Warning: 23

1.5K 51 3
                                    

Chapter 23

Third Person's POV ***

Malalakas na paghampas ng mga kagamitan ang bumabasag sa katahimikan ng buong kaharian. Hindi maawat ang galit na naghahari sa loob ng dalaga na si Raelle.

"Ang akala ko ba ay nagtagumpay ka sa plano mong akitin si Lucien." Nagpatuloy parin sa pagtatapon ng gamit ai Raelle at hindi na sinagot pa ang tanong sa kanya ng reyna, ang ina ni Lucien.

"Kung tama nga ang hinala ko na nahulog na nga ang anak ko sa babaeng kasama niya, mas mabuti pang kumilos na tayo para tuluyan natin sila." Napalingon si Raelle sa amang hari na biglang pumasok sa silid nito.

Nabalot ng mabigat na hangin ang buong paligid. Tila naging masikip ang buong silid at hirap makalanghap ng hangin. Napilitang tumigil sa pagkilos ang dalaga at hinarap ang mga magulang ni Lucien

"Ayoko pong saktan si Lucien." Nakarinig ito ng pagtawa sa kamahalan na siyang ipinagtataka ni Raelle.

"Nakita mo na kung paano protektahan ng anak ko ang hampaslupang babae na iyon. Sa tingin mo hindi ka pa ba sinasaktan ni Lucien sa ginagawa niya!" Nayuko na lamang ang dalaga dahil sa pagsinghal sa kanya ng hari.

Tama sila, pinipilit ng dalaga ang pagmamahal nito sa lalaki kahit na sinampal na siya ng katotohanan na si Zanchi na ang mahal ni Lucien at hindi na ito. Makailang beses man siyang inangkin ni Lucien kagabi, kahit paulit-ulit na siyang hinahalikan, hinahaplos sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan, walang ibang bukambibig ang binata kundi ang pangalang Zanchi.

Gumaganti si Raelle sa mga malalalim na halik ni Lucien sa kanya. Ngunit kahit ilang ulit siyang humalik sa binata ay hindi parin siya maalala nito, umaasa ito na sana man lang sa paraan ng paghalik nito ay maalala siya ng taong mahal niya ngunit nagkamali ito.

Dahil sa kapangyarihan na taglay nito mula sa kamahalan, napagdesisyunan nitong magpunta sa kagubatan kung nasaan ang tirahan ni Lucien. Ikinulong niya sa isang ilusyon ang binata kung saan sila lamang ang dalawa ang naroon. Noong una ay paniwalang-paniwala si Lucien sa kanya. Sino ba naman ang hindi maniniwala kung kamukha niya si Zanchi.

Ginaya niya ito hanggang sa paraan ng pananalita ng karibal. Naging maganda naman ang takbo ng plano ngunit pagdating ng panibagong araw ay unti-unting na siyang nasasaktan sa ginagawa niya. Nasaksihan niya mismo kung gaano kamahal ni Lucien si Zanchi. Ang mga halik nito na puno ng pagmamahal, naramdaman na niya ito noon, noong magkasama pa sila ngunit may kakaiba sa halik ngayon ng binata. May sensiridad, maingat at totoo ang halik nito, walang pag-aalinlangan, walang takot at nakahanda itong sumugal kahit kapalit ang buhay nito.

Napaluhod na lamang siya sa makalat na sahig at walang awat na lumuha. Pinanghahawakan na lang niya ngayon ang mga salitang pilit na sumisiksik sa kanyang isipan. Ang salitang "mahal kita" na ang magiging dahilan para hindi siya susuko, magkakasama muli sila ng kanyang mahal. Babawiin niya si Lucien, magkamatayan man.


---


Maingat ang pagkilos ng dalawang binata sa pagpasok ng bahay kubo ni Lucien. Nakapagtataka na tila wala silang nararamdaman sa paligid. Natagpuan nila si Lucien na mahimbing ang tulog sa may sala. Nang tingnan ni Niall ang dalaga na si Zanchi sa may kwarto ay natutulog din ito.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon