CHAPTER 12

11.8K 236 7
                                    

Alex P.O.V.

AFTER thirty minutes ay dumating na rin ang in-orer kong Chuckie. Akala ko'y aabutan pa ng meryenda. Natuwa naman ako dahil sakto ang binigay nila sa 'kin. Twenty pieces at malalamig.

Umiinom na ako ng isang chuckie nang magbukas ang pintuan. Tumaas ang kilay ko at lumingon do'n. Si Jake ang pumasok na may ilang plastic bags na dala. Mas lalo akong nagtaka.

"Hi," bati niya sa 'kin. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.

Ngumiti ako. "Hello! Gusto mo?" alok ko. Walang salita siyang lumapit sa 'kin at dumukwang para uminom. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Naamoy ko na ang panlalaki niyang pabango.

Nakatulala akong tumingin sa kanya.

"Delicious," pabulong niya sabi. Humalik siya sa pisnge ko bago ako iniwan sa sala. Laglag ang pangang sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko naman sinabing uminom siya sa mismong iniinuman ko. Meron pa kong nineteen chuckie sa mini-ref namin.

Nagtagal rin siguro ng oras si Jake sa loob ng kwarto namin bago siya lumabas. Bagong ligo na ang hitsura niya. Hila-hila pa ang maleta namin.

Doon lamang ako natauhan. Marahan ko siyang nilingon. Nakakaloko siyang nakatingin sa 'kin. Ngayon ko lang napansin na may side rin palang napaka-playful tingnan ni Jake.

Tumikhim ako't tumayo. "Aalis na ba tayo?" tanong ko. Lumapit ako sa kanya para sana kuhanin ang maleta ko pero iniwas niya sa 'kin 'yon.

"Yes, para maaga tayo sa Maldives. I also pack up your clothes sa close," aniya, "and I will the one who will hold this." Nauna siyang lumabas ng cabin. Natatawang sumunod ako sa kanya, pero bago ako lumabas ay binalikan ko ang chuckies ko.

Hinanap ng mga mata ko si Jake sa dalampasigan. Natagpuan ko siyang kinaka-usap ang Kapitan ng yate. Nakangiting lumapit ako sa kanila. Tumayo ako ng tabi kay Jake at tinanguan siya. Ipinalupot naman ni Jake ang braso niya sa bewang ko kaya tumigas ang katawan ko. Napalingon ako sa kanya.

Wala namang sinabi sa 'kin si Jake, "let's go now, Captain," aniya at humarap sa 'kin. "Let's go."

Hindi ako nakakibo. Hindi kasi niya inaalis ang mga braso niyang parang sawa na nakapalibot sa 'kin. Naka-alalay siya habang naglalakad ako papunta sa jetski. Ramdam ko ang pagiging maskulado ng braso niya.

I admit, Jake has a great body. Kaya habulin siya ng babae sa city sigurado 'yon. Nang nasa gilid na kami ng jetski ay humiwalay ako kay Jake. Tinitigan ko ang suot niyang damit dahil pamilyar siya sa 'kin...nanlaki ang mga mata ko nang makita iyon!

Bumaba ang tingin ko sa damit na suot ko at tiningnan ang damit ni Jake. Inilang beses kong pinagpalit-palit ang tingin do'n hanggang sa ma-realize na ang damit ni Jake ay ang ka-partner na suot ni Jake.

Wala sa sariling napangiti ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't umiling. Kinikilig ba ko?!

"Hey, are you okay?" tanong ni Jake nang mapansing nakatitig ako sa kanya. Nag-angat ako ng tingin, umiling ako.

"Yap!" I popped the 'p'. Tumango siya sa 'kin. Inalalayan niya kong sumakay ng jetski. Siya kasi ang magmamaneho kaya sobrang kapit na kapit ako sa bewang niya. Isinandal ko ang mukha ko sa likuran niya.

We are not wearing any life jacket pa nga kasi.

I can smell his natural scent. Mas sumiksik pa ko sa kanya at ams humigpit ang yakap. Bet nemen kese eng benge-benge neng esewe ke! Napadilat ako ng maramdaman kong huminto na kami. Tiningnan ko ang paligid ko. Nasa tabi na pala kami ng Yacht.

Sinalubong kami ng mga tauhan sa deck. Inalalayan nila kaming mapanik ng maayos. From where we are ay kitang-kita ko ang isla na maliit sa distansya namin. Nilingon ko si Jake, nakaakyat na rin siya. Bumaba naman ang isang tauhan. Babalik yata siya sa isla.

Lumapit ako sa baradilya. Hinayaan kong tangayain ng hangin ang buhok ko.

"Are you ready?" tanong ni Jake na yumakay sa bewang ko. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko, ramdam ko tuloy ang mainit niyang hininga sa may pisnge ko. Nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko. Sumandal siya sa dibdib ni Jake, humawak ang kamay ko sa braso niya.

"Yeah. Saan tayo pansamantalang tutuloy after ng honeymoon?"

May naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa 'king ulo, mas humigpit ang yakap niya sa 'kin.

"Titira muna tayo sa condo ko sa Q.C. habang ginagawa pa ang bahay natin. You don't have to worry dahil sa private subdivision tayo titira. Doon halos nakatira ang mga kaybigan ko," paliwanag niya.

Tumango ako. At least may plano naman pala siya sa 'ming dalawa. Mahirap kasi ng wala kaming plano. Ayoko ng gano'n. Pinanood ko ang paglayo namin sa Isla.

********

NAKAHIGA na ko sa kama nang may kumatok sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Kumunot ang noo ko at hinintay na magsalita kung sino man 'yon.

"Miss Alex, si Bebeth po 'to. Pinapasabi po ni Sir Jake na lumabas na daw po kayo sa upper deck at may sasabihin siya sa 'yo," anito.

Bumalikwas ako ng bangon. Anong sasabihin? Agad akong lumapit sa pinto at binuksan 'yon. Nabungaran ko pang naghihintay si Bebeth doon.

"Ah, okay. Pakisabi na lang sa kanya na susunod na ko," ani ko. Sinarado ko ang pinto at nagpunta sa may gilid ng kama. Kinuha ko ang bag ko't naglabas ng white dress.

Ang suot ko lang kasi'y over-size shirt and underwear.

Pumasok ako sa loob ng banyo para magbihis. Nang lumabas ako ay naka-ayos na ako. Inilugay ko ang mahaba kong buhok. Naglagay ako ng pabango bago lumabas ng kwarto. Kagaya ng nais nito ay nagpunta ako sa upper deck. Napamaang ako ng makita kung anong meron doon.

Dahan-dahan akong lumakad palapit. Napatakip ako sa bibig ko. Wow.

May isang bilog na lamesa sa gitna na nakapaloob sa mga red rose petals na korteng puso. May mga kandila rin sa paligid at naggagandahang mga bulaklak. Napatingin ako sa may baradilya kung saan nakatali ang mga hugis pusong lobo. May mga nakasulat do'n at may ilaw sa loob.

Another wow!

Napalingon ako ng may tumikhim. Si Jake, nakatayo sa may gilid papunta sa cockpit. May hawak siyang bouquet of red roses na may halong white. He is wearing black sando na napapatungan ng white long sleeve. Nakaputi ring khaki shorts ang lalaki. Lumakad siya palapit sa 'kin.

"Hi," bati ko nang magkatapat kami.

"Flowers for you." Inabot niya sa 'kin ang mga bulaklak.

Nakangiting tinanggap ko ang mga bulaklak. Nilapit ko ito sa ilong ko't inamoy. "Thank you," ani ko. Nag-angat ako ng tingin nang ilagay niya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng mga buhok.

Nag-init ang buong mukha ko dahil do'n. What the heck, Jake?! Don't do this to me!!

"You made all of this?" Tukoy ko sa candlelight dinner.

Tumango siya . "Did you like it?"

Napakagat labi ako at tumango. Like is not a right term for what I'm feeling right now. I actually love this place. I love how he put efforts to do this. Hindi ko akalaing gagawin niya ito.

Maybe I judge him, too, soon gayong hindi pa kami lubusang magkakilala.

Potek, ang mga paru-paru ko sa tiyan ay parang nakawala sa hawla. Nagwawala at naglilikot sila sa tiyan ko.

Bumaba ang tingin ko sa bulaklak na hawak ko. These are beautiful. Bakit hindi ko man lang napansing may ginagawa na pala siya dito kanina.

Mahabang katahimikan ang namayani sa 'min. Until Jake's hand extended to my face. Hinawakan niya ang baba ko. Tinaas niya ito para magtama ang mga mata namin.

My heart started to beat faster.  

My Ex-Husband Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon