Warning: 3

5.9K 166 1
                                    

CHAPTER 3

Zanchi's POV

Nagising ako; walang ideya kung nasaan ako ngayon.

Patay na ba ako?

Sobrang dilim. Gusto ko mang hawakan ang mga mata ko para tingnan kung nabulag na ba ako, ngunit imposible 'yon; hindi ko rin maigalaw ang kamay ko. Ang kaliwang kamay ay nakataas, at ramdam kong mahigpit na nakatali sa gilid ng kung ano'ng kahoy, habang ang isa ay parang naparalisa na dahilan para hindi ko maigalaw. Pakiramdam ko pagod na pagod ako, samantalang nakahiga lang ako ngayon sa matigas na higaan.

Para akong tinakasan ng ulirat nang may narinig akong mga yapak; pagkilos ng kung ano at sino. Walang segundo ang lumipas ay nagdasal kaagad ako. Gusto ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Lintik na! Ano bang nangyayari!?

May makapal na tela ang nasa bibig ko; nangangawit na nga ako sa pagnganga ko rito. Paano ako makakahingi ng tulong nito sa ganitong lagay? Nakatali, nakapiring, at may busal sa bibig?

Mukhang biktima ako ng kidnapping ngayon. Lalo akong nawala sa katinuan nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa bus. Akala ko panaginip lang na may mga armadong lalaki na sumakay sa bus at-buhay pa ako? Totoo? Akala ko nabaril ako at nahulog sa bangin?

Teka! May humigit sa kamay ko noon para makalabas ako bago bumulusok ang bus paibaba sa bangin. Sino 'yon?

Napatigil ako sa pag iisip dahil kumikirot ang buong katawan ko. Parang gumuguhit ang isang manipis na kuryente sa mga ugat ko sa katawan dahil sa sobrang sakit.

Maalinsangan ngayon dito sa kinahihigaan ko, pero pinagpapawisan ako nang malamig. Pakiramdam ko ang sikip-sikip kung nasaan ako, kahit hindi naman. Malabo man na makita ko kung nasaan ako, malinaw na hawak ako ng mga terorista na 'yon.
Isa pa 'yong mga bodyguards ni mama. Lintik na! Mga walang silbi! Kung kailan kailangan mo, tsaka naman wala. Sarap kurutin sa lungs. Asar.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mahinang langitngit ang bumasag sa katahimikan ngayon sa loob ng kuwarto. Sinundan iyon ng bahagyang mga yapak. Sa pakiramdam ko, mag-isa lang ito.

Hindi na ako nakakilos, nagiging manipis na ang hangin na nilalanghap ko dahil sa kaba. Nangangatog na ako sa lamig. Kung sa iba ay magwawala na sila at magsisigaw hanggang sa mapatid ang mga ugat sa leeg, at masabi na pakawalan na, ako? Gusto ko mang gumalaw ay hindi ko magawa.

Una, masakit ang katawan ko at parang naparalisa ang kalahati nito dahil nabaril ako ng pesteng lalaking yawa na iyon; pangalawa, may tela sa bibig ko kahit na sumigaw ako ay wala. Naisip ko, napakasuwerte kong nilalang.

Ang tanging dasal ko lang ay makalaya sa magulang ko, at magpakalayo-layo, but now? Ang galing manggago ng tadhana.

Nakawala nga ako at napunta sa kung saang lugar, ngunit hawak naman ako ng mga terorista at nakakulong.

May inilapag na kung ano sa papag na hinihigaan ko. Nag-concentrate na lang ako sa mga nangyayari ngayon sa paligid. Wala akong makita kaya pagaganahin ko muna ang ibang senses ko. Baka kapag naghari ang kaba at takot sa sistema ko ay tuluyan na akong malalagutan ng hininga.

Sumunod ang pag-upo ng kung sino sa bandang gilid ko. Ramdam na ramdam ko ang puso ko na pilit kumakawala sa dibdib ko; kung minsan ay parang gusto na lang nitong kumawala at dumaan sa lalamunan ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, mamamatay pa yata ako nito dahil sa heart attack e.

Natuod ako nang naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kung ano'ng mainit sa binti ko, hanggang sa umabot na sa legs ko ang paghaplos nito. Para akong nahulog sa malalim na dagat at hindi na alam kung makaaahon pa ako.

Hindi ko na pinigilan ang mga nakapapasong luha na kumawala sa mata ko. Umiiyak ako dahil sa nangyayari. Naisip ko sila mama at papa; iyong kaibigan ko na si Aliyah; iyong mga pangarap ko sa buhay. Puwede bang makapagtapos muna ako sa pag-aaral? Ayaw ko na rito!

Napasinghap ako nang lumipat naman ang paghaplos ng mainit nitong palad sa kanang binti ko, pataas hanggang sa baywang ko.

Gusto ko mang magpumiglas ay hindi nakikisama ang katawan ko, dumagdag pa ang pagkirot ng balikat ko. Nakabaon pa rin yata ang bala sa laman ko.

Kung ito na ang huling oras ko sa mundo, gusto ko lang humingi ng kapatawaran sa mga kasalanang ginawa ko.

Nakahinga ako saglit nang wala nang humahaplos sa binti ko. Sana tumigil na siya! Bata pa ako! In my entire life, wala pang humawak nang ganoon sa akin. No one could take advantage of me.

Naiyak lalo ako nang naalala si mama. Siguro ay isa itong way para magka-trauma ako at hindi na isipin pang magpakalayo-layo-joke. I mean, way ito para bigyan ng halaga ang ginawa nila sa aking paghihigpit. Naalala ko, palagi niya akong binabantayan at inaalagaan.

"Mama ko!" sigaw na tawag ko sa kaniya sa loob ko. "Sana...sana-ikaw na lang ang nandito!"

Hayst! Stop that nonsense, Zanchi! Saway ng konsensya ko.

Nakararanas na nga ng sexual harassment, nagagawa pang magbiro.

E ikaw kaya ang haplus-haplusin nitong kumag na 'to? Talaga namang tatakasan ka ng bait! Try to put yourself on my shoes! Inis kong sabi sa konsensya ko.

Wala kang shoes o sapatos ngayon, Zanchi. Wala kang kahit ano'ng suot ngayon. Sabad ng konsensya ko. With that, mukhang kailangan ko na talagang magdasal.

Ang akala ko ay tapos na ito sa paghawak sa katawan ko. Naramdaman ko naman ang panginginig ng buong kalamnan ko. Pakiramdam ko nagkabuhol-buhol na ang mga organs sa loob ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya na malapit sa akin. Talagang idikit niya pa ang balat niya sa kin!

Susmariyusep! Sino'ng puwedeng sumampal sa lalaking ito at nang magtino!?

"Hmmm! Hmmm!" ungol ko. Kung kanina ay nasa ibabang parte lang siya, ngayon ay nasa itaas na ang paghaplos nito. Wala kang awa! Yawa ka!

"Hmmm! Hmmm!" ungol ko ulit. Kung kaya kong magsalita ay mumurahin ko na talaga siya! Lintik na!

"Hmmm!" Tuluyan na akong nawalan ng lakas nang may dumampi sa balat ko. Mainit iyon at gugustuhin kong mawalan na lang ng malay kaysa maramdaman ang dahan-dahang pagdiin nito; pagdiin nito sa loob, pailalim.

Ugh! P-Please! H-help me! Ahh!"

Sobrang sakit na siyang ikinaagos ng mainit kong luha. Kahit nakapikit na ako dahil sa telang nakatakip sa mga mata ko, ay patuloy pa rin ang pagkawala nito sa mata ko at nag-uunahan sa paglabas at umagos, dahilan para tuluyan nang mabasa ang tela sa mata ko.

Umiigting na rin ang panga ko at kaunti na lang ay puputok na ang mga ugat ko sa leeg at noo sa sakit na bumalot sa buong sistema ko.

Gumuhit ang hapdi sa buong katawan ko. Hindi na mapigilan ng puso ko, sobrang bilis na ilang segundo na lang ay sasabog na ito sa sobrang pagtibok.

Nawala ang kung ano'ng nakapatong at nakadiin sa katawan ko. Hindi pa rin ako mapakali dahil ramdam kong nasa tabi ko pa rin siya. Wala kang respeto at awa! Walang hiya kang animal ka!

"Hmmm!" Aray! ungol ko muli nang dumiin muli ang kung ano sa katawan ko.

Dumiin muli iyon nang ilang ulit, hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit. Lumalalim ito na parang may hinahanap, sa kabila nito, hindi pa rin tumitigil ang paghaplos nito sa itaas na parte ng katawan ko.

I want to die. Please patayin mo na lang ako. Sabi ko sa sarili ko bago ako mawalan ng malay sa sobrang sakit at pagod.

*3*
>credits to, Colourful Space for pictures.
Follow for updates :>
Vote for this story :> @SiriusleeOrdinary

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now