Warning: Special Chapter

311 7 0
                                    

Warning She Is Mine

Another Special chapters for our celebration of having
1k Followers!

🖤Enjoy reading!🖤

WARNING:

Read at your own risk!

Zanchi's Pov

   Hinapit pa ni Lucien ang baywang upang ilapit pa ako sa kanya. Naramdaman ko rin ang kanang kamay nito na hinawakan ang ulo ko, lumalim na ang paghalik niya kung kaya't wala na akong nagawa kundi ang pumikit ang damhin ang mainit niyang halik.

   

    Hindi ko namalayan na nakasandal na kami sa pader. Habang patuloy sa paghalik si Lucien sa akin ay hindi ko magawang tumugon pabalik dahil sa pag-iyak ko. Humiwalay ito sandali at ipinahinga ang noo nito sa noo ko.

   

    "Give me the permission, Zanchi." Tumatama ang mainit niyang paghinga sa mukha ko. Bakas na bakas ang pag-aalala sa mga mata niya ng tingnan ko siya. May emosyon man ang nga mata niya ngayon pero naghahalo ang nakikita ko ro'n. Hindi ko maipaliwanag ang mga ibig sabihin ng nasa mata nito, may takot, pag-aalala, inis at galit.

   

    "Permission? Anong ibig mong sabihin—" Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Hindi ko siya maintindihan. Naguguluhan ako dahil hindi ko makuha ang pinupunto niya.

  

    "To kill.  I am ready to kill them, my wife." Hinaplos niyang muli ang basa ko pisngi at tumingin sa leeg ko, may dugo paring lumalandas doon. Sa katunayan, nagkaroon na rin na mantsa ang suot kong roba. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang nang tawagin niya akong "Wife."

    

    "Ano namang sasabihin ng anak mo kapag nalaman niyang pumapatay ka? Hayaan mo na, mag-iingat na lang ako sa susunod."  Tumingin ako sa ibang direksyon para mabawasan ang kaba sa puso ko, hindi ko na magawang maawat pa ito at lalo pang nadagdagan dahil sa mga sinasabi niya.

   

     Nagpakawala siya ng malalim na paghinga at tumayo ng maayos. Marahil naliwanagan na siya nang sabihin ko na hindi magugustuhan ni Rheinlander na nananakit o pumapatay ang papa niya para lang maprotektahan kami.

 
   

   

    "Galit ka na naman?" Pagbato ko ng tanong sa kanya para maiba ang kung anong nararamdaman kong emosyon sa loob ko.

   

   

     Ngayon, paano ko aaminin na kapwa niya aswang ang gumawa ng malalim na sugat sa leeg ko? Hindi ko rin matatanggap na papatay siya.

  

    "All right, palalagpasin ko ang nangyari sa sugat mo ngayon. Pero hindi ko maipapangako na sa ikalawang pagkakataon na makita kitang may sugat sa kahit anong parte ng katawan mo, humanda sila." Tanging pagtango na lang ang tugon ko sa sinabi niya. Sana ay ipangako niya rin na hindi siya mismo ang mananakit sa akin tulad ng ginawa niya nitong makaraan.

   

    "Do you understand what I am saying, my wife?

   

    "Yes. Sige na, magpapalit lang ako." Itinuro ko ang closet ko pero napapikit muli ako dahil sa pagdidikit ng mga labi namin ni Lucien. Ilang saglit pa ay pinakawalan niya ako ngunit malapit parin ang mukha niya sa akin.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now