Chapter 76

6.4K 140 0
                                    

Jake's P.O.V.

"BULACAN?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumawa siya. "Yes, actually I saw her. She talked to my friend. One of my friend . . . nakita siya sa isang café sa Bulacan."

Nanlaki ang mga mata ko. Nakaramdam ako ngayon ng galak dahil sa sinabi niya. Nginitian ko siya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

"Really? W-who's your friend? C-can I know her name?" nanginginig kong tanong.

"My friend is not here anymore. Umalis na siya ng bansa at matagal ba bago bumalik," sagot niya. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone niya. Inilabas niya 'yon sa bag niya at minuwestra ang kamay niya sa harapan ko. "Yes? Honey, okay. Malapit na ako. I will go now." Apologetic siyang tumingin sa 'kin. "Sorry, Jake. I need to go. Hinahanap na ako ng fiancé ko. See yah!" she said and turn her back at me.

Para akong tanga na nakangiting mag-isa. Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko 'yon magawa. Nagtatalon ako sa tuwa at nagsisigaw.

"YES!!!! YES!! I ALREADY FOUND HER!! WHOAAA!!" sigaw ko. Nagsusuntok ako sa hangin.

Makikita ko na siya ngayon. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Kinuha ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Jessie habang naglalakad palabas ng mall. Napakalaki ng ngiting meron ako ngayon.

"Yes, Sir?"

"Jessie, call the private investigators now. As in now! Someone saw Alex in Bulacan! I don't know the exact spot in Bulacan kaya ipalibot mo sa kanila ang buong probinsiya. Wala akong pakialam kung magkano ang magastos basta kaylangan ko ng mabilisang update!" Binaba ko ang tawag at sumakay sa kotse ko. Dumeretso ako sa bahay namin ni Alex para iuwi ang regalo para sa mga anak ko.

Alex P.O.V.

"MAMA?!"

Napalingon ako ng tawagin ako ni Aris na nakatayo sa may pinto na pupungas-pungas ang mata. Lumapit siya sa 'kin.

"Ano pong ginagawa mo dito sa labas?" inaantok niyang tanong.

Nginitian ko siya at binuhat. Ngayon ay naka-upo na siya sa hita ko at nagsumiksik sa leeg ko. Niyakap ko siya.

"May iniisip lang si Mama. Ikaw, bakit gising ka pa?" hinaplos ko ang buhok niya at kinamot ang likuran niya para mabilis siyang makatulog.

"Nagising po kasi ako tapos di kita nakita," naghihikab niyang sagot. Napa-iling ako at tumayo na. Binuhaty ko siya papasok sa loob ng bahay. Ni-lock ko muna ang pinto bago pumasok sa kwarto namin. Hiniga ko siya sa tabi ni Aura at tumabi sa kanila.

"Mama . . . kelan ko makikita ang lolo at lola ko?" tanong niya.

Inumpisahan kong haplusin ang leeg buhok niya. Natigilan ako.

"O-oo naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi po nakita ko yung ibang bata sinusundo ng lola nila tapos kami wala."

Mukhang tama nga si Romano. Magtatanong at magtatanong ang mga bata tungkol sa pinagmulan nila. Pumikit ako at mariin. Sa gagawin kong desisyon ay sigurado akong pagsisisihan ko pero kung kaligayahan ng anak ko . . . why not? Huwag lang silang masasaktan, okay na ako.

Hinalikan ko siya sa noo bago pumikit. Ilang sandali pa ay tinangay na rin ako ng antok.

******

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon