chapter 15

10.2K 209 2
                                    

Alex P.O.V.

ISANG buwan ang matuling lumipas simula nang ikasal kami ni Jake. Isang buwan na rin pala simula ng umalis kami sa isla't nalaman ko ang totoo. Hindi naging madali ang naging pagsasama namin. Ang daming sigawan at away sa pagitan namin hanggang sa nakapag-usap kami ng maayos.

Simula no'n ay naging civil na kami sa isa't isa. Mag-uusap lang kapag may kaylangan o itatanong na dapat alam ng isa sa 'min, pero kung wala . . . para kaming hindi magkakilala sa loob ng sarili naming bahay.

Walang pansinan unles nandiyan ang parents naming dalawa. Aakalain mong nakakakain kami ng isang sakong asukal sa ka-sweet-an.

Wala kaming pakialamanan sa isa't isa. Hindi namin inuubligang sabihin kung saan kami pupunta at kung sinong kikitain namin. Basta lang alam na, na kapag wala sa bahay nasa office o kaya naman gala ang isa sa amin.

Bumuntonghininga ako at tumayo. Lumakad ako papuntang kusina at naghanap ng pwedeng i-luto, pero tumunog ang phone ko kaya napatigil ako. Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Oy, Alexandra, ako 'to!" ani mula sa sa kabilang linya. Nagpatuloy ako sa ginagawa kong paghahanap ng pagkain.

"Lia, why did you call? May problema ka ba?" tanong ko bago sumandal sa pinto ng ref.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya nagtaka ako. It's very unusual of her na tatawag then hindi magsasalita. I listen to the sounds sa kabilang linya. Parang may nagkaka-ingay. Mukhang wala naman sa bar ang babae, and maaga pa para mag-bar.

Nanlaki ang mata ko ng makarinig ng nagsisigawan sa kabilang linya. Mas lalong nagdikit ang mga kilay ko.

"Hoy, babae!! Mas malandi ka, wag kang papakabog!! Hindi naman ako nakikisalo sa may asawa nang may asawa! Ikaw ang malandi! Mang-aagaw ka!!"

Napatayo ako dahil sa sigaw niyang iyon. Galit na galit si Lia sa kung sinong kausap. Ano 'yon? May sabit ang lalaking dine-date niya ngayon?

"Lia?! Lia?! Where the hell are you?! Amelia?!" kinakabahan kong tanong ngunit nawala na ito sa kabilang linya.

Mabilis akong lumabas ng kusina. Tinakbo ko paakyat ang hagdan para magpunta sa kwarto naming mag-asawa. Akmang kukuhanin ko ang shoulder bag ko ng mag-ring ulit ang cellphone ko.

Agad kong sinagot iyon ng makita kung sinong caller.

"Hello—"

"Hoy, Alexandra! Mag-uusap tayo! Pumunta ka sa tambayan ng barkada! Ngayon. Na!" madiin niyang utos at walang sabi-sabing pinatay ang tawag.

Natigilan ako dahil do'n. Shit. Bakit pakiramdam ko'y may nangyaring hindi maganda? May . . . sumuntok yata sa 'king dibdib at sikmura. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

Dahan-dahan akong lumakad palabas ng bahay. Iniisip ko kung may kasalanan ba ko o kaya naman may nakalimutang importanteng bagay na nakapagpa-init sa ulo ni Lia?

Lulan ako ng taxi papunta ng condo naming apat. Yes, may condo kami. Doon ang tambayan namin noong college. Minsan na rin kaming tumira doon dahil sa kanya-kanyang problema sa pamilya.

Pinahinto ko ang taxi sa harapann ng condominium building. Nagbayad ako bago bumaba. Tumingala ako sa building ng makalabas ako. I'm having a cold feet right now. Pupwede kayang saka na lang ako makipagkita? Kinakabahan talaga ako sa tono ni Amelia. Minsan lang siya magseryoso.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon