Warning: 6

4.3K 111 3
                                    

CHAPTER 6

Third Person's POV

Abala sa pagsisibak ng kahoy si Lucien ngayong umaga. Kailangan na mag-imbak siya ng maraming kahoy dahil tag-ulan na sa susunod na buwan. Naalala niya na bukas ay bababa siya sa lungsod para ibenta ang mga punong kahoy na kaniyang naani. Kailangan niya ng pera dahil nauubusan na rin siya ng supply sa bahay, lalo na ngayon at may kasama siya.

May kukuhanin din siyang mga langis at orasyon sa kabilang bayan para maging proteksyon sa knaiyang kasama.

Malalim siyang napabuntonghininga dahil sa ginawa. Desperado na talaga siya sa kaniyang gagawin; ang maging handa sa pagdating ng kabilugan ng buwan sa susunod pang dalawang buwan.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Muntik na niyang ihagis ang hawak na palakol sa bahay niya at dumiretso sa kinaroroonan ng bababe,  ngunit mahalaga ang bahay niya kaya napigilan niya ang sarili. Mahirap kapag nagkaroon ng butas ang bahay kubo niya.

Pagpasok niya sa loob ay kaagad niyang kinuha ang lumang damit at mahigpit na ipinilipit, hanggang sa masiguro niyang kakasya na ito sa bibig ng babae.

"Tulungan niyo—" Napasinghap ang babae nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan ito. Hindi ito nito inaasahan, ang mga mata ni Lucien ay mabilis na naging pula at ilang segundo lang ay bumalik sa normal.

"Bakit!? Bakit naging pula—ackk!" Napakunot ang noo ng babae sa ginawa ni Lucien.

Hinigpitan niya nang kaunti ang tali sa kamay nito na siyang nagpadaing sa dalaga matapos ilagay ang tela sa bibig nito.

"Masyadong kang maingay."

"Ahm! Uhmm! Khaamm phumm," inis na sabi ng babae at sinamaan pa siya ng tingin.

"Baliw ka? Ano pinagsasabi mo?" tanong niya sa babae na hindi niya maintindihan ang sinasabi.

"Pho Tha Kha!!" Akmang sisipain siya ng babae sa kaniyang hinaharap.

Marahas na tinanggal ni Lucien ang tela sa bibig ng babae, may laway pa na tumulo mula sa bibig ng dalaga.

"Minura mo ba ako babae!?" Muntik nang mawalan ng malay ang babae sa naramdamang lamig sa paligid. Nakapapasong lamig na naghari sa apat na sulok ng silid. "Huwag mong sabihin sa sarili mo na kaya mo at matapang ka. Niloloko mo lang ang sarili mo dahil kitang-kita ko iyon sa mga mata mo, lampa ka naman," paliwanag niya sa babae na nangingilid na naman ang mga luha.

"Sino ka ba!? Pakawalan mo na ako!" singhal nito kay Lucien.

Napangisi naman ang huli at tinitigan niya ito nang diretso at seryoso.

"Nakita kita sa isang talahiban. Sa palagay ko iniwan ka ng kung sinong kasama mo. Sa lagay mo na iyon ay hindi ka makalalakad nang ganoon kalayo mula sa bangin kung saan bumagsak ang bus na sinasakyan mo. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa may hawak sa 'yo."

"Hindi ikaw 'yong nasa bus? What I mean, 'yong armadong lalaki na—"

"Mukha ba akong armadong lalaki? Sa tingin ko'y hindi."

"Sino 'yong nakita kong...." Nagtataka ang babae at nag-isip nang malalim sa mga alaala nito.

"Marahil mga tulisan ang mga nag-abang sa inyo sa kalsada?"

"Kung armadong lalaki sila, bakit...bakit nila ako iniwan? Ang ibig kong sabihin...teka ikaw ba ang pinuno nila?"

"Lutang ka ba? Ni wala akong baril o armas. Mabuti pang ibalik ko na itong busal sa bibig mo at nang tumahimik ka," naiinis na sabi ni Lucien sa babae dahil sa kakulitan nito.

"Kinalaban mo 'yong mga armadong lalaki?" Nagtataka si Zanchi kung paano niya naman natalo ang mga armadong mga lalaki gayong wala naman pala siyang armas? Ano magic?

Warning: She is Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now