Warning: 19

1.6K 59 4
                                    

Chapter 19

Zanchi’s POV

Ang ending ng aking oplan takas ay…

nganga.

Nakakulong muli ako sa apat na sulok ng madilim na kuwarto ni yawa. Nakaiinis! Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko. Mababaog yata ako rito nang wala sa oras! Gusto ko pang maka-graduate! Mama!

Gabi na nang nakauwi kami. Dahil ayaw kong sumama pauwi ay kinaladkad niya ako, at nagtatatalon sa mga sanga ng puno. Peste kasing yawa at gusto niya akong kargahin na lang para mabilis, ayon sinipa ko ang kaniyang hinaharap. Ang resulta ay lumipad na talaga kami sa ere nang hindi ko namamalayan dahil natulala na lang ako na tila naiwan ang utak ko sa mga sanga ng puno at sumabit doon.

“Huwag nang matigas 'yang ulo. Kumain ka na at magpahinga,” utos niya habang nasa banyo at naliligo.

Hindi na ako sumagot at isinubsob ko na lang ang ulo ko sa may lamesa, hanggang nakatulog nang hindi ko alam, marahil ay pagod. Loka-loka kasi, ilang kilometro ang nilakad ko sa ilalim ng tirik na araw! Strong pagkatapos lampa? Liar ka pala, girl!?

Pagdating ng umaga, napabalikwas ako ng bangon dahil sa nakasisilaw na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagdasal muna ako at nagpasalamat dahil nagising ako, pagkatapos ay nag-ayos ng sarili.

“Ang baho ko na pala!”

Lumabas na ako ng kuwarto, at ng pagkasara ko ng pintuan ay napakunot ako ng noo. Sa may kusina ako nakatulog ah? Ano’ng oras na ba? Sobrang tahimik ng paligid, nakabibingi. Ni ayaw kong huminga, baka may kung ano’ng nilalang ang nasa paligid. Kay aga-aga kinakabahan ako nang ganito.

Pumunta na ako sa may banyo. Ang lagkit na ng katawan ko. Ang baho ko na. Ugh! Nakahanda na rin ang gagamitin ko. Akmang maghuhubad na ako nang mapahawak ako sa aking leeg.

Bakit pakiramdam ko nakahalik pa rin siya roon? Ang malambot na mainit niyang labi na dumapo sa balat ko. Pakiramdam ko gusto ko pang—tsarot. Maharot ka, self!

Hindi niya raw ako pinagsamantalahan! E bakit kung makahalik akala mo—peste!

“Ahhhhhhh!” sigaw ko dahil sa gulat sa pag-alala ko sa halik niya na tila nawawala ako sa katinuan!

Wala sa sarili kong kinuha ang isang tabo na may tubig at ibinuhos sa sarili kong katawan. Kahit na may damit pa ako ay nanuot pa rin ang lamig sa buong katawan ko. Instant ice bucket challenge lang. Bakit ba ang lamig ng tubig dito!? Ugh!

“Ay pahalik nga! Puta naman yawa!“ sigaw kong muli at napaatras.

Nauntog pa ako sa haligi rito sa banyo dahil kamuntikan pa akong madulas dito sa loob. Mabuti na lang at napakapit ako sa dingding.

Paano ba naman ay biglang bumukas ang pinto nitong banyo! Bakas ang pagkasira ng kandado nito sa loob. Wala akong pakialam kung sirain niya ang gamit niya rito sa loob ng bahay niya, pero napakabastos naman kung gagawin niya itong pagbukas niya ng pinto habang nasa loob pa ako! Paano kung hubo’t hubad ako! Gigilitan ko ng leeg ito e!

“Tang-ina naman!“ inis kong sabi at nangangatog na niyakap ang sarili ko.

“Bakit ka ba nasigaw r’yan!? Ano bang nangyari bakit—”

“Labas na,” malamig kong sabi at tinalikuran siya. Napadasal ako nang wala sa oras.

Paano ba naman, naka-topless lamang ito! Kay aga-aga magkakasala ako! Napakaguwapong modelo nito kapag nagkataon. Halatang galing sa pagsisibak ng ilang kahoy na gagamitin sa panggatong. Pawisan ito at kumikislap pa ang butil ng pawis na lumalandas sa katawan nito.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now