Prologue

34.2K 518 0
                                    

NAMILOG ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakatayo katabi ni Sir Romano.

"OH, MY GOD!" bulalas ko nang mapagtantong ito ang bagong may-ari ng Café.

Unti-unting napuno ng sari-saring emosyon ang dibdib ko nang magtama ang mata naming dalawa. Hindi humihiwalay ang mga mata niya sa'kin, na para bang nag-aasar pa dahil alam nitong wala na akong kawala't nahuli na ako.

"By the way, he is Jake Gabriel Anderson. The new owner of this café, and your new boss!" pagpapakilala ni Sir sa'min. Nilingon ako ng lalaki. "And Crystal, ikaw ang magiging secretary ni Jake for the mean time. You will teach him everything about this Coffee shop," dagdag pa nito.

Nalunon ko yata ang dila ko dahil hindi ko magawang makasagot. Napakagat ako sa labi at sabay yuko.

Ramdam ko ang tingin ng lahat sa'kin pero ayokong mag-angat ng tingin. Tumikhim si Sir Romano, tikhim na alam ko ang ibig sabihin. Mariin akong napapikit.

"Is that clear?" madiing tanong ni Sir.

Wala akong nagawa kundi ang mag-angat ng tingin. Dahan-dahan akong tumango kahit labag sa loob ko.

"So... she's my secretary?" malalim na boses na tanong ni Jake kasabay ng pilyong ngiti.

Masama ko siyang tiningnan at pasimpleng inirapan.

The devil is back, huh.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon