Chapter 49

6.9K 143 0
                                    

Alex P.O.V.

NAPUNO ng kahungkagan ang dibdib ko ng hindi maabutan si Jake kinabukasan. Ilang araw na bang nangyayari sa 'min 'to? Para kaming may silent war simula ng umuwi kami galing sa party ni Ms Hart. Para tuloy kaming bumalik sa first month ng pagsasama namin.

Gusto kong umiyak habang nakatingin sa picture ni Jake na hawak ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"I miss you, Jake." Gusto kong umiyak dahil doon. Sinapo ko ang tiyan ko. "Baby, galit kaya sa 'tin ang daddy mo? Sorry, ah. Dahil sa 'kin hindi niya malapitan—" Masama akong napatingin sa may pinto ng tumunog ang doorbell.

"Ano ba! Nakitang nage-emo ako ta's biglang gaganon," inis kong sabi saka lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at tumingin sa may gate. Kumunot ang noo ko. Nakatayo doon si Bryan, Lia and Leo. Nakangiti sila sa 'kin kaya kahit papaano napangiti na rin ako.

Binuksan ko ang gate ng makarating ako doon. "Hi? Anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ko at niyakap sila isa-isa.

"Matagal na yung last time na nag-bonding tayo kaya nandito kami," ani Bryan na nakatingin sa bahay. "Wala kang kasama?"

Ngumiti ako ng maliit. "Wala. Nag-aaral kasi yung kasambahay ko at si Jake nasa work."

Tumili si Leo kaya sa kanya kami napatingin. Ngumiti ako.

"That's good, gurl! Ibig sabihin makakapag-mall tayo!!"

"Yaz! Minsan talaga may lumalabas ding maganda sa bunganga mo, acckla!" ani Lia. Nilingon niya ko. "Ikaw naman, babae. Pumasok ka na sa loob at magpalit ng damit. Magma-mall tayo!"

"Sige. Pasok muna kayo," nakangiting yaya ko sa kanila. Umusad ako para bigyan sila ng way para makapasok. Tumuloy sila hanggang sa loob ng bahay namin. Naiwan si Bryan sa tabi ko na siya ang nagsara ng pinto.

"Why?" natatawang tanong ko.

Umiling siya at inakay ako papasok sa loob ng bahay. Nagpatangay naman ako sa kanya. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil kasama ko ang mga kaybigan ko. Pakiramdam ko'y may kakampi na ako. Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga habang tinitingnan silang nasa sala na naka-upo.

Nilingon ko ni Leo, nagbukas ito ng TV. "Bakla, Dalian mo para masulit natin ang araw," utos niya.

Lumakad ako papunta sa hagdan at pumanik sa kwarto. Naligo ako at saka namili ng isusuot kong damit. I pick a dress na kulay puti, pati na sandals. Pagkabihis ko ay kinuha ko ang shoulder bag ko at nilagay do'n ang cellphone ko, make-ups and my wallet. Pagbaba ko ng hagdan ay nakatingin sila sa 'kin. May inumin na kasi sa center table.

"Sorry, ah. Nangialam na kami sa kusina niyo," paumanhin ni Lia na kumagat sa isang apple.

Lumakad ako palapit sa kanila. "It's okay. Alis na tayo?" tanong ko. Tumayo sila at akmang kukuhanin ang mga nasa mesa ng umiling ako. "Iwan niyo na lang diyan. Mamaya na 'yan pag-uwi ko."

Tumango sila at tumayo na. Inakay nila ako palabas. Bago tuluyang umalis ay ni-lock ko muna ang pinto. Sa iisang kotse lang kami sumakay. Ihahatid na lang nila ako pa-uwi.

*******

KUMAIN muna kami sa fast food ng makarating kami sa mall. Puro lang kami tawa at harutan. Para tuloy akong bumalik sa high school. Masarap kasing kasama ang mga taong tanggap ka at hindi ka huhusgahan . . . na kapag mali ka itatama ka instead na hayaan ka lang. Masakit nga magsalita pero mare-realize mo naman ang pagkakamali mo. Unlike others, plaplastikin ka lang. Kaya pag may tunay kang friends, keep them.

My Ex-Husband Is My New BossWhere stories live. Discover now