Warning:28

1.3K 44 0
                                    

Chapter 28

Third Person’s POV



Halos mapatid ang mga maninipis na ugat sa leeg at maging sa noo ni Lucien dahil sa inis at galit na naghahari at bumabalot sa kaniyang sarili.



Pinipigilan man siya ni Niall ngunit nagmatigas ang kaibigan. Nasa malawak silang palayan, ngunit pakiramdam ng binata ay nakakulong siya sa masikip na silid. Hindi na makontrol ni Lucien ang kaniyang katawan kung kaya’t maging ang kaibigan niya ang kaniyang nasasaktan sa pamamagitan ng pagsuntok na tinatanggap naman ng huli.



“Sumama ka na sa akin, Lucien! Bakit mo pa iniiyakan ang babaeng ito!?” singhal sa kaniya ni Raelle. Naguguluhan man, ngunit walang ibang iniisip si Lucien kung hindi ang kalagayan ni Zanchi. Wala itong malay na nakahandusay sa malamig na lupa. “Hindi mo na ba ako mahal kung kaya’t ipinagpalit mo ako sa iba!? Hindi ako papayag, Lucien! Hinding-hindi ko matatanggap iyan! Magkamatayan man tayo rito!” dagdag ng dalaga na napupuno na ng galit.



“Hindi na ikaw ang Raelle na minahal ko! Hindi mo alam na gumagawa ako ng paraan para mapakawalan  ka ng kamahalan, pero ano’ng ginawa mo!? Hindi mo ako hinintay!” galit na tugon ni Lucien. Maya’t maya pa ay napaluhod siya sa lupa dahil sa pagkirot ng balikat niya na may tama ng baril. Sinamaan niya ng tingin si Niall na nanatiling nakatayo at nakatingin lamang sa kanila na nagsisigawan.



“Ano bang ginawa mo? Ano 'yang ipinagmamalaki mo na ginawa mo para mapalaya ako!? Naghanap ka ng ibang babaeng mamahalin, pagkatapos kalilimutan mo ako!? Iyon ba ang ipinaglalaban mo ngayon sa akin!? Tang-ina naman, Lucien! Mahal na mahal kita, kaya ko ginagawa ito sa sarili ko para makasama ka! Pagkatapos malalaman ko na mas mahal mo siya!? Dahil ba ginawa niyo na ang mga bagay na dapat tayong dalawa na ang gumawa noon!? Sumagot ka! Dahil hindi ko maibigay sa 'yo ang dugo at katawan ko sa 'yo ay ipinagpalit mo na ako!?”



“Sige! Sabihin mo lahat ng gusto mong isumbat sa akin! Husgahan mo ako! Kung alam mo lang kung ano ang mga sakripisyo ko para makasama kang muli, pero hindi ka naghintay! Nagpalamon ka sa lason na ibinigay sa 'yo! Kaya ngayon hindi mo ako naiintindihan! Ikaw ang bumitaw, Raelle! Nagpadala ka sa takot na hindi mo dapat maramdaman! Kinalimutan mo ako na walang hinangad na makasama ka!” May luha mang lumalandas sa kaniyang pisngi, galit naman ang naghahari sa buong sistema ng binata na hindi matanggap na nag-iba na ang kaniyang sinisinta.



“Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo? Maniwala na mahal mo ako? Ngayong nakikita ko kung paano mo ipaglaban at protektahan ang hampaslupang babae na ito!? Pagmamahal mo sa akin iyon!? Ang magmahal ng iba!?” Kumawala ang maitim na usok sa kamay ni Raelle at bumalot sa walang malay na katawan ni Zanchi.



“Ginamit ko lang siya para makuha kita sa pagsapit ng kabilugan ng buwan! Pero nang nalaman ko na isa ka ng aswang, huli na para ika’y aking balikan pa, Raelle. Hindi ko matatanggap, hindi kita matatanggap.”

--


Sa isang maliit na eskinita nagtungo ang dalawang binata upang mag-usap.



“Wala ka talagang tiwala sa akin, Niall,” malamig na sambit ng binatang si Lucien sa kaibigan.


“Sinasabi ko lang upang makapaghanda ka,” mahinahong sabi ni Niall.



“At sino namang maniniwala sa 'yo na isa ng aswang si Raelle?” Gusto niyang matawa sa tinuran ng kausap. Napakaimposible naman ng sinasabi nito, ngunit ang kaibigan niyang ito ay alam niyang hindi marunong magbiro. May tiwala ang binata na si Lucien sa kasintahan niyang si Raelle na maghihintay ito at muli silang magsasama, ngunit ang balitang sinabi ng kaniyang kaibigan na ang kaniyang kasintahan ay hindi na normal na tao, na wala na ang mahal niya, hindi lubos maisip ng binata na sumuko si Raelle sa paghihintay para sa kaniyang pagbabalik.



“Lucien, nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Ilayo mo na si Zanchi rito! Pakiusap,” buong pagmamakaawa ni Niall sa kaibigan. Kailangan nilang masiguro na mailalayo nila ang dalaga, kung hindi ay mawawalan ng saysay ang kanilang pansariling misyon. Katulad ng nabanggit, tuluyan nang naging isang hindi ordinaryong nilalang ang kasintahan niyang si Raelle. Nangangamba sila dahil hindi nila lubos na kilala ang dalaga.



Ngunit pagsapit ng gabi ay huli na ang lahat para mahawakang muli ni Lucien ang kamay ng dalaga na si Zanchi. Ang gabi na kinuha ito sa tabi niya, kahit nasa harapan naman niya ang babaeng minahal niya noong una.



Nagbalik na ang kaniyang sinisinta, ngunit si Zanchi pa rin ang nasa isip niya hanggang sa hindi siya nakapagpigil at sumugod kaagad sa palasyo. Malalim ang tama ng bala na bumaon sa kaniyang likuran, sa may parte ng balikat kung kaya’t nawalan din kaagad ng lakas ang binata upang kalabanin ang daan-daang mga kawal na nasa palasyo. Kinain na siya ng dilim kalaunan.


--



Nagmulat siya ng mata. Nakakaramdam siya ng mainit na paghaplos sa kaniyang katawan kung kaya’t bumangon siya kaagad.



Isang tagapagsilbi ang may hawak na basang bimpo at pinupunasan ang kaniyang hubad na katawan na binabalutan ng sarili niyang dugo.



Dumadaing man, ngunit nagbalik sa kaniyang sistema na ang kaniyang minamahal ay hawak ng mga demonyong may itim na kapangyarihan—ang kaniyang sariling pamilya.



Pinaalis niya ang tagapagsilbi at nagsimula nang magpalit ng damit. Nahihirapan man ngunit iniisip niyang mas kailangan ng tulong ni Zanchi sa mga oras na ito. Isa itong ordinaryong tao na walang laban sa mga aswang kung kaya’t ang bawat segundo ay mahalaga.  Kailangan niyang gumawa ng paraan upang iligtas ang taong minamahal.


Madilim sa labas ng kwarto kung saan siya nakapagpahinga. Hawak-hawak niya ang balikat na may benda at ika-ika siyang umapak sa sahig sa madilim na pasilyo. Isang metro pa lamang ang kaniyang nailakad ay may humigit sa kaniyang braso at muling ipinasok sa loob ng madilim na kuwarto.



“Niall? B-bakit ka nasa palasyo?  Ano’ng ginagawa—”



“Nandito ako upang tulungan kayo,” bulong naman ng binatang si Niall. Sinigurado ng binata na mahina lamang ang kaniyang pagsasalita upang hindi sila mahuli kung sakaling may mga kawal sa paligid upang magbantay.



“Alam mo ba kung nasaan si Zanchi?” tanong ni Lucien na nakakunot ang noo dahil sa pagtataka sa ikinikilos ng kaibigan. Naalala niya kung paano niya ito pinaulanan ng suntok kanina sa may palayan.


“Oo, kailangan mo munang magpagaling.” Pilit nitong hinilang muli si Lucien upang maupo sa maliit na kama.



“Hindi! Wala na tayong oras para roon!” pagpupumilit na sabi ni Lucien. Umayos siya ng tayo, ngunit gumuhit muli ang kirot sa bawat ugat niya sa katawan. Mukhang malalim ang ibinaon ng bala ng baril sa kaniyang laman.


“Sa tingin mo magugustuhan ni Zanchi na mawala ka sa gitna ng laban? Lucien, may sugat ka! Isipin mo rin kahit ngayon ang sarili mo,” seryosong sumbat ni Niall sa kaibigan.



“Sabihin mo na lang kung nasaan si Zanchi.” Nilagpasan lamang niya si Niall at ipinagpatuloy ang paglabas niya sa kuwarto.

--

Matapos niyang makita ang babaeng may gawa ng pagbaril sa kaibigan ay kaagad niya itong nilapitan. Tinulungan niya ito dahil hindi siya makapaniwala na kinuha ng isang aswang ang kaibigan nitong si Zanchi.



“Ikaw? Paano ka nakapunta rito?” tanong ni Niall sa dalaga na hindi maawat sa pag-iyak.



“Zanchi! Zanchi! Hindi! Hindi, h’wag mo akong iiwan!” sigaw nito at humagulgol.



“Pupunta ako ngayon sa palasyo, susundan ko sila—”



“Sasama ako! Kailangan kong iligtas ang kaibigan ko!” May luha man sa mga mata nito ay nanatiling matapang ang dalaga.



Kaagad nitong ibinigay ang ilang baril sa binata at binagtas nila ang madilim na kagubatan patungo sa kaharian kung saan dinala ang kanilang mahal na kaibigan.


*28*

Follow for updates @SiriusLeeOrdinary

I'm so sorry for the very late updates.

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon