Chapter 62

6.5K 127 0
                                    

Alex P.O.V.

NAGISING ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Bumangon ako at tumingin sa asawa ko. Nakadapa siya ng higa. Bumangon ako at umupo. Napahilamos ako sa mukha ko dahil medyo nahihilo pa ako. Tumingin ako sa pinto ng banyo. Bumaba ako at naglakad papunta doon. Ginawa ko na ang morning rituals ko.

Paglabas ko ay gising na si Jake. Namumungay ang mata niya nakatingin sa 'kin.

"Aalis ka?"

"Hindi, bakit?"

"Maaga pa kasi, wife. Wala ka naman palang pupuntahan." Tumayo siya at lumakad palapit sa 'kin. Hinila niya ako payakap at nagsumiksik sa leeg ko. "Wife, I don't want to in the office."

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya. "Why? May sakit ka?" Sinalat ko ang leeg at noo niya bago siya hinarap. "Wala ka namang sakit. Hindi ka pumasok kahapon baka mamaya matambakan ka ng work."

Lumayo ako sa kanya at pumasok sa walk-in-close. Kaylangan kong pumunta sa clubhouse para maglakad ng design, upuan at lamesa. Naabutan ko si Jake sa pwesto niya kanina paglabas ko. Nilapitan ko siya at hinila papuntang banyo. Hindi ako makakaalis ng nandito siya. Malalaman niya ang surprise.

"Ligo ka na and pasok sa work, hubby." Tinutulak ko na siya papunta sa CR pero para siyang bato na hindi mo maigalaw. Tiningnan ko siya ng masama. "Dali na!" pamimilit ko.

"Oo na," sagot nitong labas sa ilong. Pumasok na ito sa loob ng CR at sinarado ang pinto. Lumapit ako sa may vanity mirror at nag-ayos ng sarili. Habang nakatingin sa reflection ay nakita ko ang kwintas na binigay niya sa 'kin.

Hinawakan ko 'yon at napangiti. North star. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos. Bumaba ako, pumunta ng kusina. Naabutan ko si Abby na nagluluto ng almusal. Nginitian ko siya.

"Good morning, Abby," bati ko. Lumapit ako sa cabinet at kumuha ng dalawang cup for coffee.

"Good morning po, Ate. Ako na po diyan." Akma niyang kukuhanin ang tasa pero iniwas ko agad sa kanya.

"Nope, hindi na. Ako na dito. Pasok ka na sa school, male-late ka," puna ko.

Tumingin ako sa niluluto niya. Mabilis niyang pinatay 'yon at sinalin sa mangkok. Nginitian niya ako.

"Ate, mauuna na po ako," paalam niya. Tumango ako.

"Ingat ka," bilin ko. Niyakap niya ako bago umalis. Nagtimpla ako ng kape at chocolate para sa 'min ni Jake. From here, I heard footsteps. Pumasok sa kitchen si Jake na naka-suot ng black suit. Dala niya ang tray na ginamit namin kagabi. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang dala niya para ilagay sa sink.

"Kain ka na, hubby tapos pasok ka na sa work," aya ko. Ibinaba ko sa table ang kape. Umupo si Jake sa table.

"Bakit pakiramdam ko pinapalayas mo na ako, wife," nakasimangot na ani Jake.

Nginitian ko siya. Sinalinan ko ng pagkain ang plato niya. "Hindi naman, hubby. Ikaw lang ang inaalala ko. Kapag natambakan ka ng work mapapagod ka and male-late ng uwi, hubby. I was a COO before, so I know how hard it is."

He sighs in defeat. "If you say so, wife."

"I love you, hubby," malambing kong ani. Biglang nawala ang kunot nito sa noo at matamis na ngumiti. Napangiti na rin ako. Magkahawak ang isang kamay namin habang kumakain. Para kaming teenagers na nagde-date.

Nasa may gate kami, dala ko ang bag na pinaglalagyan ng lunch niya.

"Kumain kang mabuti, hubby. Wag kang magpapagutom," bilin ko saka nilagay sa passenger seat ang bag. Humawak si Jake sa bewang ko at hinalikan ako sa noo.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon