Chapter 33

8.4K 182 6
                                    

Jake's P.O.V.

I'm watching her closely while she's reading a document. I didn't continue to go to my company when the meeting finished. I stay here with her. And I'm glad I did.

Alex is really hardworking. She has the potential to become a great CEO, but . . . the problem is me. I don't want her to work. To tire and stress herself with tons of work lalo na't kaya ko naman.

Mas gusto kong nasa bahay siya. Naghihintay sa 'kin pag-uwi habang inaalalagaan ang mga anak namin. Gusto kong magbuhay reyna siya doon. At ang isasalubong niya sa 'kin ay mainit na yakap at halik. Napangiti ako dahil do'n. Naaatat na tuloy akong magka-anak kami.

A little version of me and her.

Bumaba ang tingin ko sa impis niyang tiyan. Kailan kaya 'yon magkakalaman? Lumapit ako kay Alex at niyakap siya. Nakahinga ako ng maayos nang magkatabi na kami. Para kasi akong kinakipos ng hininga kapag malayo siya sa 'kin, unlike now. Mabuti na lang at sa sofa nagbabasa si Alex dahil hindi kami pupwede sa table niya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at pinanood siyang mag-type sa laptop niya.

Inipon ko sa kabilang side ang buhok niya at hinalik-halikan ang mabangong leeg ng asawa ko. Naramdaman ko ang pagtigil niya at hampas sa hita ko. Nilingon niya ako ng masama.

"Why?" inosenteng tanong ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ikaw, ha. Di ka ba nagsasawa, hubby? Kagabi lang ay hindi mo ako pinatulog."

Napangiti ako dahil do'n. Hinalikan ko siya sa labi at hinawakan ang pisnge niya. Pumasok na naman sa alaala ko ang nangyari sa 'min kagabi. Sobrang sarap.

"Hinding-hindi ako magsasawa sa 'yo, wife," bulong ko.

Nakatingin siya sa 'kin na may halong pagkamangha. Hinawakan niya ang pisnge ko't humalik sa tungki ng ilong ko.

"Te dua, Jake," pabulong niyang sabi pero sapat para makarating sa pandinig ko.

Kumunot ang noo ko. "What's te dua, wife?" nagtatakang tanong ko.

Instead of answering me ay hinalikan niya ako sa pisnge, "saka mo na ako sasabihin sa 'yo, Jake ko," aniya at tumayo. Nag-umpisa siyang ayusin ang mga gamit niya.

Hmm . . . Jake ko? Ang sarap namang pakinggan.

"Past lunch na pala, hubby. Kain na tayo sa isang fast-food na malapit dito," aya niya sa 'kin.

Sunod kong iniligpit ang mga gamit ko at sumunod sa kanya paglabas ng office. Huminto ito sa tabi ng table ng secretarty niya at may binilin yata.

"Call me once na may dumating, okay?"

"Noted, boss."

Sumimangot ako. Kanina pa ako naiinis sa secretary niyang ito. Kung makalapit siya sa misis ko akala mo kung sino. Ano sobrang close na nilang dalawa? Tsk. Mabuti na lang sinabi ng misis ko na kasal na ang lalaking 'yon kundi binasag ko na ang mukha niya.

Nasa baba na kami ng mag-umpisang maghalungkat si Alex sa bag niya. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Wife, what is it? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.

Tumingin ito sa 'kin, "ahm . . . hubby, may nakalimutan ako sa taas. Wait me here and babalik ako agad," sabi niya bago pumasok sa loob ng building. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Tumayo ako sa may gilid at naghintay sa asawa ko. Tumingin ako sa labas nang may mapansin akong nakatayo sa tabi ng isang poste. Nakatingin siya mismo sa gawi ko kaya nagtaka ako. That person is wearing a hoodie kaya hindi ko makita ang mukha niya. Di ko na sana bibigyan ng pansin pero talagang may kakaibang pakiramdam ako sa kanya. Hahakbang sana ako palapit nang biglang may humawak sa braso ko.

Bumaba ang tingin ko kay Alex.

"Are you okay?" she asked.

"Oo naman. Ano let's go?"

