Chapter 28

8.5K 168 5
                                    

Alex P.O.V.

NATAPOS ang party na hindi kami nag-uusap ni Jake. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang miski si Jake ay hindi kumikibo. Mukha kasing malalim din ang iniisip nito. Hindi na rin namin nakita si Leo dahil sa kung saan siya nagpunta kasama ang babaeng. Si Bryan at Lia ay nagsabay pauwi.

Nakatingin ako sa pinto ng banyo kung saan naliligo si Jake. Maririnig mo ang pagtulo ng tubig ng shower. Sinuklay ko ang buhok ko at tinuyo gamit ang blower.

Sino kaya yung babae kanina? Bakit hindi niya sinabi sa 'kin? Siya ba si Daisy? Talaga bang tinapos na nila ang relasyon nila o baka naman patago lang silang nagkikita?

Bumalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ang pagbukas ng pinto ng banyo. Lumabas doon si Jake na nakatapis ng white towel sa bewang ito. May tumutulo pang tubig sa dibdib nito galing sa basa niyang buhok. Ang hot ni Jake. Hindi kataka-takang maraming nagkakagusto sa bintana.

Mabuti na lang at naging asawa ko na ito. Nakatali sa 'kin. Pero marerendahan ba nito ang lalaki kapag nagmahal ito ng iba?

"Done, eye-raping me, wife?" malokong tanong niya sabay baklas ng towel sa bewang niya.

Mabilis akong tumalikod dahil doon. Nag-init ang buong mukha ko.

"A-anong e-eye raping ka diyan, ha?! Ikaw nga nakahubad, eh!" galit-galitan kong wika.

Narinig ko ang mahinang tawa ng asawa ko at ang yapak ng paa nito. Papunta siguro siya sa walk-in-closet.

"Wife, you should not avoid looking at my buddy. He makes you scream every time, right?" malokong tanong nito.

Mas nag-init ang pisnge ko dahil doon. Totoo naman kasi. Para tuloy may nagbara sa lalamunan ko. Mariin akong lumunok.

"Magbihis ka na para m-makatulog na tayo," asik ko dito at humiga na. Pinatay ko ang ilaw sa gilid ko saka nagtalukbong ng kumot hanggang leeg. Pumikit ako ng mariin.

Lumubog ang kabilang bahagi ng kama kaya napapikit ako ng mariin. We almost did it every night and day. Basta makahanap si Jake ng pagkakataon ay sumisige siyang gawin namin iyon. Naramdaman ko ang pagdikit ng katawan niya sa likod ko. Halos hindi na ako huminga ng ipasok ni Jake ang kamay niya sa loob ng damit ko.

Dumapo ang braso niya sa likuran ko. Sa lock ng bra ko.

"J-jake . . . what are you doing?!" natataranta kong tanong.

Nilapit nito ang mukha niya sa 'kin ng humarap ako. Dumampi ang mainit niyang hininga sa tenga ko.

"Alam mo ba na masama ang matulog na may suot na bra?" Tumango ako, "then why are you sleeping with this?" Tinanggal niya ang pagkaka-hook ng bra ko. "Don't sleep with this again, or else—"

Matapang ko siyang nilingon. "Or else, what?" Napatili ako ng bigla niya akong kubabawan.

"Or else, I will do this!!" aniya't sabay kiliti sa bewang ko.

Nagwala ako. Tawa ako nang tawa at pilit hinahawakan ang kamay niya upang pahintuin. Nahihirapan na akong huminga at nag-iiyak na ako dahil sa tindi ng pangingiliti ni Jake.

"J-Jake!!! Hahahaha s-stop it!! S-stop . . .!!"

Nang makita niya sigurong mamatay na ako kakatawa ay tinigilan na niya ang pangingiliti sa 'kin. Deretso niya akong tiningnan sa mga mata. Jusko, eto na naman ang mga emosyon sa mata ni Jake. He smiled and kissed my forehead.

