Warning: 18

1.7K 51 0
                                    

Chapter 18

Zanchi's POV

Dalawang araw. Dalawang araw akong walang ginagawa kung hindi ang matulog maghapon. Walang kain, walang ligo, o kahit tumayo para magbanyo.

Ang baho ko na ba?”

Kadiri ka, Zanchi!

May effective ways ba para magka-amnesia?! I badly need it right now! Gusto kong mawalan ng alaala! Lahat ng alaala ko. Kung ang paraan ay ang mamatay ako para makalimutan at hindi ko maramdaman—no! Hindi iyon ang gusto kong paraan para maalis sa isipan ko ang mga nangyari.

Aswang. Mga aswang sila. Ang mga nasa paligid ko at ang nag-iisang kasama ko sa iisang bubong ngayon. Ang suwerte ko! Thank you! Mamamatay na lang ako, kailangan maranasan ko pa ang magkaroon ng experience!

Adventures ba, gano'n, bago ako malagutan ng hininga, dahil na rin sa gusto ko nang makalaya ay ganito pa ang naranasan ko bago ko lisanin ang mundo!

Wow! Na-appreciate ko! Tsk!

Sige, kalma muna. Masasabi natin na kahit aswang sila ay tinulungan pa rin nila ako, referring to Niall and Ruce, including si yawa—I mean tinulungan pa rin ako ni Lucien. Pinagtanggol niya at iniligatas niya pa ako, pero hindi iyon dahilan para makumbinsi niya ako na manatili pa!

Dapak! Isa siyang hindi ordinaryong nilalang!

Any moment ay matatagpuan ko na lang na isang kaluluwa na lang ako habang nakatingin sa katawan kong winakwakan at walang mga lamang loob!

Oo, ngayon mabait siya! Paano kung palabas niya lang iyon dahil may nakatakdang oras para ilagay niya ako sa malaking kawa at gawing pulutan!? Ayaw ko pang mamatay! Aalis ako, tatakas ako, at makakawala ako sa bahay kubo na ito!

“Alam kong gising ka, bangon na at kumain,” narinig kong sabi ni Lucien.

Magaling naman akong magpanggap kaya hangga’t kaya ko ay gagawin ko maging manhid, maging bingi, at hindi kumilos na tila isang bangkay. Nag-iipon ako ng lakas sa plano kong pagtakas. May tiwala ako sa sarili ko, makalalayo ako rito.

“Iiwan ko sa tabi mo itong pagkain. Ika’y kumain na para magkaroon ka ng lakas kapag naisipan mo nang tumakas.” The fuck? What a mind reader!

Narinig ko na ang pagsara ng pinto. Naging tahimik na ang buong kuwarto at kahit ang paghinga ko ay hindi ko marinig.

Nabasa niya ba ang nasa isip ko? Yawa talaga!

Ilang oras akong tahimik at pinakikiramdaman ang buong bahay. Wala akong naririnig o nararamdaman. Baka lumabas muli ito upang magbungkal ng lupa. Chance ko na rin ito para umalis kahit delikado.

Tanghali na at sobrang tirik ng araw. Nasabi ko na ba na wala siya sa loob ng bahay? Wala akong nakita o naramdaman na nasa paligid siya. Gumala na naman ba siya? Never mind.

Nagdala na rin ako ng mga bawang at asin na inilagay ko sa bulsa ng shorts ko. May kung ano’ng maliliit na babasaging bote na may lamang mga langis, iyong iba ay may mga maliliit na ugat ng halaman. Hindi ako sigurado sa mga dinala ko dahil basta ko na lang itong ibinulsa nang nakita ko ang ilan sa loob ng kuwarto ko.

I mean kuwarto niya.

Hindi ko alam kung nakalayo na ba ako sa bahay kubo ni Lucien. Masyadong mataas at maraming mga puno ang nagkalat sa paligid, hindi ko alam kung saang parte na ako ng gubat. Madilim kahit tirik ang araw, malago ang mga dahon ng mga puno kung kaya hindi gaanong tumatagos ang nakapapasong init ng araw.

Isang oras ang nakalipas ay nakalabas na rin ako ng gubat. Hapung-hapo at natutuyo na ang lalamunan ko, pero dahil sa kagustuhan ko na makatakas ay magiging malakas ako. Sana lang ay makaya ko hanggang dulo.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now