Warning 24.1

309 6 0
                                    

Chapter 24

Zanchi’s POV

Gusto kong ilihis ang isip ko sa mga bagay na nalaman ko kamakailan lang, dahil kung hindi ay mababaliw ako sa kaiisip!  Kaya minabuti ko na umalis ng bahay at pumunta sa bayan.

Ayaw ko lang makasama si Lucien—I mean iyong kaming dalawa lang; kung dati ay komportable ako,  ngayon hindi na.  Magmula nang nalaman ko na…hays!

Bakit ko pa iniisip iyon kung ito ang itinadhana? E di go! Go, push! Pero kidding aside, akala ko tinulungan niya ako dahil sa mga oras na iyon ay kailangan ko talaga, pero gagamitin niya lang pala ako!

Noong hindi ko pa alam na may rason pala ang pagtulong niya sa akin, may nabubuo sa isip at dibdib ko na…nahuhulog na ako sa kaniya; na gusto ko na siya. Hindi dahil guwapo at maganda ang katawan, kung hindi dahil sa ilang beses na niya akong iniligtas at naprotektahan.

Ginawa niya iyon dahil gagamitin ka niya sa huli! Ang kulit mo rin! Ulit-ulit ka! Hindi ka love niyan! Sermon ng konsensya ko, tila sinampal niya ako nang limang beses sa magkabilang pisngi ko sa aking narinig.


Pero…para saan iyong paghalik niya sa akin?


Wala rin bang meaning iyon?

Pa-fall ka pa lang aswang ka! Letse!


Kinakabahan ako hindi dahil first time kong makasakay sa kabayo, kung hindi dahil katabi ko ngayon si yawa! Pinilit kong isama sina Niall at Ruce para may kasama ako at hindi masolo nitong Lucien na ito, pagkatapos ang ending kaming dalawa lang,  parang “somewhere down the road” ang peg. Tsk!


“Huwag ka masyadong dumikit. Naiirita ako,” sabi ko at inilalayo ang sarili ko sa kaniya. Sobrang init ng panahon, pagkatapos yayakap pa.

Bigla kong nasabunutan ang buhok ng kabayo dahil sa gulat. Binitawan niya ang tali ng kabayo at hindi na siya nakayakap sa akin, pero lalong bumilis ang pagtakbo ng kabayo! Aba puta!


“Anak ka naman ng!” singhal ko at pilit na inaabot iyong tali pero hindi ko maabot.  Kamuntikan pa akong mahulog, pero hinawakan ako sa braso ng pesteng yawa!

“Feeling strong, kahit hindi naman,” sabi niya at inabot ang tali. Nakayakap na naman siya sa akin dahil nasa likuran ko siya at inaalalayan nito si horsie bessy, tsk.

“Paano kapag nahulog ako!?” Nilingon ko siya. Wala na akong pakialam kung kaunti na lang ay magdidikit ang pisngi namin sa sobrang lapit.

“Sabi mo, bitawan kita,” kaagad niyang sagot pero hindi nakatingin sa akin. Pilosopo ka!? Kaasar, pero patingin ng close up?

Ang G-W-A-P-O. Fresh na fresh kahit tirik na ang araw. Parang walang pores! Ano’ng skin care mo!?


“Sana si Niall na lang kasama ko.  Gentleman iyon, ikaw hindi! Pssh!” reklamo ko at inilihis na ang paningin ko sa mukha niya, baka makaisa pa akong kiss sa kaniya.

Ay maharot ka rin, girl? Iba rin! Singit ng konsensya ko.

Aba syempre! Mamamatay na rin naman, e di humarot na. Kahit na bilang na lang ang mga araw ko e magka-love life ako.

Ayos lang iyan self, kausapin mo iyang sarili mo kaysa sa aswang na nasa likuran mo.

Kalahating oras na kaming naglalakbay.  Sobrang haba ng daan, puro mga nagtataasang mga puno.

Hindi ko makita ang dulo ng kagubatan na ito.

Naliligaw ba kami?

O inililigaw lang ako ng pesteng ito?

“Nasaan na kaya sina Niall at Ruce? Sana okay lang sila, ako kasi hindi,” sabi ko sa sarili ko.

“Hindi ka ba okay na kasama ako?” Aba, pa-fall! Amp!

“Kasasabi ko lang 'di ba? Bingi ka? Psh!” Nag-roll eyes pa ako para dama ang pagkainis ko sa kaniya.

“Mag-iingat ka sa kanila. Hindi mo pa sila gaanong kilala,” seryosong sabi niya, sa sobrang seryoso, mararamdaman mo ang bawat salita na papasok sa tainga mo at huhukay sa kalamnan mo. Para akong mawawalan ng lakas at mawawala sa katinuan.

“Parang sinabi mo na kailangan ko rin na mag-ingat sa 'yo,” walang emosyon kong sabi.

Huminto sa pagkilos ang kabayo. Nasa gitna kami ng kagubatan, at ang tanging naghahari lamang ngayon na ingay maliban sa mga huni ng mga ibon ay ang palakas na palakas na pagpintig ng puso ko.

“Zanchi, ‘’ kusa na lang akong napalingon sa kaniya na nakatingin na rin pala sa akin, kaya tinapunan ko rin siya ng seryosong tingin.


“You’re trying to keep me safe—when you’re the danger.” Kahit na gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko todo pa rin ang pagtitig ko sa mga mata niya.


Ilang segundo kaming nagkatitigan. Hindi ko alam, pero nararamdaman ko ang pagpintig ng puso niya na sumasabay sa akin, tila nagiging isa na ang mga ito. Weird man,  pero ang sarap sa pakiramdam. Gusto kong idikit ang tainga ko sa dibdib niya para pakinggan ang pagtibok ng kaniyang puso.


“Zanchi! Lucien! “ Napatingin ako sa paligid nang may tumawag sa amin.

Napalingon naman ng tingin si Lucien at tumingala sa mga nagtataasang punong kahoy. Siya namang pagsulpot bigla ni Ruce at Niall. Hindi ko alam kung saan sila galing. Ang bilis kasing kumilos.


“Bakit ka nag-iba ng daan? Akala ko sa bayan ang punta natin?” naguguluhan na tanong ni Niall. Lumapit siya sa amin at tinitigan ako.

Ba’t ang gwapo niyo po?

“Ayos ka lang? “ tanong nito sa akin.

Kunwari nasamid ang katabi ko na si Lucien. Attitude ka? Moment ko na nga ito e!


“Ano’ng klaseng tanong 'yan? Of course, yes. She’s truly fine, 'di ba, Zanchi? As long as she’s in my arms,” explain pa niya, kikiligin na sana ako kaso tinatamad ako. Psh! Paasa. Amp.


“Tama na 'yan! Ang dami niyong dialogue,” sabat ni Ruce at naglakad nang muli—ay hindi pala, nagtatalong muli siya sa mga sanga ng mga puno.


“You sure?” paniguradong tanong ni Niall sa akin. Tumango na lang ako dahil sa takot na sunggaban ako nitong si Lucien kapag namali ako ng sagot. “Sige na. Malapit na rin iyong bayan, magkita na lang tayo roon,” paalam niya at umalis na rin.

Bago kami umalis at sumunod sa kanila, lalong nanikip ang dibdib ko at nahirapang huminga sa mga sinabi nito.

“Crush mo? “ tanong niya sa akin.

Nararamdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko pero kinalimutan ko kaagad. Wala ako sa oras para sa mga bagay na iyon.

“Hindi,” maikling sagot ko.

“Crush mo e,” pagpilit nito. Akala niya mapipiga niya ako!? Pwe!

“Ano ngayon? Ano’ng gusto mo? Crush din kita? Wala ka nga sa standards ko e!”


Napakunot ako ng noo sa huling narinig ko sa kaniya. Nakalimutan ko na kaya niyang basahin ang nasa isip ko! What the!


“Hayaan mo,  gusto naman kita,” he said.

*24*

Follow me SiriusLeeOrdinary

Vote and Comment for feedbacks nor violent reactions, thank you!

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now