I smiled. "Amor et melle et felle est decundissimus," maramdamin kong ani.

Kinunutan niya ako ng noo.

"What? Amor et—"

"Amor et melle et felle est decundissimus, Jake. Minsan mo lang maririnig 'yan sa 'kin," ani ko bago siya tinulak pahiga sa kama. Tumalikod ako at pumikit.

"What does it mean, wife? Hey?! Don't sleep on me, wife," pangungulit niya. Instead of answering him ay kinuha ko ang braso niya. Ipinatong ko ito sa bewang ko. Natigil sa pagsasalita si Jake. "Goodnight, wife."

*******

Jake's P.O.V.

NAGISING akong walang katabi. Alexandra is already gone. Dumilat ako't tiningnan ang bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Nilingon ko ang orasan, it's already eight thirty am. Umupo ako bago nag-inat-inat. Naalala ko ang nangyari kahapon sa parking lot kung saan ginanap ang birthday ng kaybigan ni Alex.

She is back and I don't like it. Pakiramdam ko'y sisisrain niya kami ni Alex at hindi ko gusto iyon.

F L A S H B A C K

"Hubby, wait lang, ah!" paalam sa 'kin ni Alex bago sumunod sa mga kaybigan nito. Tiningnan ko ang asawa ko habang tumatakbo palayo. Umiling ako bago lumakad palabas ng room. Kukuhanin ko na lang muna ang regalo sa kaybigan niya.

Nang marating ang parking lot ay lumapit ako sa kotse ko. Binuksan ko ang pintuan ng backseat at inilabas ang paper bag na may lamang regalo. Nakangiti akong tumalikod pagka-lock ng pinto at babalik na sana sa loob nang may babaeng humarang sa 'kin.

"Jake," tawag niya sa 'kin.

Malamig ko siyang tiningnan. Paano niyang nalaman nandito ako?

"What are you doing here?" malamig kong tanong. Akmang aabutin niya ang kamay ko ng umiwas ako.

Nadismaya ang mukha nito. "I want to talk to you, pwede ba? May nakita akong malapit na café—"

"No. Talk now. Hindi natin kaylangang lumayo." Tiningnan ko ang wrist watch ko. Baka hinahanap na ako ni Alex.

"I know you're married."

"So?"

"I want you back."

I scoff. "Napag-usapana na natin 'to hindi ba?"

Umiling siya sa 'kin. Maiiyak na ang babae. "Please, I can wait. I will," pagmamakaawa niya.

Umiling ako saka nagpakawala ng malalim na hininga. Tumingin ako sa malayo bago ibinalik ang tingin sa kanya. Is she crazy?!

"Can you just leave me alone?!" sigaw ko.

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Hear me out, please! Ako na lang ulit!!"

Sunod-sunod akong umiling sa kanya at binaklas ang braso niya sa bewang ko. Suddenly, Alex face show in my mind. Her smiling face.

"I have my wife, so, please, stop," mariin kong sabi pagkatapos ay nilagpasan na siya. Tapos na kami at inaayos ko na ang relasyon namin ng asawa ko. Hindi ko hahayaang magkagulo kami dahil sa kanya.

Sinuyod ko agad ang paligid pagbalik ko sa party. Wala akong Alex na nakita kaya inilabas ko ang telepono ko. Ida-dial ko sana ang numero niya ng makita ko na itong papasok rin ng venue. Kasama nito ang babae niyang kaybigan. Lumakad sila palapit sa 'kin bago ko ibalik ang cellphone ay may pumasok na text message sa 'kin.

From: Unknown

She's your princess and you're her prince . . . but I am the QUEEN and once a QUEEN want something, she always get it.

Kumunot ang noo ko. Wha the hell. I'm sure na siya ang nagpadala ng text message na 'to. Shit.

Nakita ko sa gilid ng mata kong lumalapit na si Alex sa 'kin kaya tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

E N D O F F L A S H B A C K 

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now