Tunanguan niya ko at nauna ng maglakad papunta sa kotse namin. Bumalik ang tingin ko sa pwesto ng tao kanina ngunit wala ito doon. Who is that? Bumalik ang tingin ko sa asawa ko na nakasakay sa passenger seat.

Hindi ako papaya na may mangyaring masama sa 'yo, Alex. Pangakong binitawana ko sa 'king sarili. Lumakad ako palapit sa sasakyan at sumakay. Pinadaar ko 'yon paalis.

Alex P.O.V.

SA isang fast-good kami kumain ni Jake. Medyo marami ngang tao ngayon kaya matagal kaming nag-wait. Ako na ang um-order ng pagkain namin. Si Jake ang pinaghanap ko ng mau-upuan namin. Panay nga sulyap sa kanya ng mga kababaihang nasa loob ng kainan. Sino ba naman kasing hindi, 'di ba?

Isang gwapong lalaki na naka-business attire ang nandito sa loob. Para siyang isang modelo sa lagay na 'yan. Hays, ang hirap mag-asawa ng gwapo. Nakakaloka.

Nang ako na ang o-order ay sumunod ako.

"Ma'am, what is your order?" tanong ng lalaking crew. Ngumiti ako at tiningnan ang menu na nasa taas.

"Isang bucket ng chicken, four rice and two large coke, two large fries and four large gravy then . . ." Napatigil ako sa pagpili ng may maramdamang braso sa 'king bewang. Hindi ko na kaylangang lingunin kung sino man 'yon dahil sa kuryente pa lang na dala nito ay alam ko na kung sino. "Ahm . . . may gusto ka pa ba, hubby?" tanong ko na hindi lumilingon.

"Sundae."

"And two large sundaes. Thank you!" Ngumiti yung lalaki, may hitsura ito pero mas gwapo pa rin ang asawa ko. Tumikhim si Jake kaya lumingon ako sa kanya. Nakita kong masama ang tingin niya sa crew. Is he jealous?

Ilang sandali pa ay binigay na sa 'min ang order namin. Si Jake ang nagdala at isang crew na lalaki sa table namin. Kumuha naman ako ng kutsara at tinidor bago sumunod sa kanila. Sa may bintana nakapwesto si Jake. Pinagtitinginan ito ng dalawang lamesa na puno ng mga babae.

Grr! Kagigil sila! May pagnanasa pa ang bawat tingin nila sa asawa ko!

Umupo ako sa harap ni Jake. Nakatalikod si Jake sa mga babae kaya hindi niya nakikita ang mga nakikita ko.

"Ang pogi niya!!!" tumitili pang sabi no'ng babae sa likod. Tumingin ako kay Jake na nakangisi. Mukhang alam yata niya ang nangyayari. Pinaningkitan ko siya ng mata. Gustong-gusto pang pinupuri!

"Girlfriend yata yung kasama, eh."

"Yan? Hindi naman maganda. Mukhang retokada!"

Shock akong napalingon sa kabilang lamesa na tumigil ng makita akong nakatingin sa kanila. Sa sobrang tahimik nila aakalain mong may mga anghel na dumaan.

Sinong tinatawag nilang retokada?! Ako?! Baka gusto nilang isampal ko sa kanila lahat ng bahagi ng katawan ko. Lahat 'yan natural! Tiningnan ko sila ng masama bago masamang tumingin kay Jake na nilalagyan na ng pagkain ang plato ko. Naiiling lang ang magaling kong asawa.

Padabog kong kinuha ang kubyertos at nagsimulang kumain. Hindi ko pinapansin si Jake kahit na panay ang tawag sa 'kin at pagpapa-cute niya sa 'kin. Panay turo nang ganyan, ganito. Umirap ako.

"Kumain ka na, Jake. Matanda ka na alam mo na 'yan!" maldita kong sabi at uminom ng coke. Shit. Nasira na ang mood ko.

Hindi ko talaga nililingon si Jake. Bahala siya sa buhay niya.

Kinuha ni Jake ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. From my side, I saw the girls stand up and leave.

"Don't be mad, wife. You are more beautiful compare to them. Don't be jealous. I'm just yours," puno ng pagmamahal niyang sabi at humalik sa kamay ko.

Bigla na lang nawala ang inis ko dahil do'n. May kung anong nangyari sa 'kin. Napangiti ako.

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon