Warning: 16

1.6K 56 0
                                    

Chapter 16

Third Person’s POV

May tiwala si Lucien sa sarili na walang mangyayari sa kasama niya na si Zanchi. Gamit ang mata niya ay isa-isa niyang binalaan ang lahat na pag-aari niya ang kasamang dalaga, at walang sino man ang puwedeng lumapit dito dahil buhay ang kapalit kapag sumuway sila, ngunit sa kabilang banda ay may nagmamasid. Handang isakripisyo ang kanilang buhay para maisakatuparan ang pansariling misyon.

Lumapit si Frank kay Zanchi. Hindi niya gusto ang binabalak ng mga kasamahan nito sa dalaga. Nag-aalala ito sa grupo dahil nasa malapit lang si Lucien. Hindi nito magugustuhan na magkagulo dahil lang kay Zanchi, ngunit hindi gaanong mahaba ang pasensya at wala sa tamang pag-iisip ang mga kasamahan nito. Kasalukuyan nilang tinatahak ni Zanchi ang madilim na gubat nang biglang may umatake dahilan para maihiwalay rito ang dalaga.

Isang babae ang sumakal sa leeg ng binata at walang sabi na inihagis ang katawan nito sa matandang puno. Nakaramdam siya ng pagkahilo at panghihina ng katawan hanggang sa mandilim ang paningin ni Frank.

Hawak-hawak ng dalawang lalaki si Zanchi na walang ideya sa nangyayari. Ang tanging malinaw lang ay may isang babae na sobrang talim ng pagtitig sa kaniya na tipong papatayin na siya nito  anumang oras. Malakas na sampal at suntok sa tiyan dahilan para siya ay manghina. Salamat na lang at dumating si Ruce, kasunod nito ang binatang si Niall.

Hindi na ito makapag-isip nang maayos at basta na lang itong sumunod hanggang sa binuhat siya ni Niall. Ang tanging gusto na lamang ng dalaga ay makapagpahinga.

Nasa tapat na sila ng bahay matapos ang paglipad at pagtalon sa mga nagtataasang mga puno kasama ang binata. Akala niya ay matatapos na ang lahat, nang may imahe ng babae ang dumating kasabay ng paglamig ng paligid. Ang hangin na nilalanghap niya ay tila may halong kemikal na hindi mo gugustuhing malanghap dahil nakalalason ito at puwede kang patayin.

Gamit ang kamay nito ay mahigpit siyang sinakal sa leeg at binuhat sa ere. Nagiging malabo na ang kaniyang mga mata dahil sa pangingilid ng mga luha na anumang oras ay kakawala na at lalandas sa magkabilang pisngi niya.

Hindi niya mapigilan ang sarili na sumigaw, ngunit hindi mga salita ang lumabas sa bibig niya kung hindi ang malapot at mapulang dugo niya.

Magpumiglas man ay hindi niya magawa dahil unti-unti na siyang nahihirapan sa paghinga at nanghihina. Para siyang lantang gulay na maaring ibaon na sa lupa.

Napahiga siya sa lupa nang mabitawan siya ng babae. Gamit ang natitirang lakas ay tumayo siya at akmang gagantihan ang babae dahil sa sakit nang ginawa nitong pagsakal at pagsuntok kanina, ngunit natigilan siya sa kaniyang kinakatayuan.

Sa harap niya, gamit ang kaniyang mata ay nakita niya na nakatayo ilang metro si Lucien sa kaniya. Galit ang nakikita niya sa mata ng binata. Pulang-pula ang magkabilang mata nito at tanging malapot na likido ang bumabalot sa kaniyang katawan. Mababakas ang pagtulo pa ng malapot na dugo sa magkabilang palad nito.

Nanghihina man ay malinaw niyang nasaksihan kung paano nito talunin ang babae na nanakit sa kaniya. Mabilis ang pagkilos nito kahit na madilim ang paligid at tanging mapanglaw na mga bituin ang nagiging liwanag sa buong lugar.

Gusto niyang lapitan si Lucien nang napaluhod ito dahil sa pagod sa pakikipaglaban. Akmang susugod muli ang babae kay Lucien, pero mas mabilis nakabawi ng lakas ang binata at walang sabing hinawakan nito ang leeg ng babae; walang awang pinilipit ito hanggang sa maging abo, sumama sa hangin, at kainin ng dilim.

Sa gabing madilim, sa gitna ng tahimik na kagubatan nagkatitigan ang dalawa na magkaibang nilalang.

Umayos na ng tayo si Zanchi. Napahawak siyang muli sa kaniyang tuhod kahit na nangangatog pa rin siya sa kaba at takot dahil sa nasaksihan. Hindi pa rin maawat ang pag-agos ng nakapapasong luha niya sa kaniyang mukha.

Zanchi.” Narinig niya ang sariling pangalan dahilan upang siya ay tumingala at harapin ang tumawag sa kaniya.

Hindi niya napigilan ang sarili at kaagad na yumakap sa binata. Sa pagyakap niya ay kaniyang naramdaman na ligtas siya. Ibinaon niya ang mukha sa dibdib ni Lucien at doon ay ibinuhos niya ang kaniyang luha. Umiyak siya sa sobrang sakit, takot, at sa kabila ng pag-iyak niya ay ang pagpapasalamat niya kay Lucien sa pagtulong nito.

Nakaramdam siya ng hiya dahil hindi pa pala siya nakapagpapapasalamat sa pagtulong sa kaniya ni Lucien. Mula noong una siyang napunta sa lugar nila, pangalawa ang pag-atake sa kaniya ng isang aso, ngayon naman ang pagdakip sa kaniya ng isang dosenang aswang.

"Umuwi na tayo," mahinang sabi ni Lucien.

Naramdaman niya ang marahang paghaplos ng binata sa kaniyang buhok na tila pinapatahan siya sa pag-iyak. Hindi niya kayang magsalita kung kaya’t niyakap niya pa si Lucien nang mas mahigpit; tila ayaw niyang humiwalay sa mainit nitong katawan.

Inalis niya sa kaniyang isipan ang mga nangyari at ang mapupulang dugo na bumalot sa katawan ni Lucien. Dahil na rin sa pagod ay hindi na niya nakayanan. Hinayaan na lang niyang lamunin siya ng dilim.

*16*
Vote and leave comment! THANK YOU

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now