CHAPTER 9

11.6K 233 0
                                    

Alex' P.O.V.

THE day we all waiting is finally here. After months of waiting, preparing and getting stress about the wedding, it's happening now.

Today is our wedding day. My wedding day. Araw kung kaylan maiiba na ang takbo ng buhay ko. Araw kung kelan mag-iiba na ang apilido ko. Kung kelan ang dalawa ay magiging isa.

Marahan akong nakatitig sa salamin at tinitingnan ang reflection. Suot-suot ko ang gusto kong wedding gown. Nakalugay ang mahaba kong buhok at may light make up na nasa mukha ko. Simple, yet beautiful.

Akala ko'y magagawa ko ang plano ko noong nagpla-plano kami. Hindi natuloy dahil sa mga pinakita ni Jake, nawala sa isip ko.

We're at Jake's Island. Dito niya pinagawa ang kasal naming dalawa.

Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Pumasok sina Mommy, Dad at Ate. Nakangiting lumapit ako sa kanila. Yumakay ako kay Ate, ginantihan ko. Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. Humiwalay ako sa kanya, sinapo niya ang pisnge ko.

"Wala na akong magiging kaaway sa bahay niyan. Wala na kong aagawan ng Chuckie," naiiyak na ani Ate. Natawa ako ng mahina. "Mami-miss kita, bunso."

Mariin kong tinikom ang bibig ko para pigilin ang pag-iyak.

"Ate..."

She smile na para bang alam kung anong gusto kong iparating. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon.

"I love you, too. Mahal ka ni Ate kahit madalas kitang agawan ng Chuckie. Sabihin mo sa 'kin kung sinasaktan ka ni Jake, ako ang makakalaban niya," pabirong sabi niya sabay singhot. Natawa kami.

"I will miss you, too. Wala na akong hahabulin dahil sa pang-aagaw ng Chuckie ko. Naunahan pa kitang mag-asawa, oh." Natawa si Ate sa huling sinabi ko. Niyakap ko ulit siya bago hinarap si Mommy.

Inipin ni Mom ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga, saka niya ko hinawakan sa pisnge at malambing na nginitian.

"Malaki ka na talaga, anak ko...mag-aasawa ka na. Isa na lang tuloy ang baby girl ko sa bahay," mangiyak-ngiyak niya rin ani. Hindi ko tuloy napigilang mapa-iyak na dahil do'n. "Baby ko, tandaan mo palagi na mahal na mahal ka ni Mommy. Kapag hindi mo na kaya. Kapag ayaw mo na, umuwi ka sa bahay natin. You're always welcome there," aniya.

Sunod-sunod akong tumango. Pinag-dikit niya ang mga noo namin. Napapikit ako.

"I love you, Mom," ani ko saka dumilat. Ngumiti siya sa 'kin. "Mahal na maahal ko rin po kayo ni Dad."

Natawa kaming dalawa ng mapansing nasisira na ang kanya-kanya naming make-up.

"Huwag ka ng umiyak. Masisira ang make-up mo, anak." Marahan niyang pinunasan sang pisnge ko.

Humarap ako sa 'king first love. Ang Superman ng buhay ko. Buhay namin. Ang taong ginawa ang lahat para maiparamdam sa 'ming mahal na mahal niya kami at binigay ang mga gusto at kaylangan namin. He let us feel na isa kaming real life princess. Tumingin ako kay Dad na naka-sandal sa pader at pinapanood kami.

"Hi, Superman," tawag ko.

Nakangiti niya kong nilapitan at inalis ang kamay na nakapaloob sa bulsa.

"Hi, Supergirl. This is the last time you'll be Villafuerte, later on you'll become an Anderson already," bulong niya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtakas ng luha sa mata niya. My father might be a cold hearted man with other people but when it comes to us he is the warmest and sweetest man.

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now