Chapter 32

8.1K 154 1
                                    

Alex P.O.V.

GUMISING ako saktong five o'clock. Nilingon ko si Jake na tulog na tulog pa rin sa tabi ko. Marahan kong inalis ang braso niyang nakapatong sa bewang ko. I smile nang maalala ko ang nangyari sa 'min. Last night is amazing. He makes me feel love, safe, and desirable. Hinalikan ko siya sa noo bago bumaba ng kama.

Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. Pagkalabas ko ng banyo ay tulog pa rin ang asawa ko kaya nakapagbihis ako ng mabilis. Nang matapos ay lumabas ako ng kwarto't bumaba ng kusina para ipagluto ng almusal si Jake.

Binuksan ko ang cellphone ko at nagpatugtog. Medyo inaantok pa ko dahil madaling araw na kami natulog ni Jake. Wala pa nga yatang tatlong oras ang tulog ko. Hindi ko pa rin nagagawa ang mga office works ko. Binilisan ko ang pagluluto.

Natapos ako mag-ayos ay six-ten na. Kinuha ko ang tray at inilagay doon ang niluto ko. Nag-succeed naman ako sa pagluluto ngayon ng bacon and egg, pati ang bread ko hindi nasunog. Sinamahan ko rin ng juice at kape. Umakyat ako sa hagdan at binuksan ang pinto ng silid namin gamit ang isang paa, hindi kasi nakasara ng maayos ito.

Nagulat pa nga ako ng makita si Jake na naka-upo sa kama at nakatingin sa 'kin. Walang takip ang itaas na katawan nito, at ang tumatakip lamang sa kaselanan niya at ang gray na duvet.

"G-good morning!" kinakabahan kong bati bago lumakad palapit sa kama. Ibinaba ko ang tray sa gilid. Lumapit ako kay Jake pagkatapos hinalikan siya sa labi.

Pumaikot ang braso niya sa bewang ko. "Good morning, wife. Ang aga mong nagising. Hindi ka ba napagod?" pilyong tanong niya.

Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa hiya.

"Hubby, may pasok tayo ngayon sa office kaya kumain ka na ng almusal at maligo," bilin ko. Tiningnan niya ang tray at kumuha ng bacon and egg, pinalaman niya 'yon sa tinapay at inabot sa 'kin. "What?"

Maang siyang tumingin sa 'kin. "Hindi ka pa rin kumakain, sure ako. That's why we're going share." How did he know that?!

Instead na sumagot ay kinuha ko na lang ang tinapay at kumagad doon. Itinapat ko sa mukha niya ang tinapay. Kumagat siya hanggang sa maubos namin ang inihanda ko. Naunang tumayo si Jake at akmang kukuhanin ang tray nang pigilan ko siya.

"Ako na, hubby. Maligo ka na." Kinuha ko ang tray at lumakad palabas ng kwarto pero bago 'yon ay napansin kong dinala ni Jake ang cellphone niya sa banyo.

Kataka-taka naman dahil hindi naman ito nagdadala ng gadgets sa banyo pero ngayon ay ginawa niya. Ngunit ipinagkibit-balikat ko 'yon at binaba na ang pagkain namin. Pagkababa ko ay kumuha ako ng tubig at uminom.

Hinugasan ko ang plato at pagkatapos ay pumanik na sa kwarto namin. Dumeretso ako sa walk-in-closet, kumuha ako ng isang pencil cut na skirt above the knee at isang coat na kulay gray. Ganito ang suot ko minsan, madalas ay slacks dahil mahirap magkikilos kapag naka-skirt.

Naglagay ako ng light make-up pagkabihis ko. Isinuot ko ang four inches heels ko. Kinulot ko ang buhok ko. Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Nang okay na ako sa sarili ko ay bumalik ako sa walk-in-closet, kinuha ko naman ang damit na isusuot ni Jake sa trabaho ngayong araw.

This is the first time na magagawa ko 'to sa kanya. Madalas kasi ay siya ang pumipili ng damit na gusto niya at nauuna siyang magising sa 'kin. Nang maibaba ko 'yon sa ibabaw ng kama ay saktong bumukas ang pinto ng banyo, iniluwa no'n si Jake.

Inayos ko ang mga dadalhin kong gamit at hinintay na lang si Jake na matapos. Pumasok ako sa banyo para umihi. Lalabas na dapat ako kaso napansin ko ang cellphone ni Jake na nagvi-vibrate sa may tiles. Lumapit ako do'n at akmang kukuhanin ang phone ng sumulpot si Jake.

"Wife," tawag niya sa 'kin.

Tumingin ako sa kanya bago muling bumaba ang tingin sa telepono. Huminga ako ng malalim.

"Ahm . . . someone is calling you. Sasagutin ko sana kaso ay nandiyan ka na," ani ko. Lumapit si Jake at kinuha ang cellphone niya. Instead na sumagot ay pinatay niya ang tawag. Tumaas ang kilay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng banyo. Nang nasa labas na kami ay binitawan ako ni Jake at sinumulang ayusin ang necktie niya. Ilang beses kong pinanood si Jake dahil panay ang alis at kabit nito.

Napa-iling ako. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang necktie sa kanya. Dahil may malaking salamin sa pader namin na nakaharap sa kama naming mag-asawa kaya kitang-kita ko ang ayos namin ni Jake ngayon.

Nang matapos ako ay inalalayan ko siya sa pagsusuot ng coat niya. Sabay kaming lumabas ng kwarto at bumaba. Dala ni Jake ang mga gamit namin, ayaw ko ngang ipadala ang sa 'kin pero mapilit siya. Ayaw daw niyang mapagod ako.

Pagpasok namin sa koste ay pinaadar na agd niya 'yon paalis. Habang nasa daan ay tahimik lang kami. Tunog lang ng sasakyan ang maririnig. Humarap ako sa bintana pinapanood ang traffic na nagpapatagal sa 'ming byahe. Nilingon ko si Jake nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa 'king hita. Walang expression ang mukha nito at seryosong nakatingin sa daan. Hinigpitan ko ang hawak.

Hindi ko na napansin ang pinupuntahan namin dahil nakatulog ako. Nagising na lamang ako ng haplusin ni Jake ang pisnge ko.

"Hubby, bakit tayo nandito?" pupungas-pungas kong tanong pagkababa namin ng sasakyan. Nasa harapa kasi kami ng kompanya namin. "I thought do'n tayo sa company niyo?"

Hinila niya ako papasok ng building.

"Dad called me na dito na dumeretso. They will talk to us." Pinindot ni Jake ang open button ng elevator. Ilang saglit pa ay bumukas iyon, lumabas ang ilang empleyado at pumasok na kami sa loob.

They greeted us and we greeted them back.

Pinindot ni Jake ang button ng floor. Ini-lock ko ang braso ko sa braso ni Jake. Pagkatapos ay hinalik-halikan niya ang tuktok ng ulo ko. May iilang emplyado ang napansin kong ngumingiti ng pasimple habang nakasilip sa 'min ni Jake. May iilan din namang nag-iilang. Sobra na kaming PDA?

Tumunog ang elevator nang makarating sa isang tamang floor. Naglabasan ang ibang empleyado na nasa loob ng bumukas ang lift, hanggang sa naiwan kami ni Jake dahil sa top floor pa ang punta namin.

Paglabas namin ng elevator ay sinalubong kami ni Jay at Carl. Yep, lalake sila dahil selosa si mommy sa mga lalaking umaaligid kay Dad dahil madalas ay nilalandi nila si Daddy. At ako? Nasanay na kong lalaki ang secretary kaya pinagpatuloy ko na. Hangga't nagagawa naman ang trabaho nila.

"Nasaan sila Dad?" tanong ko kay Jay na kumuha sa bag ko.

"Nasa office niya po, Miss, kasama ang father-in-law niyo," sagot nito at tumalikod. Nakatinginan kami ni Jake at pumunta sa office ni Dad. Pagpasok ay naabutan namin ang dalawang na naglalaro ng chess.

"Checkmaket," ani ko ng makalapit sa table nila. Nagtaas sila ng tingin sa 'min ni Jake at ngumiti.

Ngumiti ako at humalik sa pisnge nila. Nakipag-fist bump naman si Jake sa dalawa.

"Mabuti nandito na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay," ani Dad at iniligpit ang chess pieces. Umupo kami ni Jake sa visitors chair ni Dad sa harapan. Pinindot nito ang intercom at tinawag si Carl. "Bring us coffee here, Carl. No sugar and cream."

"Okay, let's start," ani Jake na nakahawak na naman sa kamay ko. That's actually sweet.

Nag-start na kami kung anong gagawin sa mergicing party ng dalawang company. Medyo hectic ang schedule pero magagawaan naman ng paraan. Kukuha na lang ulit ng organizer para sila na ang bahala kung paano ang gagawin. Sinabi na rin sa 'mi ni Dad na si Jake ang magha-handle ng company namin pagka-merge na dapat kaming dalawa kaso sinabi na pala ni Jake na ayaw niya akong magtrabaho dahil baka raw mapagod ako.

Ngayon nasa office na ako. SInabi na ni Dad ay baka raw gawin niyang isang office na lang ang floor na ito dahil iisang tao na lang naman ang magpapatakbo. They are going to retired na sa pagwo-work. Gusto na lang daw nitong manatili at magkabasyon kasama ni Mom, balak nilang magpunta sa Europe at mag-stay sa Las Vegas.

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now