Chapter 14

10.4K 214 12
                                    

Alex P.O.V.

NAGISING ako sa mahihinang tapik sa balikat ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa 'kin ang taong ayoko nang makita. Inirapan ko siya. Hindi ko na namalayan ang oras kagabi ng matulog ako. Buti na lamang at hindi ako binangungot dahil sa lalaking 'to!

And speaking of, tahimik lang si Jake na nasa tabi ng kama.

Nasira na niya ang araw ko hindi pa man siya nagsasalita. Bumangon ako't umayos ng upo. Malamig ko siyang tiningnan.

"What do you need?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Nagbuntonghininga ang lalaki. Umupo siya sa gilid ng kama. From my peripheral vision ay nakita kong nakatingin siya sa 'kin.

"Can't you look at me now?" nag-aalangang tanong niya sa 'kin.

Napakamot sa ulo si Jake. "I'm here to say sorry, Alex. Na-realize kong hindi tama ang ginawa ko. Ang plano namin ng girlfriend ko. Hindi tama 'yung ginawa ko. Sorry, Alex. Hindi ko gustong lokohin ka pero nawalan na ko ng choices. Iiwan niya ko kung hindi ko siya sinunod. I love her, Alex. I don't want her to leave me," mahaba niyang paliwanag.

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya.

"Mas pinili mo na lang akong saktan kaysa magsabi ng totoo, Jake?" mapait kong tanong. Seryoso ko siyang tiningnan. "Sana naisip mo lahat ng 'yan bago mo ginawa ang ginawa mo. Kung talagang mahal ka niya papalayain ka niya. Hindi naman kasi lahat dapat pinaglalaban! Isa pa, kung mahal ka talaga niya sana wala tayo sa gulong 'to," halos pabulong kong saad ang huling mga katagang binitawan ko.

Tinulak ko siya't tumayo palabas ng kwarto. Ayoko siyang makasama sa iisang lugar. Nakakasakal. Baka mamaya siya na ang masakal ko sa inis.

Akala ko talaga totoo na lahat. Na ginagawa niya sa 'kin 'yon para maging maayos kaming dalawa. Pero hindi pala.

Nang makalabas ako sa deck ay kitang-kita ko na ang isla. Kaunting distansiya na lang ang meron. Kaya ko namang languyin ang pagitan kaya walang pagdadalawang isip na tumalon ako sa tubig.

Napangiti ako ng maramdaman ang malamig na tubig na yumakap sa katawan ko. Nabawasan ang isipin ko dahil do'n. Lumangoy ako papuntang pangpang. I know how to swim and hindi ako malulunod ng ganito lang.

Sumisid ako sa tubig upang makita ang ganda ng ilalim ng karagatan.

Jake's P.O.V.

SINUNDAN ko ng tingin si Alex ng lumabas siya ng kwarto. I feel sorry for her. Ayoko pa namang may babaeng umiiyak at nasasaktan but I hurt her. Kanina'y nagdadalawang isip pa ko kung gigisingin siya para sabihing nasa isla na kami. Baka kasi mambato na naman siya ng sinelas katulad kagabi.

I tried it but I just got a cold treatment instead. Nakakapanibago but deserve ko 'yon.

Hindi ko tuloy alam kung magsisisi ba kong sinabi ko sa kanya ang totoo. I'm just too guilty kaya nagsabi na rin ako bukod sa pinapasabi na sa 'kin ng girlfriend ko.

Ginulo ko ang buhok ko. Nangangamba kong baka sabihin niya sa mga magulang namin ang totoo. Kapag ginawa niya 'yon ay masisira lahat ng plano ko.

Kumunot ang noo ko ng makarinig ng malakas na bumagsak sa tubig. Tinambol ng kaba ang dibdib ko. Mabilis akong tumayo't tumakbo palabas ng deck. Nagdikit ang kilay ko ng makita si Alex na lumalangoy papuntang pangpang. Nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis kong kinuha ang phone ko't ni-dial ang number ng receptionist na magpadala ng jet ski para sunduin si Alex sa tubig!

Ano bang naiisip ng babaeng 'yon at tumalon siya sa dagat?! Alam ba niya kung gaano kalalim ang parteng ito? Paano na lang kung nahila siya ng propeller!

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon