Special Chapter

1.3K 39 6
                                    

Warning. She is Mine

Special Chapter

(First Anniversary )



Lahat naman tayo humihiling na maging masaya. Maaring sa mga materyal na bagay nagmumula ang nga kasiyahan na gusto natin. Sa katunayan, noon pinalilibutan ako ng mga materyal galing sa mga magulang ko-bagong damit, cellphone, sapatos, kotse, mamahaling bag, at mga alahas, mga bagay na minsan nagbigay ng pansamantalang kasiyahan-akala ko sa mga bagay ko na lang matatagpuan ang salitang "saya". Ngayon hindi ko maipaliwanag ang sobrang kaligayahan sa piling nila at sa taong pinili ako.



Ang saya na hindi matutumbasan ng kahit ano'ng bagay. Ang kasiyahan na hindi mabibili ng pera o karangyaan. Sa mga taong totoo sa iyo, ang pamilya mo, mga taong nagmamahal sa iyo nang buong puso, hindi mapapantayan ng materyal, at hindi ko alam kung makakaya ko pang suklian.



Maaliwalas ang himpapawid, malamig, at presko ang hangin. Pasikat na ang haring araw at sumisilip na ang mga sinag nito sa malaking bintana sa aking kuwarto. Bumangon na ako at umayos ng upo. Nakapikit man ngunit kaagad na nakapinta sa aking mukha ang napakatamis na ngiti, pinagdikit ang magkabilang palad, at nagdasal; nagpasalamat sa bagong buhay, sa napakagandang buhay.



Tatlong katok sa may pinto ang narinig ko. Tumayo ako at pinagbuksan ko na ito ng pinto. Kinukusot ko pa ang mata ko at humikab.



"Hayyyy!" Kaagad kong naitikom ang bibig ko. Muntik ko na siyang malamon sa sobrang pagngawa ko. "H-Hi! M-magandang u-umaga?" pasimple ko pang pinahid ang laway sa gilid ng bibig ko.



"Good morning. Halika ka na, nakahanda na ang agahan-"



"Maliligo muna ako!"



Kumpara sa hitsura ko sa kaniya-nasa Luzon siya, pagkatapos ako nasa Visayas- ang layo. Nakaputing t-shirt siya sa loob na pinatungan ng black coat at black na pants, kulay itim din ang suot niyang sapatos. Ang manly lalo niyang tingnan. Ang totoo mas lalaking-lalaki siya noong nakasuot lang siya ng kupas na maong at manipis na t-shirt noon sa may bukid.



Isang taon na rin pala. Ngayon kahit papaano nasasanay na ako, na tanggap ko na talaga sila sa kabila ng kakaibang pagkatao nila.



"Naihatid ko na sina mama at papa sa opisina. Nauna na sila Frank at Ruce sa trabaho nila."



Hindi lang pagiging kasintahan ang nakikita ko sa kaniya, parang nagkaroon ako ng isang kapatid, para ko siyang kuya. Itinuring namin siyang pamilya, nahihiya man siya noong una, pero wala siyang magagawa. Hindi ko rin naman siya pakakawalan.



"Gusto mo bang pumasyal? Free ako today, mamaya pa naman nagpapasundo sina mama."



"May lakad ako ngayon, Lucien. Next time na lang." May kailangan akong ipasang mga files sa pinagtatrabahuhan ko sa isang company. Nagtaka ako nang mag-iba ang timpla ng mukha niya. Problema nito? "Sige, mamayang tanghali pa naman iyon. Ihatid mo na lang ako-" Tumayo siya, kaagad naman akong sumunod at humarang sa daraanan niya. "Pumayag na ako 'di ba? Bakit ka biglang umalis-"



"Kukuhanin ko 'yong susi ng kotse. Ano'ng pinagsasabi mo?"



"Akala ko kasi...huwag ka ngang umaalis bigla. Nakita ngang kumakain pa."



Lumapit siya sa akin at dinampihan niya nang mainit na halik ang noo ko. "Pasensya na. Hindi mo na ba ako mapapatawad? Gusto ko lang na makaalis na kaagad para mahaba ang oras ng pamamasyal natin. Ilang linggo ka nang abala sa trabaho mo." Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang guwapo pa rin kahit nagtatampo. "Guwapo naman talaga ako," ang sabi niya. He read my mind again!

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now