Warning: 23.1

346 7 0
                                    

Chapter 24

Zanchi's POV

Nararamdaman ko ang marahan na paghaplos ng mainit na bagay sa katawan ko. Nagmulat ako ng mata at nilingon ang kung sino'ng nasa tabi ko.

Marahil umaga na at maririnig na sa paligid ang mga huni ng ibon at tilaok ng manok. Malamig din ang simoy ng hangin na pumapasok sa kuwarto kung nasaan ako. Ang sinag ng araw ay hindi pa gaanong masakit sa balat at mata.

Kaagad kong binawi ang kamay ko nang hawakan niya ito.

"Zanchi." Dinig ko ang pagtawag niya na tila yumakap sa buong katawan ko ang mahina, ngunit malamig na boses niya.

"Bakit mo...ako hinahawakan?" namamaos kong sabi.

Napahawak ako sa leeg ko. Sobrang tuyo ng lalamunan ko. Wala rin akong maramdaman na laway sa bibig ko.

Inabutan niya ako ng baso na may tubig, pero hindi ko iyon kinuha. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot at umayos ng higa.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

Bakit sobrang hina ko ngayon?

"Hindi ka pa ba pagod sa paghiga at pagtulog mo?" tanong niya sa akin.

"Iwan mo muna ako, L-Lucien," ang tanging sinabi ko at mariing pumikit.



"Sige. Nasa may kusina ako, magluluto muna. Kung may kailangan ka tawagin mo ako," narinig kong sabi niya.

Hindi ko na narinig ang pag-alis niya, kahit ang pagsara niya ng pintuan. Lumingon ako saglit sa gilid ko na sana ay hindi ko ginawa. Nasa gilid ko pa pala siya at inaayos ang ilang gamit doon: bimpo, palanggana, tabo, at ilang langis.

Napalingon siya sa akin. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawa. Sobra ang paninikip ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga at nanlalamig ang magkabilang palad ko. Ang tanging alam ko ay napako ang paningin ko sa kaniya.


"Aalis na ako. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka, " ang sabi niya at inilapit ang sarili sa akin, ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ko na napigilan ang ginawa niya.

Ang marahang paghalik sa pisngi ko ang dahilan para magkagulo na ang lahat ng lamang loob ko sa katawan ko. Naiwan akong tulala sa kawalan. Panaginip lang ito! Panaginip lang, sana.

"Nasaan na siya? Tulog pa rin?" Narinig ko sa may sala ang boses ni Ruce.

Nakasandal ako sa may pinto na gawa sa kahoy at idinikit ang kanang tainga ko.


"Mukhang mahina pa siya," sagot naman ni Lucien.

Nauntog ang ulo ko nang may magbukas ng pinto. Napaatras ako habang hinihimas ang noo ko.

"Zanchi? Ano'ng-ayos ka lang?" Pagtingala ko ay natagpuan ko si Niall na nag-aalangan sa ikinilos.

"Ah...kasi...." Natutop ako nang bumalot ang braso niya sa katawan ko. Ang init sa loob ng yakap niya, muntik na ngang dumikit ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa higpit ng yakap niya sa akin.

"Salamat at gising ka na." Ramdam ko ang paghinga niya sa tainga ko, at ang marahan na paghaplos niya sa ulo ko. Yayakapin ko rin sana siya pabalik, pero may humawak sa braso ko para maghiwalay kaming dalawa.

Si Lucien.

"Bitaw na, Niall," mapagbanta na sabad ni Lucien.

Sumingit kaagad si Ruce sa pagitan naming tatlo at humawak sa kamay ko, hindi alintana ang seryosong pagtitinginan nina Niall at Lucien.


Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon