Warning: 21

1.6K 54 7
                                    

Chapter 21


Third Person’s POV

Hindi maipinta sa mukha niya ang tuwa sa nangyayari sa kaniyang katawan. Sobra ang lakas at pagkamaliksi niya. Ang pagiging matalas ng kaniyang pandama, pandinig, maging ang paningin.

Nakangiti siya hindi dahil sa nararamdaman na saya. Ang kahulugan ng mga ngiti na nakapinta sa kaniyang labi ay walang iba kung hindi ang paghihiganti.  Hindi na niya inisip ang magiging resulta ng pagtanggap niya sa kapangyarihan na ipinagkaloob sa kaniya ng amang hari. Desperado na maibalik at makuha niya ang kaniyang kasintahan sa piling ng isang normal na tao.

“Hindi ako makapapayag na mapunta sa kaniya si Lucien. Ngayong may kapangyarihan na ako, gagawin ko ang lahat!” sigaw ng dalaga habang nakaharap siya sa malaking salamin upang harapin ang bago niyang pagkatao.

Ngunit ang paggawa niya ng pansariling desisyon ang hindi makakatulong sa kaniya. Hindi mangyayari ang kung ano’ng nasa isip niya dahil nalinlang lamang siya ng amang hari. Mali ang pagpili niya, ang unahin ang emosyon kaysa sa pagsunod sa kaniyang isip.


--


Muntik nang mahulog sa kinauupuan si Siwon sa ibinalita sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya sa ama ni Zanchi. Buhay ang taong pinakamamahal niya.

“Bukas na bukas ay ihahanda ko ang lahat ng kailangan natin. Maari ko po bang mahingi ang kanilang lokasyon?” tanong ng binata.

“Ano’ng lokasyon? Pupuntahan mo sila?” tanong muli sa kaniya ng ama ni Zanchi.

“Gusto ko pong iligtas si Zanchi gamit ang mga kamay ko at puwersa na mayroon ako,” kaagad na sagot ng binata.

“Huwag! Delikado 'yang gagawin mo! May kasunduan kami na ibabalik nila ang anak ko rito sa—” Tinapunan niya ng tingin ang matanda dahilan upang matutop ang bibig nito at hindi na maituloy ang sasabihin.

“I’ll gladly sacrifice my life. Just have faith in me. I will bring back Zanchi, safe and sound,” buong sensiridad na sabi ng binata.



--



Sa kabilang banda ay hindi pa rin matigil sa pag-iyak ang ina ni Zanchi. Noong una na nalaman nilang patay na ang anak dahil sa hindi mahanap nitong bangkay ay halos gumuho ang mundo nilang pamilya, ngunit ngayon ang pagluha niya ay nangangahulugan ng pag-asa; pag-asa na mariin niyang ipinagdarasal.

Kung naging balanse lang ang paghihigpit nila sa anak, malaya itong nakakikilos, at may pantay na atensyon, marahil ay nasa maayos itong pamumuhay ngayon sa tabi nila, ngunit hindi, mali sila.  Nasasaktan sila dahil sa mga maling hakbang nila para mapalaki ang nag-iisang anak. 

Ang dulot ng lahat ay ang takot na nagbabadya na dumating na ngayon, ay sumampal na nang tuluyan sa kanila.

“Rafael, siguraduhin mong ligtas na maibabalik dito ang anak natin,” seryoso niyang sabi sa asawa na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana kung saan tinatanaw nito ang madilim na paligid ngayong gabi.

“Pangako. Hindi ko na hahayaang masaktan nila ang kahit sino sa pamilya ko, hinding-hindi na,” saad ni Rafael.

“Pasensya na kung sobra ang paghihigpit ko sa ating anak. Hindi ko inisip na nasasakal na ito kung kaya’t may galit na ito sa atin at nagawang suwayin tayo.” Matinding kirot ang naramdaman ng matandang babae sa tuwing naaalala niya ang anak.

“Wala na tayong magagawa. Hindi natin mapipigilan ang anak natin. Aminin natin na nagkamali tayo kung kaya’t wala siya ngayon sa tabi natin.”

“Kausapin mo ang kapatid mo. Si Rufino, magkapatid pa rin kayo kahit na isa na siyang aswang. Humingi ka ng tulong sa kaniya! Baka mapagbigyan ka niya na ibalik ang ating anak sa atin.” Mahigpit siyang humawak sa braso ng asawa na seryosong nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang mansyon.

“Hindi na siya ang kapatid ko. Nagbago na si Rufino. Masyado na siyang nalason ng kung ano’ng naghahari ngayong kapangyarihan sa kaniya. May hindi ordinaryong abilidad sa sistema niya,” paliwanag ng matandang lalaki.

“Iyong pamangkin mo—iyong nag-iisang anak ni Rufino. Hindi ba’t naiwang ulila iyon? Maari mo siyang kausapin, kausapin mo! Humingi ka ng tulong sa ama nito na si Rufino!”

Hindi alam ng pamangkin niya na si Rafael Yco na Gobernador sa kanilang probinsya ay kamag-anak nito. Nagkaroon ng ideya si Rafael. Natatandaan niya na minsan nang nagpunta ang pamangkin ilang taon din ang lumipas. At kani-kanina lang, nagtagpo muli sila, pero halatang itinakwil na siya ng pamangkin dahil sa pagbalewala niya rito nang humingi ito ng tulong upang tulungan ang ama nito.

Ang kapangyarihan na mayroon si Rafael sa gobyerno ang naging dahilan upang kalimutan niya ang lahat ng mayroon siya, noong wala pa siya sa pamahalaan. Tinalikuran niya ang lahat pati ang sariling pamilya, at nagpakalayo-layo. Ginawa niya ito para  na rin sa kaligtasan ng lahat.

Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga dungis at katiwalian na mayroon ang pamahalaan, kung kaya ginawa niyang maliit ang kaniyang buhay upang walang buhay na madamay, gayong matagal na siyang pinag-iinitan ng ilang tao dahil sa mga ipinapatupad niya sa bayan na tinututulan ng ilan, ngunit may maganda rin na dulot.

Hindi alam ng anak ni Rufino na kapatid ni Rafael na may kapamilya pa ito. Gusto man na tulungan ni Rafael ang bata, ngunit takot siya sa magiging resulta, gayong ang kapatid niya ay sumapi na sa mga grupo ng hindi ordinaryong tao. Hinayaan na lang niya ang pamangkin. Inisip niya na mas mabuting magkunwari na hindi niya kilala ang tinutukoy nito.

Kapag inilayo ang silab sa mga bagay na nakapaligid dito, walang madadamay.

Lumayo si Rafael sa kadahilanan  na kapag siya ay pinag-initan ng mga kalaban niya sa gobyerno, maliit lamang ang magiging gulo; walang ibang madadamay at masasawi ang mga buhay, ngunit dahil sa nangyari sa kaniyang kapatid at sa nag-iisang anak niya, maging ang mga aswang ay magiging kalaban na rin ng pamilya niya.


--


Natulala sa kawalan si Ruce sa narinig mula sa kaibigan na si Niall. Minsan na lamang ito magsalita, kung makapagbigkas ng mga sasabihin ay tila wala lang maisagot sa sobrang seryoso nito.

“So you mean—magiging cupid ka?” hindi makapaniwala na tanong niya.

Hindi niya alam kung kulang lang sa pahinga ang kaibigan o kulang sa pagkain kaya nagkakaganiyan.

“Ngayong alam mo ang plano ko, huhusgahan mo ako 'di ba? I trust my self, really. Kaya ayaw kong magsalita, alam ko na ganiyan ang reaksyon mo,”  walang emosyong sabi ni Niall

“Hindi lang ako makapaniwala. Paano mo gagawin iyon—I mean paano mo sila paglalapitin? Ang mga emosyon o nararamdaman nila kung...kung may priyoridad si Lucien na mas importante.”

“You don’t know what he did already.  I have proofs if you want to. Huwag mo ako maliitin,” natatawang sabi ni Niall sa kaibigan; pagtawa na may kahulugan na pagkasarkastiko.

“Alam ko iyon. So, paano mo nasabi na nahuhulog na si Lucien kay Zanchi?” Nabahala naman si Ruce kaya naging seryoso na rin siya sa pagkilos at pagsasalita.

*21*

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now