Warning:15

1.8K 59 0
                                    


Chapter 15

Third Person's POV

Ilang oras na lang at malapit nang gumabi. Unti-unting bumabalot ang kadiliman sa buong kapaligiran. Ang sinag ng araw ay nagiging kulay kahel na; ang mga ulap ay bumababa na kasama ang haring araw sa kanlurang bahagi; nag-uunahan nang makahanap ng punong mapagpapahingahan ang mga ibon na nagliliparan sa himpapawid; ang malamig na pag-ihip ng hangin na humahalik na sa katawan ni Zanchi habang tahimik na nakatingin sa may harapan niya.

Hindi niya alam kung bakit nag-iba ang desisyon ng binata. Gusto niya maging masaya, pero hindi niya madama at mahanap ang emosyon dahil sa inasta ni Lucien; tila napipilitan lamang ito.

"Kumain ka na," sabi ng binata at inabot sa kaniya ang isang plato na may lamang pancit canton at isang baso na may tubig.

"Salamat," maikling sabi niya at nanginginig ang kamay niyang inabot ang plato at baso.

Hindi naman siya makakain nang maayos dahil sa naiilang siya, maya't maya ay nakatingin sa kaniya si Lucien. Gusto man niyang magtanong ay nahihiya siya.

''Bakit ba siya tingin nang tingin? May dumi ba ako sa mukha? O sadyang nagagandahna na siya sa akin?" tanong niya sa sarili.

Ibinaling na lamang niya ang atensyon sa mga taong nasa paligid niya at paminsan-minsan ay sumusubo ng pagkain. Nasa isang handaan sila ngayon. Ilang oras din silang naglakad kanina para makarating sa sinasabing pupuntahan ni Lucien. Mukhang may selebrasyon para sa kaarawan ng kung sino.

Hindi napansin ni Zanchi na kanina pa siya pinag-uusapan ng mga nasa paligid niya, dahil isang ordinaryong tao si Zanchi at ang mga ito ay mga aswang, ngunit hindi makalapit ang mga ito dahil nasa tabi niya si Lucien; kinakatakutan ng lahat dahil anak ito ng kamahalan; ang higit na nakatataas sa kanilang mga uri ng aswang.

Mayroon ding inilagay si Lucien sa dalaga. Mga pangontra upang protektahan siya mula sa mga aswang. Naiinis ito sa dalaga dahil sa pagpupumilit nitong sumama, pero naisip din nito na maiiwan na naman ang dalaga nang mag-isa.

Nag-aalala ito na baka may mangyari na naman, at may sumalakay sa kaniyang mga aswang. Nagdadalawang-isip man ay isinama na lamang nito ang dalaga kahit delikado.

"Niall?" tanong ni Zanchi. May lumapit sa kaniya at inabutan ng tinapay.

"Hindi ko inaasahan na pupunta ka rito-" Natigil ang binata nang nakita na naging seryoso ang tingin ni Lucien dito kaya bahagya itong dumistansya kay Zanchi.

"Ayaw ko kasing maiwan sa bahay kaya-"

"Gusto ko siyang isama. May masama ba roon?" singit ni Lucen at pumagitna sa pagitan nina Zanchi at Niall.

"Ehem. Hello! Ikaw pala si Zanchi!" masiglang sabi ni Ruce at inilahad pa ang kamay sa dalaga. Hindi nito pinansin ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang binata.

Inabot naman iyon ni Zanchi. Hindi pa man umabot ng isang segundo ang pakikipagkamay niya nang tumikhim si Lucien kaya napabitaw ang kamay ng dalawa. Sa tingin pa lang ni Lucien ay puwede ng panghuli ng baboy ramo sa sobrang talim.

"Ayan! Kapag ako kinakausap sobrang tipid magsalita! Nakasasakit ka ng damdamin!" Siniko pa ni Ruce si Niall dahil sa nagtatampo ito. Wala namang pakialam si Niall sa itinuran ni Ruce dahil ang atensyon nito ay nasa dalaga lamang.

Hindi nito alam na napipilitan din si Niall na magsalita dahil hindi nito forte ang pagsasalita. Kung hindi lamang sa misyon nito, hindi ito mag-aabala na magsalita, ngunit unti-unti itong nawawala sa isipan nito dahil sa kakaibang naghaharing emosyon sa loob nito; emosyon na hindi nito maipaliwanag; tila isang pakiramdam na nais nitong mapalapit sa dalaga upang makumpirma.

Warning: She is Mine. [COMPLETED] Where stories live. Discover now