko na hawak-hawak niya. Nagtataka man kung paano niya nahawakan iyon ay walang sabi ko itong hinawakan nang mahigpit pabalik.

At sa gabing iyon. Nagpasya akong kausapin sila tungkol lay Raelle. Hindi man makapaniwala sa nilahad ko, pero nakahanda silang tulungan ako. Ang plano na hindi ko alam kung magtatagumpay at maipapanalo ko.


*38*

Follow me SiriusLeeOrdinary
Comment nor violent reaction?

A/N: Last two chapters is approaching! I'm thinking about the epilogue, if they can achieve the 'happily ever after or nah?

Salamat sa pagbasa!

Let's be friends on Fb guysieuu!
Fb acc: Speaksirius Lee < 3

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now