CHAPTER 21

9.9K 197 3
                                    


Alex P.O.V.

PAGKATAPOS naming kumain ng almusal ay pumanik ulit si Jake sa kwarto, samantalang ako, naiwan sa kusina para iligpit ang pinagkainan naming dalawa. Inilagay ko silang lahat sa lababo, hinugasan ko na sila para mamaya magpapahinga na lang kami.

Nang matapos ko lahat ng hugasin ay naglakad ako papunta ng sala para mag-intay kay Jake. Inabala ko muna ang sarili ko sa pagse-cellphone. Tumaas ang kilay ko ng may pumasok na message galing sa isang unknown number.

0935*******

We'll meet soon.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "We'll meet soon?" nagtatakang tanong ko. I will dial the number but Jake suddenly show up at the end of the stair. He have this questioning look while looking at me.

"Are you okay? You look bothered," he asked. Nilapitan niya ko't humawak sa braso ko. Ang isang kamay naman niya ay nasa bewang ko.

Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti, "oo naman. Are you ready na? We need to go, baka wala tayong misang maabutan," ani ko.

"Are you sure?" paninigurado niya.

Tumango ako ulit. Marahan kong inilagay sa bag ko ang cellphone bago hinila palabas ng bahay si Jake. Maybe that text message is wrong sent. Hindi ko na lang iintindihin muna. Saka . . . I have a plan . . . about this man . . . I gulped. I want to—no I need to help him change his feelings for me.

What a nice plan.

Nang makalabas kami ng bahay ay tinungo namin ang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto, nakangiti akong sumakay at sinarado ang pinto bago umikot si Jake papuntang driver seat. Nang makapasok siya sa loob ay pinaandar na niya ang sasakyan paalis.

Tiningnan ko si Jake na ngayon ay nagdra-drive, he looks so cool while driving. Pakiramdam ko tuloy natural lang sa amin ang ganito. Yung . . . natural lang siya.

Bawat ngiti at hawak namin . . . parang tama lang.

It feels so right.

Huminga ako ng malalim. My heart is starting to beat faster na than the usual, again. And it's because of the same person, him.

*****

HABANG nasa byahe ay tahimik lang kami pareho. Wala kang ibang maririnig kundi ang hininga namin, tunog ng radio at aircon. Hindi awkward yung peace na nasa atmosphere na 'to, I mean . . . okay lang siya. Nakaka-relax nga, eh. Nilingon ko si Jake na seryosong nakatingin sa kalsada.

"Jake, can we stay until dinner in my parents house? Dad wants us to have dinner there," I asked.

He looked at me, smile. "Okay. Malapit na rin tayo sa simbahan."

I keep quiet for the whole drive, nang malapit na kami sa simbahan ay nag-ayos na ko sa sarili. Pinanood ko na mag-park si Jake ng sasakyan. Nang huminto ang sasakyan ay naunang lumabas si Jake, umikot siya sa may gilid ko at pinagbuksan ako ng pinto. Ngumiti ako sa kanya.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng simbahan. Bago kami nagpunta sa may upuan, nag-sign of the cross muna ako. Sa pinaka-dulo kami pumuwesto dahil doon na lang may bakanteng upuan.

Dahil nga Sunday ay maraming nagsisimba. Hindi pa rin nag-uumpisa ang misa, nakakatuwang nakaabot kami ngayon.

Ilang saglit pa ay nag-umpisang tumugtog ang piano.

"Magsitayo po tayong lahat," ani ng speaker. Tumayo kami. Habang nag-uumpisa ang misa ay napupuno rin ang upuan namin ni Jake kaya nagkadikit ang braso naming dalawa.

Habang nagsasalita si Father sa harapan ng kanyang homily ay matiim akong nakikinig. Ang homily ngayong araw ay tungkol sa mag-asawa at pamilya. Napalingon ako kay Jake, tahimik ito at mukhang nakikinig nga kay Father.

Humarap ako sa harapan. Naghikab ako dahil sa antok ngunit nabuhay lahat ng dugo ko ng maramdaman ang mainit na bagay sa ibabaw ng hita ko. Bumaba ang tingin ko doon at nakita ang kamay ni Jake. Nakahawak sa mga hita ko, dahil naka-dress lang ay ramdam ko ang mainit niyang palad.

Napalunok ako't tiningnan ito. Seryoso siyang nakatingin sa harapan. Nag-init ang pakiramdam ko dahil do'n. Mariin akong pumikit. Jusko, Alexandra, magtigil ka! Nasa loob ka ng simbahan, ha!

Hindi na ako nakapag-focus sa buong duration ng misa dahil sa mga kamay ni Jake. Mayroong pipisilin niya ang hita ko, magguguhit ng kung ano-ano doon o kaya naman ay magtataas baba ito. Nag-aalala akong may makita sa ginagawa nito't pag-isipan pa kami ng masama. Sabihin pa wala kaming hiya dahil sa simbahan pa talaga.

Bago wakasan ng Pare ang kaniyang misa ngayong araw ay may tinawag siyang mag-asawa sa harapan.

"Sila po sina Antonio at Dolores Sandoval. Madalas po silang magsimba dito sa 'tin kaya nakilala na namin sila . . . naging kaybigan rin. Ngayong araw ang kanilang seventieth anniversary. Kung inyong iisipin ay napakatagal na ng kanilang pagsasama. Tumagal sila ng sitentang taon dahil sa pagtitiwala, pagmamahal, pag-intindi sa isa't isa. Higit sa lahat, ginawa nilang sentro ang Panginoon.

Kabisadong-kabisado niyo na siguro ang kasabihang 'ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo na kapag napaso ay iluluwa', dahil kung gusto niyo talagang magtagal ang relasyon niyo ay kaylangan niyo 'tong piliin. Dahil ang pagmamahal, hindi lang puro saya, puro sarap. May kalakip din itong sakit, hirap at lungkot na kaylangan malagpasan ng mag-asawa.

Naririto ang buhay na patunay kung saan kung pipillin niyong magtagal ay magtatagal talaga kayo. Kesyo man mapagod o masaktan, masiyahan o masarapan," mahabang sabi ni Father.

Pumasok sa isip ko lahat ng binitawan niyang salita. Para siyang sumampal sa 'kin—na pinili ko 'tong relasyon na 'to. Path na 'to kaya kaylangan kong mag-stay. Kaylangan naming mag-stay.

Hanggang sa makalabas kami ng simbahan ay hindi ko maiwasang hindi tingnan ang mag-asawang tinutukoy kanina ni Father. Nandoon pa rin sila, naka-upo at mahinang nag-uusap. Bakas na ang katandaan sa hitsura nilang dalawa pero hindi mo maipagkakaila ang mga tinginan nila. Mahal na mahal nila ang isa't isa.

Napangiti ako. Aabot kaya kami ni Jake sa ganiyang edad? Magkakasama pa kaya kami niyan? Sana umabot kami ni Jake sa ganiyang edad, sana maging mahal na mahal din namin ang isa't isa. Pero napawi rin ang saya sa didbib ko ng isang reyalisasyon.

Hindi mangyayari ang bagay na 'yon dahil limang buwan na lang ang itatagal ng relasyon namin. Limang buwan na lang kaming magsasama . . . at pagkatapos no'n? Tapos na. Finish na.

Magkasabay kaming lumabas ni Jake ng simbahan. Nakahawak siya sa kamay ko habang binabagtas namin ang parking lot kung nasaan ang sasakyan.

Hinarap ako ni Jake. "Deretso na ba tayo sa bahay ng parents mo?" tanong niya habang pinaglalaruan ang kamay ko.

Ngumiti ako't tipid na tumango. Pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat. Sumakay ako sa loob. 

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now