Warning: Special Update

148 0 0
                                    

    Warning She Is Mine

Special 3rd Anniversary Update

   

   

   

    *Continuation*


    Napamulat ito ng mga mata nang makarinig ito ng malakas na pagsabog. Masakit man ang kanyang buong katawan ay pinilit nitong bumangon. Hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan ay may malaking maitim na usok ang kanyang nakita. Malalim na bahagi ng lupa iyon at kanyang napagtanto ay nahulog ito sa bangin.

   

    "Dancel?" Hindi nito makapaniwalang sambit. Unti-unting nagiging malinaw sa kanya ang nangyari.

  

    "Dancel!" Halos pumutok ang ugat nito sa leeg sa malakas na pagsigaw. Nawala na sa kanyang loob ang tungkol sa kanyang kaibigan na kanina lang ay kanyang kasama.

   

     Bakit mas binigyan niya ng pansin na iligtas ang dalaga kaysa sa sarili nitong kaibigan?

   

   

    Napalingon ito sa paligid nang maalala nito ang dalaga. Nakahandusay ito sa damuhan at balot ng malapot at mapulang dugo.

   

    Kaagad niyang iting nilapitan at inalalayan na makaupo. Wala itong malay ngunit randam parin nito mahinang pulso nito sa pala-pulsuhan nang kapain niya ito.

   

    "Hindi ka puwedeng mamatay! Kailangan pa kita!" Inayos niya ang kanyang mga gamit at binuhat ang walang malay na dalaga.

   

    Nang makatayo ay nilingon niya ang bangin kung saan nahulog ang bus. Mahirap man sa kanya ang gagawin ay nangangako itong babalik ito sa lugar kahit na malabong makita niya pa ng buhay ang kaibigan.

   

    "Babalik ako, Dancel. Hihingi ako ng tulong. Hintayin mo ako."

   

   ***

   

    Kalahating araw na at halos malagutan na ng paghinga ang binata. Wala itong ideya kung may makikita silang kabahayan sa lugar. Halos malalawak na palayan at tubuhan ang kanyang nakikita at sa hindi kalayuan ay ang madilim na kagubatan.

   

    Napaisip ito na kung hindi lamang niya sinunod ang kanyang kagustuhan na makuha at makapiling ang kanyang kapatid ay hindi siya mawawalan ng kaibigan.

Ngunit paano na ang kanyang kapatid kung hindi siya gagawa ng aksyon?

   

     Binitiwan niya ang dalaga at hinayaan niya itong mahiga sa talahiban na ang ilan ay sinilaban na kung kaya't nagkalat ang maitim na uling sa lupa.

   

    "Kasalanan ko ang lahat!"


Nagsisigaw ito at pinagsisipa ang lupa. Pakiramdam niya ay mawawalan siya sa katinuan sa kakaisip kung ano na ang kanyang gagawin.

   

    Makalipas lang ang minuto ay nasa tapat nanito ng malawak na kagubatan. Sinubukan nitong pumasok sa loob at nagbabakasakali na may taong nahihirahan doon upang makahingi ng tulong. Kalahating oras na ang nakalipas, napangiti ito nang may makita siyang grupo ng mga tao na may bitbit na mga prutas at mga kahoy. Mabilis itong tumakbo upang malapitan sila.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon