Warning: 9

2.6K 78 2
                                    

CHAPTER 9

Zanchi's POV

Bumalik ako sa reyalidad nang tumikhim ito, kay gandang lalaki naman—never mind. Baka isa itong aswang!

Hindi porke naka-lipstick shokla na kaagad! Suway ng konsensya ko.

Baka kumain at sumimsim lang ng dugo ganoon. Dagdag nito.

What dapak! Sabihin mo joke lang 'yon! Sabad ko sa konsensya ko.

Anyway, Bakit niya tinatanong kung nandito ba si Lusy? Lucky? Ah basta, wala akong kasama rito dahil umalis siya.

Style niya bulok! Mahigpit ko pa ring hawak ang kahoy na pinto, para kapag sinubukan niyang pumasok ay maisasara ko kaagad.

Patanong-tanong pa siya kung may kasama pa ako! Asus, luma na 'yan! Magtatanong para makasigurado na mauumpisahan niya ang kaniyang balak, kapag naman sinabi ko na mayroon, paniguradong aatras 'to! Inhale. Exhale! Aha! Fighting.

"Nandito siya, bakit? " Sininok pa ako sa sobrang kaba.

Kung mag-a-apply ako bilang sinungaling sa isang pelikula, siguradong walang tatanggap sa akin. Sablay na kaagad sa unang sabak. Ganito ako ka-honest! Pero kailangan kong magsinungaling ngayon.

"Can you give me a way? I need to talk to him." Napataas naman ako ng kilay sa inasta niya,

Aba! Attitude ka, sis? Umayos kang barbie ka!

Talagang gustong pumasok! Kumulo kaagad ang dugo ko!

Ayaw ko pa naman sa mga taong mapilit! Nakita nang nangangatog na iyong tuhod ko sa takot, baka sunggaban ako nito e!

I don't care if you're handsome, barbie!

Mahalaga ang buhay ko at hindi ko hahayan na wakwakan mo ito ngayong gabi!

Akmang ibabagsak ko nang pasarado ang pinto nang may nakita akong kumislap na maliit na ilaw sa hindi kalayuan. Kulay pula ito at palapit na itong nang palapit. Nagtaka ang lalaking nasa harap ko sa ikinilos ko dahil sa pagkatulala sa nakikita ko sa likuran niya. Walang sabi-sabi na isinara ko ang pinto.

"Shit! " Sabay pa kaming napamura. Naipit ang kamay niya nang dahil sa akin! Bakit ba!? Takot na takot na ako! Marahas niyang itinulak ang pinto kaya napaupo ako.

"Why did you push the door! Argh!" reklamo niya at hinimas nang bahagya ang namunula niyang balat sa kamay na naipit. Barbie nga!

Gano'n ba kalakas ang pagbagsak ko ng pinto para masaktan siya nang gano'n!?

Ikaw kaya ipitin ko ang kamay sa pinto? Tara at i-try natin. Feeling strong ka rin eh! Sabi ng konsensya ko.

Naramdaman ko kaagad ang pagkirot ng kanang balikat ko nang akmang tatayo na ako. Kaagad akong dinaluhan ni kuya na mabilis magpalit ng mood. Mabait kaagad?

Bati na ba tayo, kuya? Inalalayan niya akong makatayo nang maayos. Teka lang, wait. Nakapasok na siya sa bahay!

"Are you okay? I have no intention to—" Napatigil sa pagsasalita si kuya.

May humigit sa akin palayo sa kaniya. Lalo akong napadaing nang patago dahil sa pagbaon ng kuko nito sa balikat ko. Wala na talagang gentleman ngayon!

"Niall? Bakit ka nandito?" tanong ni Lucky? Ay! Ewan! Itatanong ko na lang mamaya.

"Bitawan mo nga ako!" Naluluha kong sabi at inaalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Napansin ko ang pagtagos ng mapulang dugo sa benda ko.

"Bitawan mo na siya. She's hurting, Lucien," sabi ni Barbie. Char. Si Niall pala.

Lucien? Lucien pala  angpangalan niya!

Kasalukuyang naghahanda ng pagkain si Lucky—ay si Lucien, dami ring bitbit e. Inilihis ko ang paningin ko sa lalaking katabi kong si Niall.

Abala ito sa pagkakabit ng benda ng sugat ko sa balikat.

"You're forgiven. Kanina ka pa nags-sorry r'yan, ako nga itong pinagbagsakan ka ng pinto," sabi ko. Kanina pa siya humihingi ng tawad sa pagtulak sa akin, kulit.

"Hindi naman ako nasaktan. Nagulat lang ako, padalus-dalos ka kasi," sabad naman nito.

Bigla naman may ipinatong sa lamesa si Lucien, kaya napasinghap ako. Aatakihin talaga ako sa puso nito e! Puwedeng dahan-dahan po tayo?

"Kanina pa kayo r'yan. Wala ba kayong balak magpahinga?" wala ganang sabi niya. Inayos pa ang isang tasa ng kape na naibuhos na ang laman. Ayan, dahan-dahan kasi. Beast mode palagi!

Hindi naman gwapo.

Okay fine,

guwapo ka na.

Bakit ang gwapo ng lalaki na 'to kapag nagiging seryoso? Pwe! Inaantok na siguro ako kaya anu-ano'ng sinasabi ko. May attitude rin ang isang to e. Wala akong kape? Damot! Hmp!

"Nasa kuwarto na ang mga damit at undergarments mo. Magbihis ka na at matulog." Walang sabi niyang hinila na naman ang balikat kong may sugat.

Pesteng yawa! Bibigwasan ko 'to e!

"Aray ko! Teka," daing ko.
Kaagad akong hinawakan nang marahan ni Niall na nasa tabi ko na. Bilis ah?

Woah! Relax mga tol! Huwag kayong mag-away nang dahil sa akin! My goodness! Char! Assumera ka, gurl!

"Lucien, may sugat siya. Baka puwedeng dahan-dahan ka sa—" mahina na sabi ni Niall.

"Inalis ko na ang bala na bumaon sa laman niya. Huwag kang masyadong mabahala, nag-iinarte lang ang babaeng 'to," walang emosyon na sabi ni yawa.

Kaagad akong umatras, naiipit na ako sa sagutan nila. Baka kapag nagsuntukan 'to, mukha ko ang unang ma-injured.

"Usap lang kayo, maiwan ko na kayo r'yan," paalam ko, pero napatigil ako dahil sa nakaramdam ako ng pagkahilo.

Bumagsak na ako nang tuluyan sa sahig. Dalawa sila sa tabi ko, pagkatapos walang sumalo?

Ay ang galing niyo riyan!

Ang saya ko sa inyo!

Promise!

Tsk!

*9*

Follow @SiriusLeeOrdinary

for Updates :>

Vote for this story :>

Comment below nor Violent reaction :>

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now