Chapter 80

7.1K 155 0
                                    

Alex P.O.V.

KUNG maari ko lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na sana. Panay ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa dingding. Four pm and we're about to close.

"Ni-cut pa ang oras ng shift dahil sa despidida sana kanina pa para di na tayo napagod. Saka mhie, baka naman matunaw 'yang orasan kakalingon."

Boses ni Deth ang nagpabalik saa 'kin sa reyalidad. Nagtataka ko siyang nilingon.

"Ha?"

"Kanina pa kita napapansin na kada thirty minutes tumitingin ka sa orasan," anito.

I pouted my lips. "Hindi, ah. Bilisan mo na diyan para matapos tayo agad." Inayos ko ang laman ng kaha.

Maloko niya akong nginisihan. "Ikaw, ha! Bakit? Gusto mo bang mapabilis ang oras para makasama si Sir Jake?" nanunukso niyang tanong.

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Kilabutan ka nga!" Kung alam mo lang ayoko siyang makasama! Gusto ko sanang idagdag 'yon pero pinili kong itikom na lang ang bibig ko.

Hindi na rin nagsalita pa si Deth pero nandoon pa rin ang mapanuksong mga tingin niya.

"Anong hinahanap mo, Miss Crystal?" tanong ni Ariel na nasa likuran ko.

Humarap ako sa kanya. "Nag-check lang ako. Nga pala, wala bang kulang na supply?"

"Wala naman po. Kasya hanggang Sunday. Pero kung gusto niyo rin po mag-order na tayo ng harina kasi baka tumaas na naman."

"Okay. Pakilista na lang din yung ibang kaylangan at kulang para masabi sa supplier," utos ko bago tumalikod pero naalala ko ang cake na sinasabi niya kanina. Nilingon ko ulit siya. "Nasaan na nga pala yung cake?"

Tinuro niya ang oven. "Nandoon pa po. Maya-maya pwede na 'yan." Tumango ako at lumakad paalis. Nag-aayos ako ng mga lamesa ng marinig ko ang boses niya sa likuran ko.

"You're so hardworking, wife."

Hindi ko nilingon si Jake, instead kay Deth ako tumingin para makita kung nakatingin ba siya sa 'min but she's nowhere to be found.

"Because this is my job, sir," madiin kong ani. Akmang lilipat ako sa kabilang table ng hawakan niya ako sa braso't ihinarap sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan at sinubukang bawiin ang braso ko but he won't let go. "Let go of me!"

"Not so fast, wife. We still need to catch up," anito't hinila ako pa-upo. Bale nasa harapan ko siya.

Sumandal ako't tumingin sa labas ng bintana. Nakakainis! Sobra! Kung bakit ba naman kasi kaylangan naming magkita agad! Babalik naman na ako, ah. Napuno ng katahimikan ang pagitan namin.

"Kung wala kang sasabihin pwede na ba kong umalis dahil madami pa kong gagawin," masungit kong sabi. Akma akong tatayo ng hawakan niya ang kamay ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako.

"How are you, wife?" mahina niyang tanong.

Gusto kong matawa. "I'm good. Happy. Satisfied!"

"Wouldn't you ask me?"

Dapat ko bang sabihin, he looks like a shit! Mahaba ang balbas. Madilim ang ilalim ng mata and his body . . . nangayayat.

"Actually I don't care about you anymore, Jake."

Bumalatay ang sakit sa mata nito. "Alex . . . you left me—"

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now