Warning. Special Update

365 5 6
                                    

    Warning She Is Mine

Special 3rd Anniversary Update


    *Continuation*

   

    Pinakiramdaman niya ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Inililihis man niya ang mga imposibleng mga pangyayari ngunit malinaw sa kanyang sarili na mayroong nagbago sa buong katawan nito...hindi na siya normal na tao.

   

    "Ibig bang sabihin...ang paraan para iligtas niya ako ay gawin niya kong tulad nila? Mga hindi ordinaryong nilalang?"

   

    Hindi niya sinunod ang bilin sa kanya ng lalaking tumulong sa kanya sa gubat. Mas pinili nito na manatili pa hindi dahil para makipagkita muli siya rito. Mas nagkaroon ito ng lakas ng loob para hanapin ang kanyang kapatid.

   

    Noong una ay naninibago pa ito dahil kakaibang lakas na mayroon ang kanyang katawan. Hindi parin ito sanay sa pagiging sensitibo ng kanyang mga pandama lali na ang pandinig, pang-amoy at ang pagiging malinaw ng kanyang mga mata lalo na tuwing malalim na ang gabi.

   

    Sa ilang buwan niyang pananatili sa loob ng kweba ay nananatili parin ang pag-asa nito na mahanap niya si Raelle. Wala pa itong ideya kung saang lugar ito magsisimula. Ngunit naniniwala ito na nasa paligid lang ang kanyang kapatid kasama ang mga hindi ordinaryong mga nilalang.

   

    Sa ilang pagkakataon na palihim itong nagmamasid sa madilim na gubat. Hindi ito makapaniwala na matatagpuan niya ang babaeng dahilan ng lahat. Nakita niyang muli si Zanchi kasama ang isang lalaki.

   

  May hindi maipaliwanag na nangyayari sa katawan nito sa tuwing lalapit ito sa bahay kubo. Minabuti na lamang niyang magmasid ng tahimk bago ito gumawa ng aksyon. At sa mga araw na lumipas ay hindi ito makapaniwala sa kanyang mga nasasaksihan. Nag-aaway ang mga ito dahil sa isang normal na tao. Handa silang makipagpatayan para makuha ito. Ang malaking palaisipan ngayon ng lakaki kung ano ang mayroon kay Zanchi at pinoprotektahan ito ng isang lalaki aswang.

   

    "Kailangang kita makuha. Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kaibigan ko."

   

   

    ***

    Dahil sa pagkakaroon ng kakaibang pagbabago  sa kanyang katawan, pinakiramdaman niya ito kung ano pa ang mga abilidad na kaya nitong gawin. Natuto na rin itong manghuli ng mga usa upang maging pagkain, at kahit hindi niya na ito lutuin pa ang natatakam parin ito sa tuwing kakainin niya ito ng hilaw.

Nagiging madalas na ang pagkakaroon niya ng atensyon sa kanyang katawan hanggang sa maalis sa kanyang isipan ang kanyang misyon. Kailangan niyang mahanap si Raelle at mapatay niya ng tuluyan si Zanchi.

   

    May ilang pagputok ang umalingawngaw sa malawak na palayan. Sinubukan niyang alamin ang mga nangyayari sa paligid gamit lamang ang pandama nito. Nakaramdam ito nang panghihina nang makalapit ito sa lugar.

   

   

    "Raelle." Naluluha nitong sabi. Nanlaki ang mga mata nito sa nakita. Ibang-iba na ang kapatid nito. May kakaibang usok amg bumabalot sa kanyang katawan na tila may mahika. At ang itsura nito ay hindi nalalayo sa mga taong nakita niya noong una siyang mapunta sa kagubatan.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now